17

1052 Words

SUMILAY ang magandang ngiti sa mga labi ni Cristina nang makitang pumasok sa loob ng conference room si Noah. Isa ang binata sa mga pinakamaagang dumating. Mas nauna pa nga kay Cristina si Dr. Astrid Mendoza, ang assistant ni Dr. Altamirano sa operasyon. Naroon na rin ang pinakamahusay at pinakapaboritong scrub nurse na si Johanna. Nakasunod kay Johanna ang iba pang nurses na personal na pinili ni Chief Mendoza. Parating na ang orthopedic surgeon at plastic surgeon. Nginitian siya ni Noah bago naupo sa isa sa mga swivel chair. Inilapag nito ang mga dalang folders at tablet. Nagpasalamat si Cristina na hindi siya nito nilapitan at hinagkan kahit na may munting bahagi sa kanya ang waring nadismaya. Ang dahilan ng kanyang magandang ngiti ay ang pagpapalit ni Noah ng damit. Ang maong na suot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD