Ten: Text Messages ZIA's POV Una si Dwight tapos ngayon naman si Cedric. Yung totoo lang, ano bang natira ng magpinsang to at sinasabi nilang girlfriend nila ako? "Bitawan mo ako, Cedric. Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Matapos kasi nyang ipamukha sa mga nang-aaway sakin kanina sa room na gurlfriend nya ako bigla nya nalang akong hinawakan sa kamay at hinila palabas ng school. Nasa parking lot na kami ng kotse nya nung bitawan nya ako sa kamay. "Sorry," sabi nya bago nya binuksan yung kotse nya at pumasok sya doon. Yumuko ako bago sya tiningnan. "Magkacutting class ka?" Taka kong tanong. "Bakit? Sama ka?" Balik nyang tanong sakin. "No way!" Never. Hindi ako sasamang magcutting class sa kanya. "Okay," sabi nya bago nya pinaharurot patakbo yung kanyang kotse. Pero bago

