Nine: Girlfriend ZIA's POV "Diba si Dwight yon?" Sabi ni Aome. Tiningnan ko yung deriksyon na tinuro nya at nakita ko nga si Dwight. Napakunot noo ako nung mapansin ko kung sino yung kanyang mga kausap. Inayos ko yung salamin ko sa mata at tinitigan ulit yubg mukha nung mga kasama nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Sila nga yon! Sila din yung mga lalaking nakasuntukan ni Dwight kagabi. Yung mga lalaking nakasakay sa kotseng nangbangga samin. Hanggang ngayon ba naman hindi nila tinitigilan si Dwight? "Trace, ihinto mo yung sasakyan." Utos ko kay Trace. "Bakit naman, Betty? May balak ka bang sumali sa gulo?" Hindi ko alam kung amusement ba yung narinig ko sa boses nya o ano. "Basta ihinto mo tong kotse mo. Kailangan nating tulungan si Dwight." Buo kong sabi. "Are you sure, Zia? Paano n

