Chapter Fifteen

2162 Words

Fifteen: Init ZIA's POV Naghahallucinate na naman ba ako?? Hinawakan ko yung litrato at pinakatitigan kong mabuti yung babaeng nakangiti. Hindi nga talaga ako pwedeng magkamali. Ako to. Ako talaga to. Pero, bakit kasama ko silang apat? Kilala ko na ba sila bago ako mawalan ng alaala? Kung kilala ko naman pala sila, bakit hindi nila pinapaalala sakin ang nakaraan? Tsaka si Minho, kung nandito siya ibig sabihin kilala niya din sina Dwight? Eh, bakit wala man lang siyang nasasabi sakin? Napahawak ako saking ulo na bigla nalang sumakit dahil sa walang kasagutang tanong na aking naiisip. "Zia?" Napalingon ako kay Cedric na may nagtatakang tingin habang hawak ang litrato saking kamay. "Sabihin mo magkakilala na ba tayo dati?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya. "Bakit mo natanong?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD