Sixteen: Kapa ZIA's POV "Saan ka ba nanggaling ha? Tapos puro pasa ka pa." Sabi ko habang inuuga ang kaniyang balikat. Siya, deadma. Napabuntong-hininga ako bago ako nagpatulong sa kaniyang mga katulong para madala siya sa kaniyang kwarto. "Maiwan ko po muna kayo. Kukuha lang po ako ng bimpo at tubig." Paalam nung isang katulong. "Pakidala nalang din yung medicine kit," sabi ko. Tumango siya bilang sagot. Hanggang ngayon wala pa ring malay si Dwight. Sigurado akong napasabak na naman to sa away dahil sa mga pasa niya sa mukha. Bakit na kasi gustong gusto niya yang pakikipagbakbakan sa iba? Wala namang maidudulot yan na maganda kundi sakit lang ng katawan. Wait lang, concern ba ako sa kaniya? I shooked my head. No. Malaking hindi. Naaawa lang ako sa kaniya. Magkaiba yon. Haba

