Nakaramdam ako ng kakaibang confidence sa sarili sa nagawa kong iyon kay Angel. Para bang isa itong napakalaking achievement para sa akin. Parang feeling ko ay tunay na lalaki na talaga ako. “Noah... hihiwalayan ko na ang pinsan mo.” Ang sambit ko kay Noah. Naisip ko kasi na mas maigi kung sa kanya ko muna sasabihin ang balak ko. “Ano??? Nababaliw ka na ba???!!!” ang sigaw ni Noah na nagulat sa hindi inaasahang marinig. “A-ayoko na, Noah. H-hindi ko na siya mahal.” “Oh my God! Oh my god!!! Huwag mo iyang gagawin Kam, maawa ka kay Brix!” “Buo na ang pasya ko Noah.” “My God Kam, huwag!!! Huwag mong gawin iyan kay Brix! Pagsisisihan mo sa buong buhay mo kapag ginawa mo iyan. Maniwala ka. Seryoso ako Kam, hindi makakabuti sa konsyensya mo kapag ginawa mo iyan.” “Mas hindi siguro maka

