Isang linggo ang lumipas. “Kam... nakarating na si Brix! Pupuntahan kita d’yan sa boarding house mo. Ipinapasundo ka niya!” ang text sa akin ni Noah. Gulat na gulat ako sa pagkabasa ng text niya. Hindi ko akalain na ganoon kabilis ang pagbalik ni Brix. Ang akala ko kasi ay sa isang linggo pa. “Ok... isasama ko si Angel ha?” ang sagot ko. “Ok” ang sagot din ni Noah. Agad kong tinext si Angel. “Angel, narito na si Brix. Ngayon ko na rin sasabihin sa kanya ang tungkol sa atin, upang habang maaga pa ay alam na niya. Ngayon ko na rin siya hihiwalayan. Daanan ka na lang namin ni Noah d’yan.” Ang text ko kay Angel. Wala pang 30 minutos ay nakarating na si Noah. Gamit niya pa rin ang kotse ni Brix. Inihanda ko na ang aking sasabihin kay Brix. Kinabahan ako habang palapit nang palapit na ang

