"PUTANGINA!" sigaw ko at dinuro-duro ang dibdib ni Juddah ng may hinanakit matapos ang nakakabinging katahimikan. "Nakaka-diri kayo! F*cking disgusting, Juddah! Oh my God!" Nanghihinang napasalampak ako sa sahig. Sunod-sunod na ang paghagulhol ko. Kita ko na rin sa gilid ng mata ko ang paglapit sa 'kin nila Gia at Adrianna. "Maldrid, Baby," umiling-iling si Juddah. He tried to come near me pero maging siya mismo ay tila hindi na makaalis sa kinatatayuan niya. Namumula ang mga mata niya at may luha na ring kumawala mula doon. "Putangina Juddah! Leave now! Ayaw na kitang makita! Umalis ka na! Parang awa mo na!" pagmakakaawa ko. Sobrang sakit ng dibdib ko at hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay may kung anong nakabaon ngayon sa puso ko. Nakakadiri pero mas nakakapanlu

