Chapter 8

1631 Words
Chapter 8 Paloma's Pov Maaga akong nagising para maghanda sa una kong pasok sa trabaho ko bilang secretary. Inihanda ko ang isusuot ko sa lumabas na ako agad sa kwarto para maligo na agad. “Oh anak bilisan mo baka malate ka unang pasok mo pa naman ngayon.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Opo nanay maliligo na po ako.” Wika ko na nagmamadali na akong pumunta sa banyo. “Anak magbaon ka ba?” Sigaw ni nanay sa akin. “ Opo nay kahit kaunti lang po.” Sabi ko habang nasa banyo ako naliligo. Nagmamadali na akong naligo para maka bihis na agad. Pagkatapos ko dali-dali na akong nagtungo sa kwarto para magbihis. Kinuha ko mini skirt at pang blouse ko na isusuot. Sinuot ko na din ang blazer para sa ipatong sa aking blouse. Pagkatapos kong nagbihis ay umupo na ako sa harapan ng salamin saka nag make up. Nang natapos na akong nag ayos lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang shoulder bag ko. “Paloma ang ganda mo anak. Simpleng makeup pero lumilitaw talaga ang kagandahan mo anak ko.” Puri ni nanay Clara sa akin. “Salamat po nanay Clara.” Ngiti ko kay nanay. “ Ang ganda mo talaga anak lalo ng nag makeup ka. Ah halika na umupo ka na't kumain bago ka pumasok baka magutom ka doon.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Salamat nanay ko. Si tatay po nay hindi pa ba siya kakain?” Tanong ko kay nanay “ Maaga siyang umalis anak may operasyon daw sila sa kabilang bayan. Tinawagan siya kanina ng kasamahan niya.” Wika ni nanay sa akin “Ganun po nay. Sabay na po tayong kumain nanay para may kasama po ako.” Wika ko kay nanay “Sige na anak busog pa naman ako magtimpla na lang ako ng kape para sa ating dalawa.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Nay kain na po ako.” Wika ko sa kanya “Sige anak kumain ka na dyan pagtitimpla kita ng kape muna. Wika ni nanay sa akin “Nay wag na po baka malate na po ako konti lang kakainin ko.” Wika ko kay nanay “Alis na po ako nay baka malate na po ako.” Paalam ko sa kanya. “Mag ingat ka anak sa pag byahe mo.” Wika ni nanay sa akin. “Ingat din po kayo nanay paalam po.” Wika ko sabay alis na sa bahay. Nagmamadali na akong lumabas papunta sa kalsada para maka abang ng masasakyan. “Abner wala pa ba ang kapalit ni Cris?” Tanong ni Don Fabio. “Wala pa boss.” Sagot ni Abner kay Don Fabio. “Ganun ba pag dumating dahil mo agad sa office ko para makilala ko siya agad.” Tugon ni Don Fabio kay Abner. “Sige po boss pagdating ihahatid ko po siya sa inyong opisina.” Sagot naman ni Abner kay Don Fabio. Nagmamadali na ako naglalakad papunta sa mansion. Napatigil ako bago umabot sa harap ng gate napa buntong hininga ako ng malalim. “Paloma kaya mong mag trabaho para sa magulang mo.” Sambit ko sa sarili . Nag tungo na ako agad sa harapan ng gate saka nagtanong sa guad. “Good morning miss ikaw ba yun kahapon nag apply?” Tanong ng guard sa akin. “Opo kuya ako nga po.”Sagot ko “Pasok ka kanina ka pa hinihintay ni Don Fabio” Wika ng guard sa akin. Pinapasok ako agad ng guard saka inihatid sa loob. Nakita ko yung lalaking kausap ko kahapon sinalubong kami agad niya. “Good morning po pasensya na natagalan po ako nahirapan po kasi ako sa pagsakay papunta dito sir.” Wika ko na humihingi ng pasensya sa kanya. “Okay lang naman unang pasok mo pa naman Miss Herrera. Halika hinihintay ka na ni Don Fabio sa kanyang opisina.” Wika niya sa akin. Sinundan ko siya at umakyat kami sa hagdan papasok sa opisina ni Don Fabio. Habang papasok na kami sa mansion biglang kumabog ang aking dibdib sa kaba. Kinalmahan ko lang ang paghinga habang hindi pa kami nakakarating sa loob ng opisina ni Don Fabio. Napatigil sa paglalakad ang lalaki saka kumatok sa pinto. “Pasok.” Malakas na boses na nanggaling sa loob. Binuksan niya agad ang pinto saka pumasok sa loob. “Boss nandito na po si Miss Herrera.” Wika ni Abner kay Don Fabio. “Papasukin mo siya.” Wika ni Don Fabio kay Abner. “Pasok ka na Miss Herrera.” Tawag ni Abner sa akin. “Magandang umaga po.” Bati ko kay Don Fabio. “Iwan mo na kami Abner puntahan mo na mga trabahante natin sa pinyahan. Ako na ang bahala dito sa bago kong secretary.” Utos ni Don Fabio kay Abner. “Sige po boss.” Sagot naman ni Abner sa ka lumabas ng opisina ni Don Fabio. Kinakabahan ako ng kaming dalawa na lang naiwan sa opisina niya. Hawak niya ang brown envelope na naglalaman ng resume ko. “Paloma Herrera fresh graduate ka lang iha. Paano ka napadpad dito para maghanap ng trabaho?” Tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan sa tanong niya sa akin agad. Kinalmahan ko lang sarili ko para masagot ng maayos ang tanong niya sa akin. “ Nagbabakasakali po akong makahanap ng trabaho po sir kahit anong trabaho po dahil fresh graduate lang po ako sir. At saka malayo na po ako sa syudad kaya nagtanong tanong din po ako kung may malapit na trabaho pwede kong mapasukan.” Sagot ko sa kanya agad. “Paano pala kung doon kita pagtatrabaho sa pinyahan ko tatanggapin mo ba?” Tanong niya sa akin. “Okay lang po sir basta may ma experience lang po ako na trabaho.” Sagot ko sa kanya. “Swerte mo iha naghahanap ako ng kapalit sa secretary ko ilang araw na hindi pumapasok nagkasakit daw kaya nag pa hired ako agad. Sakto naman pag apply mo kaya tinanggap kita sa posisyon na secretary. Office Administration pala natapos mo iha bakit dito ka nag apply na pang mahirap lang ang trabaho dito?” Biglang tanong niya sa akin. “Sir alam ko pong hindi ako basta basta maka apply agad ng trabaho sir dahil bagong graduate pa lang po ako. Kaya sinubukan ko pong kahit sa bukid mag apply ng trabaho sa hirap ng buhay kailangan pong kumayod para sa magulang po sir.” Sagot ko sa kanya agad Naglalakad lakad siya sa likod ko habang sumasagot ako sa katanungan niya sa akin. “Sa tingin ko masipag ka ma prinsipyo ka sa buhay kaya tinanggap kita. Pwede ka ng magtrabaho dito sa opisina ko. Ikaw ang maghahawak lahat ng papel dito sa loob ng opisina ko. Lahat ng schedule ko kailangan eh take note mo para malaman ko lahat kung may mga meeting akong gaganapin. Kailangan lagi nasa tabi kita kung pwede Miss Paloma.” Biglang lapit niya saka bumulong sa likod ng aking tenga. Nagulat ako sa ginawa niya sa akin. Bigla na lang akong napapikit sa ginawa niya sa akin. “Huwag kang matakot hindi naman ako nangangain iha kalma ka lang kaya sa loob ng opisina lang ang trabaho mo at saka nasa tabi kita.” Wika ni Don Fabio sa akin. “M-Malinaw po Don Fabio.” Pautal kong sagot kay Don Fabio. “Taga saan ka ba Paloma? Kung malayo ka pwede ka mag stay in dito sa mansion para sabado at linggo ang off mo.” Offer sa akin ni Don Fabio sa akin. “Hindi naman po kalayuan ang bahay namin po dito Don Fabio pwede naman po akong umuwi araw-araw. “ Sagot ko agad sa kanya. “Sige kung malapit ka lang dito kailangan pasok mo 8am nandito ka na pag lumagpas ka sa oras automatic bawas sahod mo yan. Sa hapon uwian mo 6pm kailangan mong tapusin ang pinapagawa ko sa araw na yan pag hindi tatagal ang pag uwi mo. Sa sahod naman 680 ang araw mo pag overtime naman may dagdag sahod naman kaya huwag kang mag alala kung natatagalan ka sa pag out mo.” Paliwanag ni Don Fabio sa akin. “Sige po Don Fabio gagawin ko ang makakaya ko.” Sagot ko sa kanya. “Si Abner ang katiwala ko sa hacienda ko sa pinyahan. Siya ang humahawak sa mga tao ko doon ang kausap mo kanina. Kung may ipapasa siya na schedule tungkol sa akin dapat alamin mo yun dahil ikaw mag alala sa akin kung saan ang mga lakad ko. Kailangan naka take note yan lahat.” Paliwanag ni Don Fabio sa akin. “Ayoko ang pakupad kupad magtrabaho at higit sa lahat ang ayaw ko para absent . Kung ilang beses na absent mo sunod sunod ay huwag ka ng pumasok maghahanap na ako ng iba. Ganun ang patakaran ko.” Dagdag niyang sabi sa akin. “Sige po boss gagawin ko lahat makakaya ko.” Sagot ko naman sa kanya. “Yung uniform mo mamaya ibibigay ko. Hindi bagay yan suot mo dito sa opisina ko. Kailangan yun ang isuot mo saka kailangan presentable ang make up mo dahil minsan may mga lakad tayong nasa malalayo para sa mga meeting ko. Kailangan kasama ka doon Paloma.” Paliwanag niya sa akin. “Sige po Don Fabio.” Sagot ko sa kanya agad. “May mga tambak na trabaho si Cris dyan at ikaw na ang magtutuloy Paloma . Huwag kang mag alala tuturuan naman kita kung anong gagawin.” Wika ni Don Fabio sa akin. Ibinigay niya sa akin ang mga schedule na dapat maasikaso ko ngayon araw na ito. Sinimulan ko na ang mga gawain na naiwang trabaho ng dati niyang secretary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD