Chapter 7
Paloma's Pov
Hindi ko sinabi ang katotohanan kung saan ako nag apply. Ayokong mag alala si nanay Clara sa akin.
“Nay, pasok muna ako sa kwarto pahinga lang muna ako saglit po.” Paalam ko kay nanay Clara.
“Si anak pahinga ka muna.” Wika ni nanay Clara sa akin.
Agad akong nag tungo sa kwarto ko at nagpahinga.
“Boss may aplikante gustong mag apply dito kanina at ito po ang resume niya.” Wika ni Abner sabay abot sa brown envelope.
“Babae o lalaki?” Tanong ni Don Fabio
“ Babae po boss fresh graduate lang po daw siya at gusto niyang maka hanap ng trabaho agad parang malapit lang dito. Kahit anong posisyon na trabaho daw basta maka experience lang muna daw siya.” Kwento ni Abner kay Don Fabio.
Tinignan ni Don Fabio ang nasa loob ng brown envelope at nakita ang resume.
“Office Administration pala na tapos niya sakto kunin mo na lang siya Abner bukas na bukas papasukin mo na siya dami ko ipapa utos sa kanya. Tawagan mo na agad ngayon para sabihan bukas mag simula na siya kamo.” Utos ni Don Fabio kay Abner
“Masusunod boss tatawagan ko na agad para makapag simula na agad bukas.” Wika ni Abner kay Don Fabio.
Kinuha ni Don Fabio ang kanyang phone para tawagan si David.
Kringggg…Kringggg…
“Hello uncle.” Wika ni David sa kabilang linya.
“Nakahap na ako ng aplikante. May nag appy n kanina.” Wika ni Don Fabio sa kanyang pamangkin.
“Ganun po ba buti naman kung ganun uncle hindi ako mag papaskil dito sa mga tauhan ko ngayon.” Wika ni David sa kanyang uncle Fabio.
“ Oo wag na salamat David. Yun lang initawag ko.” Wika ni Don Fabio sa kanyang pamangkin.
“Sige po uncle may gagawin pa ako.” Paalam ni David sa kanyang uncle Fabio.
“Abner tawagan mo na agad ang babaeng nag apply kanina para bukas makapasok na siya agad.” Sigaw ni Don Fabio kay Abner.
Tumunog ang phone ko habang naka higa ako sa kama. Sinagot ko agad ito.
“Hello good afternoon po.” Sambit ka sa kabilang linya.
“Hi Miss Herrera tanggap na kayo. Bukas magsisimula na kayo as a secretary ni Mr. Fabio Dela Cerna.” Wika ng lalaking nasa kabilang linya kausap ko.
Napa bangon ako agad sa pagkahiga sa kama.
“Talaga po sige po bukas pupunta po ako dyan sir.” Sagot ko naman sa kausap ko nasa kabilang linya.
“You wear office attire Miss Herrea bukas. Kailangan 8 a.m nandito ka na sa mansion ni Don Fabio.” Wika ng lalakin kausap ko sa kabilang linya.
“Sige po sir.” Sagot ko naman din.
“Goodluck Miss Herrera.” Wika niya sabay patay ng phone.
Ito na ang pagkakataon kong mahanap ang sagot na matagal ko ng gustong sa nangyari sa mga magulang ko. Kailangan kong mahanap at mabigyan ng katarungan ng pagkamatay nila.
Gumagabi na maagang umuwi si tatay Danilo galing sa trabaho. Nagluto si nanay ng masarap na hapunan naming tatlo.
“Paloma! Paloma!” Tawag ni nanay Clara sa akin.
“Nay ano po yun?” Tanong ko agad.
“Tulongan mo nga ako maghain maghahapunan na tayo anak.” Wika ni nanay sa akin.
“Sige po nay.” Sagot ko papunta sa kusina.
Agad naman akong kumuha ng mga kurbyentos sa lalagyan at inihanda na sa hapag kaina. Nagsandok na si nanay ng mga pagkain namin at dinala na sa mesa.
“Tay! Kakain na po!” Tawag ko kay tatay Danilo .
“ Sige anak susunod na ako.” Sagot ni tatay habang nanunuod ng tv sa sala.
“Hmmm. Parang ang sarap ng amoy ng ulam natin ngayon.” Wika ni tatay Danilo ng palapit na sa kusina.
“Adobong manok ang ulam natin ngayon. Halika na mahal umupo ka na kakain na tayo.” Wika ni nanay Clara kay tatay Danilo.
“Sweet naman ng mga magulang ko.” Wika ko sa kanila.
“Ikaw Paloma pag magkaka boyfriend ka ang hanapin mo yung taong magmamahal sayo ng totoo. Hindi yun iiwan ka ng basta-basta. Dapat tapat mag mahal tulad ko mahal na mahal ko nanay Clara mo kahit wala kaming anak . Kaya nagpapasalamat kami sayo ikaw naging anak namin na kumpleto na kaming dalawa. Masaya na kami ng ganito Paloma.” Wika ni tatay Danilo sa akin.
“Tama ang tatay Danilo mo Paloma kahit mahirap basta magmamahalan kayong dalawa. Kailangan tapat kayong magmahal kayong dalawa yan ang tandaan mo .” Wika din ni nanay Clara sa akin.
“Opo nanay tatandaan ko po sinasabi ninyo nanay at tatay pangako po.” sagot ko sa kanilang dalawa.
“O sha kumain na nga tayo baka lumamig pagkain na natin.” Wika ni nanay Clara.
“Nay, Tay may sasabihin po sana ako sa inyo.” Wika ko na nag aalanganin mag sabi.
“Ano yun anak?” Tanong ni nanay Clara sa akin.
“ May trabaho na po ako at bukas na po ako magsisimula po.” Wika ko sa kanila.
“Ang bilis mo naman naka hanap ng trabaho anak!” Wika ni nanay na nagulat sa sinabi ko .
Napatingin si tatay Danilo sa akin. Alam kong nangangamba siya sa mga ginagawa ko.
“Anong trabaho anak?” Tanong ni nanay Clara sa akin.
“ Secretary po nay.” Sagot ko.
“Wow! Agad secretary talaga ang swerte mo naman anak natanggap ka agad. Masaya ako anak para sayo.” Masayang sabi ni nanay Clara sa akin..
“Narinig mo yun Danilo magtatrabaho na anak mo.” Wika ni nanay kay tatay Danilo.
Napatingin na lang si tatay sa akin na nag aalala sa mga gagawin ko.
“Oo masaya ako anak para sayo. Mag ingat ka lagi Paloma.” Wika ni tatay na nag aalala sa akin.
“Opo tatay salamat po.” Wika ko kay tatay Danilo.
“Kumain na tayo kailangan maaga kang matulog anak dahil papasok ka na pala bukas sa first work mo.” Wika ni nanay Clara sa akin.
“Opo nanay Clara.” Sagot ko.
Nagpatuloy na kaming kumain ng hapunan namin tatlo.
“Sa opisina ni David.”
“Che, paki check bago kayo umuwi mauna na ako uuwi kayo na bahala dito.” Tugon ni David sa mga tauhan niya.
“Okay po boss.” Sagot ni Che kay David.
Lumabas si David galing sa opisina niya.
“Bye boss.” Sambit ng mga tauhan niya nadadaanan niya.
Lumbas na siya agad at nagtungo agad sa kanyang sasakyan.
Agad binuksan niya ang kanyang sasakyan saka sumakay at pinaandar na niya ito.
Habang nag mamaneho si David ay biglang tumawid sa kalsada hindi niya agad napansin. Na bundol niya isang matandang naglalakad patawid.
Napahinto siya agad at bumaba sa kanyang sasakyan.
“Aray! Aray! Yung balakang ko!” Sigaw ng matandang babae na namimilipit na sa sakit na iniinda sa katawan.
“Lola sorry po hindi ko kayo napansin agad pagtawid ninyo.” Pag alala ni David sa matanda.
“Aray! Ang sakit!” Inda niya sa kanyang katawan.
“Halika lola dadalhin ko po kayo sa ospital.” Aligagang sabi ni David habang inalalayan niya ang matanda.
Isinakay niya ito agad sa sasakyan saka bumalik sa dinaanan niya papuntang ospital.
Nagmamadali nagmaneho sa David patungo sa ospital para dalhin sa ospital.
“Aray! Aray! Masakit buo kong katawan.” Sambit niya habang iniinda niya ang sakit sa katawan.
“S-saglit na lang lola malapit na tayo sa ospital.” Tarantang sabi ni David sa na bundol niyang matanda.
Mabilis niyang pinaharuruot ang sasakyan para maka punta na sila agad sa ospital.
Nang nakarating na dali-dali siyang bumaba sa sasakyan saka binuhat niya ang matandang na disgrasya niya sa daan.
“Miss pa assist naman.” Sigaw ni David sa nurse
Pinahiga ni David ang matanda sa stretcher bed. Mabilis nilang dinala sa loob ng ospital. Sumunod din si David para masiguradong okay ang lolang nabundol niya.
Nalapatan na ng lunas ng mga nurse ang matanda.
“Nurse kumusta po ang matanda?” Tanong ni David na nag aalala.
“Sir mga galos po siyang kailagan gamutin kailangan po x-ray ang kanyang katawan baka tignan kung nabalian ba siya ng buto sa kanyang iniindang sakit sa balakang.” Wika ng nurse kay David.
“Sige po nurse pa check nyo na lang po ng maigi.” Wika ni David na nag aalala sa matanda.
“God hindi ko nakita agad na may tumawid pala. Hindi ko sinasadyang makabangga.” Bulong niya habang nag aalala habang nakatayo siya sa gilid.
“Sana hindi masyadong napuruhan. Hindi ko intensyon masagasahan siya.” Sambit niya habang palakad lakad siya dahil sa nangyari.
Lumabas ang doktor na tumingin sa pasyente nabundol ni David.
“Dok kamusta po ang pasyente dok?” Tanong ni David sa doktor
“Kailangan ma x-ray at ma ct scan ang pasyente baka may mga frature na kanyang katawan. Nilapatan na namin siya ng gamot para sa masakit na katawan niya.” Paliwanag ng doktor sa kanya.
“Gawin nyo na lang po ang nanararapat dok ako na po bahala sa gastusin.” Wika ni David sa doktor.
Gumaan na kanyang pakiramdam dahil na okay na ang matandang nabundol niya kanina.