Chapter 6

1647 Words
Chapter 6 Paloma's Pov Binaba na ako ni tatay Danilo sa harapan ng school na pinasukan ko. ‘’ Paloma mag ingat ka sa pag uwi mo mamaya.’’ Bilin ni tatay Danilo sa akin ‘’Salamat po tatay ingat din po kayo.’’ Wika ko din kay tatay Danilo. Umalis na si tatay sa kinatatayuan ko saka pumasok na din ako sa campus para makahu na ang kailangan kong papel para sa pag apply ng trabaho. Good afternoon ma'am.” Bati ko kay Mrs. Santos. “Hi Paloma na pupunta ka dito? Anong kailangan mo iha?” Tanong ni Mrs. Santos sa akin. Ma'am kunin ko po sana ang TOR ko po at diploma para maka apply na din ako ng trabaho po ma'am.” Wika ko sa kanya “Bali Paloma ang TOR pa lamang ang pwede namin maibigay sa ngayon to be followed pa ang diploma ninyo. Pwede naman sa trabaho ang TOR lang wala naman problema yun.” Paliwanag ni Mrs. Santos sa akin. “Sige po ma'am yun na lang po kukunin ko.” Sabi ko kay Mrs. Santos “Wait hanapin ko lang Paloma.” Wika niya sa akin. Naghintay ako ng limang minuto para mahanap ang aking TOR ni Mrs. Santos. “ Miss Paloma ito TOR mo.” Tawag Mrs. Santos sa akin. “Ma'am salamat po.” Wika ko sa kanya Umalis na ako agad registered office saka lumabas ng campus. Naghihintay ako sa labas ng campus ng tricycle para pumunta sa bayan. “Miss sasakay ka ba ng tricycle?” Tanong ng tricycle driver sa akin. Opo kuya sa bayan lang po.” Sagot ko saka sumakay na ako agad. Binaybay na namin ang daan papuntang bayan. “Boss na contact ko po ang secretary ninyo boss hindi pa daw makakapasok may sakit pa daw siya ngayon.” Wika ni Abner kay Don Fabio. “ Huwag mo ng pabalikin at mag hired ka na ng iba.” Wika ni Don Fabio kay Abner “Sige po Don Fabio gagawin ko na po pinag uutos mo po.” Wika ni Abner kay Don Fabio. “Kailangan bukas may makapag pasa na ng resume para mag simula na agad.” Utos ni Don Fabio kay Abner. Kinuha ni Don Fabio ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang pamangkin. Kring…Kringggg… Tunog sa kabilang linya. “Uncle napatawag ka po?” Tanong ni David sa kabilang linya. “ Tulungan mo nga akong maghanap ng magiging secretary ko dito.” Wika ni Don Fabio sa kanyang pamangkin. “ Bakit anong nangyari sa secretary mo po?” Tanong ni David sa kanya “ Hindi na pumasok iho nag kasakit daw hanggang ngayon kaya magpapa hired ako ng ibang secretary.” Wika ni Don Fabio sa kanyang pamangkin nasa kabilang linya. “ Sige po uncle magpapautos po ako sa mga tauhan ko sa SPA na maghanap para dyan sa office ninyo po.” Wika ni David sa kanyang uncle. “ Maasahan talaga kita iho sa lahat ng bagay.” Sambit ni Don Fabio sa kanyang pamangkin sa kabilang linya. “ Oh sya mag iingat ka lagi David.” Dagdag ni Don Fabio sa kanyang pamangkin. “Salamat uncle.” Wika niya sabay patay ng phone. Tinawagan ni David ang kanyang mga tauhan para mag paskil at para makahanap na ng secretary. “Kuya dito na lang po ako baba.” Wika ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Huminto ang tricycle saka bumaba na ako agad. “Ito po bayad ko kuya. Salamat po.” Wika ko sabay baba sa tricycle. Naglakad lakad na muna ako para maghanap ng pa xerox sa TOR. Nang nakahanap na ako ay pina xerox ko na din ang TOR at gumawa na lang ako ng resume para may maibigay ako sakaling makahanap ako. Ilang minuto din ako nandoon para mag fill up naisip ko pumunta sa hacienda ng mga Dela Cerna baka may hire sila doon kahit anong trabaho. Pumara ulit ako ng tricycle para sumakay at pumunta doon sa lugar na pinag trabahuan dati ng aking mga magulang. “Kuya sa hacienda ng mga Dela Cerna po!” Wika ko sa tricycle driver.” “Ma'am malayo po yun 150 singilan papunta doon ma'am.” Wika ng tricycle driver sa akin. “Sige po kuya basta may hatid mo po ako doon.” Sabi ko sa kanya. Sumakay na ako sa tricycle at nagtungo na kami papunta doon. Binilisan ng tricycle driver ang papatakbo dahil may kalayuan din yung mga kalahating oras din ang babyahiin papunta doon. Nang nakarating na kami ay agad akong bumaba sa tricycle saka nagbayad agad ng pamasahe. Napatingin ako sa gate ng mansion ng mga Dela Cerna. Nakita ako ng nagbabantay sa gate. “Miss mag apply ka ba ng trabaho?” Tanong ng isang mamang lalaki sa akin. “Po! Opo sana naghahanap po ako ng trabaho.” Sagot ko na lang sa kanya. Sa isip ko sakto lang pala ang pagpunta ko dito dahil nag hahanap sila ng tauhan. Pinapasok ako ng mamang lalaki para dahil at ihatid niya ako sa loob. “Halika miss sundan mo na lang ako sa loob para doob ka mag apply.” Wika ng mamang lalaki sa akin. “Sige po.” Sagot ko tapos sumunod na lang ako sa kanya. “Abner may aplikante sa labas pinapasok ko na.” Wika ng mamang lalaki sa kanyang kausap. “Siya ba sinasabi mo?” Tanong ni Abner “Oo sita nga miss dito ka na lang mag apply.” Wika ng mamang lalaki sa akin. “Salamat po kuya.” Wika ko sa lalaking nag magandang loob papasukin ako. “Anong natapos mo iha?” Tanong ng lalaki nasa harapan ko. “Office Administration po sir.” Sagot ko sa lalaking kaharap ko. “Sakto naghahanap kami ng secretary ngayon hindi na kasi pumasok ilang araw na.” Wika ng lalaking nasa harap ko. “Sige po sir.” Sagot ko. “Ako pala si Abner ako ang pinagkakatiwalaan ni Don Fabio sa hacienda niya.” Wika niya sa akin. “Ako pala po si Paloma Herrera fresh graduate po sir. Nagbabakasakali po makakahanap ng trabaho po sir.” Pakilala ko sa kanya. “Sakto pinunta mo nag hahanap talaga kami ng secretary ng boss namin ngayon. May dala ka bang resume iha?”Tanong ng lalaki sa aking harapan. “Opo sir may dala po ako mga requirements ko po ngayon.” Sagot ko sabay bigay sa brown envelope na naglalaman ng resume ko at TOR. “Sige miss naka lagay naman information naman dito at contact mo. Nagpapahinga pa kasi boss namin tatawagan ka na lang namin pag makita na niya ito resume mo.” Wika ng lalaking nasa harap ko. “Sige po sir kailangan ko din po talaga ng trabaho kahit ano po may mapasukan lang akong trabaho.” Paliwanag ko sa kanya. “Sige miss makakaasa ka matatanggap ka ako mag recommend sayo.” Wika niya sa akin. “Salamat po sir alis na po ako sir .” Paalam ko sa lalaking kausap ko. “Ako bahala sayo makakapasok ka. Huwag kang mag alala. Pag tinawagan ka punta ka agad dito.” Paalala ng lalaki sa akin. “Sige sir salamat po.” Wika ko sabay lakad pa alis palabas papunta sa gate. “Ano miss tanggap ka ba?” Tanong ng lalaki nag papasok sa akin. “Tatawagan na lang po daw ako kuya . Sana matawagan ako kailangan ko talaga ng trabaho ngayon.” Malungkot kong sabi sa lalaki . “Hayaan mo miss tatawagan ka yan lalo kailangan ni Don Fabio ng secretary.” Wika ng lalaki sa akin. “Sana po kuya. Alis na po ako kuya . Salamat po ulit.” Wika ko sabay paalam na din. Lumabas na ako ng gate saka naglakad palabas na din. Habang dahan-dahan akong nag lakad napa lingon ako sa likod saka napatingin ng masama. “Ito na ang simula ng paghihiganti para sa mga magulang ko.” Sambit ko habang napatingin sa malaking mansion. Naglakad na ako papalayo sa mansion at naghintay ng sasakyan pa punta ng bayan. Saktong may dumaan na jeep saka pumara na ako para makasakay na din. Habang nakasakay ako ng jeep iniisip ko sila nanay at tatay sa sinapit nila dyan sa loob ng hacienda ni Don Fabio. “Kailangan ko mahanap ang kasagutan na bumabagabag sa isipan ko.” Sambit sa isipan ko. “Makisuyo po bayad po.” Paki suyo ko sa unahan na naka upo. Malapit na akong bumaba sa pangalawang bayan lang naman ang tinitirhan namin. Ilang sandali pumara na ako para makababa na din ako. "Ma! para po!" Sabi ko sa driver ng jeep Huminto ito saka bumaba ako agad at tumawid sa kabilang linya para maglakad papunta sa looban. Habang naglalakad ako tinawag ako ng kumare ni nanay Clara. "Paloma saan ka galing?" Tanong ng kumare ni nanay sa akin. "Sa school po may kinuha lang po ako Aling Mina." Sagot ko naman agad "Mag apply ka na ba ng trabaho agad?" Tanong ni Aling Mina sa akin. "Opo Aling Mina kailangan para maka tulong ako kala nanay." Sagot ko sa kanya "Swerte naman ni Mareng Clara may anak na nag aalala ng sitwasyon ng buhay." Wika ni Aling Mina . "Sige na po Aling Mina uuwi na po ako." Paalam ko sa kanya. "Sige Paloma." Wika niya sa akin. Naglakad na ako saka lumiko sa kanto sa uuwian ko. "Nay, nandito na po ako." Sambit ko habang papasok ng gate namin. "Anak nandito ka na pala .Kamusta nakuha mo TOR mo?" Tanong ni nanay Clara "Opo nay nakuha ko na po." Wika ko sa kanya. "Nay , nag apply na po ako ng trabaho." Wika ko kay nanay. "Okay na yun anak desisyon mo yan basta mag ingat ka lang Paloma." Wika ni nanay Clara sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD