Chapter 5

1577 Words
Chapter 5 Paloma's Pov “Anak, may plano ka na ba magtrabaho anak? Pwede ka naman mag pahinga ka muna dahil para ma relax ka muna saglit.” Tanong ni nanay Clara sa akin. “Nay maghahanap na po ako ng trabaho. Gusto ko na pong makatulong sa inyo nanay.” Sagot ko kay nanay Clara. “Anak, hindi ka namin inuubligang magtrabaho. Kahit magpahinga ka muna ng ilang buwan muna. Basta amin lang ma enjoy mo din ang sarili mo Paloma. “Opo nay pag iisipan ko po. Mag aayos po ako ng mga kailangan ko sa paghahanap ng trabaho at hindi ko po sasayangin ang oras ko po nanay Clara.” Wika ko sa kanya. “Ikaw bahala Paloma basta sa amin lang ng tatay mo mag relax ka na muna pero naiintindihan ka din namin anak para sa kinabukasan mo din yan.” Paliwanag na sabi ni nanay Clara sa akin. “Salamat nanay Clara.” Sagot ko sa kanya. “Maiiwan muna kita anak pupunta muna ako palengke bibili ng pananghalian nating ulam.” Paalam ni nanay sa akin. “Gusto nyo po bang samahan ko na lang muna kayo nanay?” Baka kailangan nyo po tulong ko?”Aya ko kay nanay Clara. “Huwag na anak kaya ko naman din. Kaunti lang naman bibilhin ko anak dito ka na lang muna sa bahay.” Wika ni nanay Clara sa akin. Sige po nanay maglinis na lang po ako sa kwarto ko mukhang maalikabok na din pala kaya maglinis na lang po muna ako nay.” Sabi ko sa kanya “Alis na ako Paloma.” Paalam ni nanay sa akin. “Ingat po kayo nanay Clara.” Wika ko sa kanya. Umalis na si nanay Clara kinuha ko ang walis tambo at dustpan at nagtungo sa aking kwarto. Nagsimula na akong maglinis sa aking kwarto. Pinagpag ko nasa loob ng cabinet ko. Bigla nakita ko ang mga death certificate ng mga magulang ko. Pumasok sa isipan ko ang nangyari sa kanila. “Kailangan ko ng kumilos para maka pasok na ako agad sa puder ng mga Dela Cerna. Hindi ko sasayangin ang araw kailangan ko mabigyan ng hustisya mga magulang ko.” Sambit ko habang hawak-hawak ang mga papelis ng mga certificate nila. Nagmamadaling ibinalik sa brown envelope saka ibinalik sa lagayan niya ng damit. Ipinagpatuloy na akong naglinis ng kwarto. Tinanggalan ko na ng mga punda, bedsheet at kurtina para malabhan ko na din ito. Ipinagpatuloy ko na din ang paglilinis hanggang sala para malinis na pagdating ni nanay Clara. Nang natapos na ako nagpahinga lang ako saglit para maligo. Dumating na din si nanay galing palengke dala-dala ang isang basket na puno ng gulay. “Nay, nandito na pala po kayo. Ako na po maghahatid sa kusina yan nay.” Sabi ko sa kanya sabay kuha sa mga pinamili niya. “Salamat anak.” Wika niya sa akin. “Nay, aalis sana ako pupunta ako school para makuha ko mga need ko para makahanap ng trabaho nay.” Paalam ko sa kanya. “Ang aga mo naman kumuha ng mga papel mo Paloma. Baka naman ma pressure ka yan anak.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Kunin ko lang po ng maaga nay malay mo bukas po makahanap na ako agad ng trabaho. Mas mabuti kasing hawak mo na agad mga requirements po lahat na nanay.” Paliwanag ko kay nanay Clara “Ikaw bahala Paloma naiinip ka na din sa bahay. Gusto mo na talagang magtrabaho talaga.” Wika ni nanay sa akin. “Salamat po nanay sa pag intindi sa akin nanay Clara.” Sabi ko sa kanya. “Maliligo na po ako nanay para makapunta na ako agad sa school po.” Wika ko kay nanay Clara “ Sige anak at ako'y magluluto muna para makakain ka bago umalis.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Okay po nanay Clara maliligo na po ako.” Paalam ko kay nanay. Bumalik na ako sa kwarto para kumuha ng maisusuot ko. “Abner naayos muna ba doon sa pinyahan? Pinagsabihan mo na ba mga trabahador doon?” Tanong ni Don Fabio kay Abner. “Pinagsabihan ko na po sila Don Fabio.” Sagot ni Abner kay Don Fabio. “Asan na ba ang secretary ko bakit hindi na siya pumapasok?” Tanong ni Don Fabio kay Abner “Hindi ko po alam boss.” Sagot naman ni Abner “Kailagan niyang pumasok bukas kung hindi siya papasok mag hired ka ng bagong secretary ayokong pa tamad tamad mag trabaho sayang ang pinapasahod ko kung ganyan.” Utos ni Don Fabio kay Abner. “ Sige po Don Fabio contact ko na lang po kung bakit hindi siya naka pasok ngayon.” Wika ni Abner “Sige atupagin mo muna pinautos ko.” Wika niya kay Abner. Nagtungo na si Don Fabio sa kanyang kwarto sa nagpahinga. “Nanay aalis na po ako.” Paalam ko kay nanay Clara. “Kumain ka na muna dito anak naka luto na din ako.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Sige po nanay sabay na po tayo kumain po. Parang ang sarap po niluluto nyo po nanay ngayon. Sinigang po ba yan nay?” Tanong ko sa kanya. “Oo anak sinigang na baboy anak.” Sagot ni nanay sa akin. Maghahanda na po ako sa hapagkainan para makakain na po tayo. Si tatay po uuwi po ba yun nay para mananghalian po dito?” Tanong ko kay nanay Clara. “Sabi ni tatay mo uuwi daw siya dito mananghalian baka maraming trabaho din yun. Hindi siya sumasagot sa tawag ko kanina.” Wika ni nanay Clara sa akin. “Baka nga po busy si tatay. Marami atang inaasikaso sa police station.” Sabi ko din. “ Mauna na lang tayong kumain anak aalis ka pa naman din.” Aya ni nanay Clara sa akin. “Sige po nanay kain na po tayo.” Saad ko. Nagsandok na ako ng pagkain sa aking plato saktong dumating si tatay Danilo galing sa trabaho. “Anong ulam natin?” Tanong ni tatay Danilo sa amin. “Buti naman naka uwi ka Danilo halika na kain na tayo.” Wika ni nanay Clara “Paloma kumuha ka nga plato ng tatay Danilo mo anak.” Utos ni nanay sa akin.. “Sige po nay.” Sagot ko . Tumayo ako agad saka kumuha ng plato at kutsara para kay tatay. “Ito po tay plato nyo po.” Sabay bigay ko kay tatay . “Salamat anak.” Sagot sa akin ni tatay. “Mukha naka pang alis na damit ka ngayon Paloma may pupuntahan ka ba anak?” Tanong ni tatay sa akin. “Pupunta po ako ng school tay kukuha po ng mga kinakailangan ko pag mag apply ng trabaho po.” Sagot ko kay tatay Danilo. “Bakit may nakita ka na bang trabaho anak?” Tanong ni tatay sa akin. “Wala pa po pero maghahanap ako agad tatay ng trabaho.” Sagot ko sa kanya. “Aporado anak mo maghanap ng trabaho na boboring ata dito sa bahay kaya gusto na niyang maghanap agad.” Singgit agad ni nanay sa usapan. “Tay alam mo naman gusto ko talagang magtrabaho po talaga tay kaya ipaubaya nyo na lang po sa akin maaga akong maghanap ng trabaho.” Wika ko kay tatay Danilo. “Hindi ka na talaga namin mapipigilan na talaga desisyon mo yan Paloma.” Wika ni tatay sa akin. “Basta mag iingat ka lang sa mga gagawin mo at desisyon mo anak.” Dagdag niya sabi sa akin. “Opo tatay mag iingat po ako.” Sagot ko naman sa kanya. Nang natapos kaming kumain ay nagpahinga lang ako saglit. Mag papaalam na ako papunta sa school. Nay, tay aalis na po ako.” Paalam ko sa kanila. “Danilo diba babalik ka pa sa station? Idaan mo na lang si Paloma para hindi na mamasahe pa punta doon.” Wika ni nanay Clara kay tatay Danilo. “Oo sabay ka na sa akin para hindi ka na mamasahe anak idaan na lang kita sa school.” Wika ni tatay sa akin. “Sige po tay.” Sagot ko. “ Alis na kami ni Paloma Clara.” Paalam ni tatay kay nanay. “Mag iingat kayo Danilo ikaw din Paloma.” Wika ni nanay sa amin. “Opo nanay ingat din po kayo dito.” Wika ko kay nanay Clara. Lumakad na kami ni tatay pa labas ng bahay saka sumakay sa kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho si tatay napatanong si tatay Danilo sa akin. “Ano bang plano mo anak?” Tanong ni tatay sa akin. “Tay susubukan ko po mag apply sa puder ng maga Dela Cerna desidido po akong mag trabaho doon sa ka puder ng mga Dela Cerna tatay. Buo na po desisyon ko po.” Wika ko kay tatay Danilo. “Hindi ka na ba pwedeng pigilan Paloma baka kasi mapahamak sa mga plano mo?” Tanong ni tatay Danilo sa akin. “Mag iingat po ako bawat kilos ko tay pangako yan.” Wika ko sa kanya “Pag kailangan mo tulong nasa likod mo lang ako anak.” Wika ni tatay Danilo sa akin. Ramdam ko nangangamba si tatay Danilo sa akin sa gagawin ko. Hindi na niya ako mapigilan dahil gusto kong mapatunayan na may kinalaman si Don Fabio sa pagkamatay ng mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD