Chapter 4

1651 Words
Chapter 4 Paloma's Pov Lumipas ng dalawang taon. “Congrats anak nakapagtapos ka na sa kolehiyo.” Wika ni tatay Danilo sa akin. “Salamat tatay Danilo kundi sa inyo ni nanay Clara hindi po ako makaka pagtapos ng pag aaral.” Maiyak iyak na sinabi ko kay tatay Danilo na itinuturing akong anak simula ng namatay ang tunay kong magulang. “Deserve mo Paloma makapagtapos dahil sa pangarap mo sa buhay. Gumabay lang kami sayo ng nanay Clara mo.” Wika ni tatay Danilo sa akin. “Hayaan nyo tatay Danilo tutulong po ako sa inyo makakapag trabaho na din po ako.” Sabi ko kay tatay Danilo. “Paloma hindi ka namin inuubligang tulungan kami ang mahalaga nakatapos ka sa pag aaral at pwede ka ng magtrabaho para sayo. Ang gusto lang naman maayos ang buhay mo masaya na kami anak.” Paliwanag ni tata Danilo sa amin. “Tatay Danilo utang ko lahat sa inyo ni nanay Clara mahal na mahal ko po kayong dalawa. Pangako tay tutulong ako sa inyo tatay.” Pangako ko sa kanya. “Tay pwede ba akong pumunta sa simenteryo para madalaw ko sila nanay at tatay po.” Paalam ko kay tatay Danilo “Ikaw anak para din maipakita mo sa kanila nakapagtapos ka na Paloma.” Wika ni tatay Danilo sa akin. “Salamat po tay.” Pangiting sabi ko sa kanya. “Halika na anak uwi na tayo naghihintay si nanay Clara mo sa bahay natin.” Aya ni tatay Danilo sa akin. Sumakay kami ni tatay Danilo sa kanyang sasakyan saka umuwi na kami sa bahay. Sa Mansion ng Dela Cerna. “Abner! Kumusta ang taniman natin sa pinyahan?” Tanong ni Don Fabio sa kanyang pinagkakatiwalaan. “Okay naman Don Fabio may kaunti lang tayo problema boss yung ibang pinya boss nasisira na dahil sa over ripe na po mabagal silang mag harvest .” Wika ni Abner kay Don Fabio. “Pagsabihan mo mga trabahante na huwag silang pa bagal bagal sa trabaho. Kung may mahihina talaga tanggalin na lang at maghanap ng ibang manggawa.” Utos na pasinghal ni Don Fabio sa kanyang tauhan. Nagtungo si Abner sa pinyahan para puntahan ang mga trabahante para pagsabihan ang mga ito. “Uncle parang mainit yata ang ulo mo ngayon? May nangyari ba?” Tanong ni David sa kanyang uncle Fabio. “Wala lang ito iho, kaunti problema lang sa pinyahan pero pinaayos ko na kay Abner ngayon.” Sagot naman ni Don Fabio kay David. “Huwag mo masyadong problemahin yan po baka mapano po kayo. Ayoko na po mawalan ng pamilya uncle. Ingatan mo po sarili mo.” Paalala ni David sa kanya na nag aalala ‘’David malakas pa ako sa kalabaw kaunting problema lang yun.’’ Wika ni Don Fabio sa kanya ‘’Kamusta naman negosyo mo ngayon iho?’’ Tanong ni Don Fabio sa kanyang pamangkin. ‘’Okay naman po uncle ang negosyo ni mommy sa yung SPA ni mommy na ma-manage ko naman po ng maayos uncle.’’ Sagot ni David sa kanyang unce. ‘’Mabuti naman kailangan mong pangalagaan ang iniwan ng mama na negosyo. Ikaw lang ang pwedeng mag manage dahil nag iisang anak ka lang niya .’’ Wika ni Don Fabio kay David . ‘’Opo uncle iingatan ko po ang mga naiwan namama dahil nandoon lang po ang alaala niya uncle.’’ Wika ni David sa kanyang uncle. ‘’Kumain ka na ba iho? Magpapahanda ako ng pagkain kay manang Simang ng pagkain.’’ Tanong ni Don Fabio sa kanyang pamangkin. ‘’Busog po ako uncle dumaan lang talaga ako dito para bisitahin kayo. Pero babalik na po ako sa SPA uncle ngayon.’’ Tanggi ni David kay Don Fabio ‘’Ganun ba. Minsan mag bonding dn naman tayo iho mag golf naman tayong dalawa.’’ Aya ni Don Fabio sa kanya ‘’Next time po uncle mag bonding po tayo. I have to go uncle may aasikasuhin pa ako sa bayan.’’ Paalam niya sa kanyang uncle Fabio. ‘’Sige iho mag ingat ka palagi sa pagmamaneho ng sasakyan.’’ Malasakit ni Don Fabio sa kanyang pamangkin ‘’Thank you uncle ingat din po kayo dito. Bye uncle.’’ Sabay paalam niya sa kanyang uncle Fabio. Lumabas na si David saka pumunta sa kanyang sasakyan at umalis na agad sa mansion . Dumaan kami saglit ni tatay Danilo sa sementeryo at nag sindi ako ng kandila sa namayapa kong magulang. ‘’Tatay,nanay pasensya na po ngayon lang po ako nakadalaw ulit busy po kasi ako sa school. Tay,nay nag tapos na po ako ng kolehiyo sa tulong nila tatay Danilo at nanay Clara. Nagpapasalamat po ako sa kanila natupad po pangarap ko makapagtapos at ito na nga po tapos na po ako. Salamat po sa pag gabay ninyo sa akin tatay at nanay. Salamat na pinatatag nyo po ako hayaan ninyo tatay at nanay hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari sa inyo. Kailangan may managot talaga doon alam ko may hindi accident pagkamatay ninyo po. Mahahanap ko pa rin hustisya sa nyo tatay at nanay. Paalam po sa inyo uuwi na kami sa bahay.’’ Kwento ko sa kanila at saka nagpaalam na sa mga magulang kong namayapa na. ‘’Tara na po tatay Danilo uwi na po tayo.’’ Aya ko sa kanya ‘’Anak close na ang kaso ng yung magulang itutuloy mo pa ba ang binabalak mong magtrabaho sa hacienda ng mga Dela Cerna?’’ Tanong ni tatay Danilo sa akin. ‘’Opo tatay Danilo doon po ako mag trabaho muna sa kanila . Gusto ko pong makakuha ng impormasyon tungkol sa aksidente ng mga magulang ko po.’’ Paliwanag ko kay tatay Danilo ‘’Alam mo anak delikado gagawin mo ipapahamak mo sarili mo doon. Pwede mo naman ipaubaya sa akin yan anak.’’ Alok ni tatay Danilo sa akin. ‘’Huwag na po tatay marami na po kayong natulong sa akin tatay. Panahon na naman ako ang kikilos para sa magulang ko tatay.’’ Paliwanag ko kay tatay Danilo ‘’Ikaw bahala anak basta nandito lang ako handang tumulong sayo. Tara na uwi na tayo nag hihintay si nanay Clara sa atin na sa bahay.’’ Aya ni tatay Danilo sa akin. ‘’Salamat tatay sa pag intindi po sa akin tatay Danilo . Tara na po umuwi na po tayo baka naiinip na po si nanay Clara sa bahay.’’ Wika ko kay tatay Danilo para makauwi na sa bahay. Naglakad kami palabas ng seminteryo saka nag tungo sa sasakyan ni tatay Danilo. Pagdating namin sa sasakyan ay sumakay na kami agad saka binaybay ang daanan pa uwi. Nang nakauwi na kami ni tatay pinarada ni tatay Danilo ang sasakyan sa harapan ng bahay. Bumaba kaming dalawa saka naglakad sa harapan ng bahay. Nang papasok na kami nagulat ako sa ginawa ni nanay Clara sa akin. “Happy Graduation Day anak!” Sigaw ni nanay Clara kasama mga kumare niya. “ Nanay Clara salamat po nag effort pa po kayo nanay okay lang naman walang handa basta gumaling na po paa ninyo nanay.” Wika kp kay nanay Clara “ Okay lang yun anak minsan minsan lang din naman anak. Masaya kami ni tatay Danilo mo na nakapagtapos ka sa pag aaral mo anak. Nakamit mo na mga pangarap mo na makapagtapos sa kolehiyo.” Masayang sabi ni nanay Clara sa akin. “Salamat po nanay Clara mahal ko po kayo ni tatay Danilo. Napaka swerte ko po dahil napunta ako sa inyo itinuring anak nyo po ako nanay Clara mahal ko po kayo pati si tatay Danilo.” Maiyak iyak kong sabi sa kanya. “Anak huwag ka ng umiyak graduation day mo diba dapat masaya ka!” Sabi ni nanay Clara sa akin sabay yugyug. “Oo nga huwag ka ng umiyak Paloma tahana yan.” Sambit din ni tatay Danilo saka yumakap din sa amin ni nanay Clara. “Halika na kayo kakain na tayo. Baka dapuan pa ng langaw itong pagkain natin.” Aya ni nanay Clara sa amin. Nakatingin di sa amin ang mga kumare ni nanay Clara sa amin. Napangiti na lang ako kala nanay at tatay agad at tumango para kumain na. “Halika na kayo mga mare kumain na tayo.” Aya ni nanay Clara sa kanila Nag silapitan na sila para kumuha ng pinggan at nag sandok ng makakain nila sa ibabaw ng lamesa. Napatingin ako sa kanila masaya ako ngayon sa naabot kong pangarap na makapagtapos ng pag aaral business course. “Halika na Paloma kumain ka na dito.” Aya ni nanay Clara sa akin. “Opo nanay Clara.” Ani ko sabay lapit sa mesa maraming pagkain na naka display. “Dami mo naman handa nanay para sa akin.” Wika ko kay nanay Clara “Syempre anak para sayo ito lahat hinanda namin ni tatay Danilo mo.” Masayang sabi ni nanay Clara sa akin. “Paloma luto ng nanay mo lahat yan.” Wika ng kumare na isa ni nanay Clara. “Kaya po eh nag effort talaga si nanay sa akin. Okay lang naman kahit walang handa sapat na kasama ko sila na walang sakit.” Sagot ko sa kanyang kumare ni nanay Clara. “Hayaan mo na Paloma minsan lang din naman ito. Saka makakakain din kami.” Patawang biro ng kumare ni nanay Clara sa akin. “Kaya nga po. Sige kain po tayong lahat.” Sabi ko sa kanila. “Tay halika ka na po kumain ka na din po dito.” Aya ko kay tatay Danilo. “Oo anak kain na tayo.” Sagot din niya sa akin. Napatingin ako sa kanila at napangiti sa sitwasyon ko ngayon. “Lord nagpapasalamat ako sa inyo na may pamilyang tumuring sa akin na pamilya. Sana bigyan niyo pa ng mahabang buhay sila nanay Clara at tatay Danilo ilayo nyo po sana sa sakit panginoon.” Sambit Tahimik na nanalangin saglit at tumingin sa itaas. Masaya kami nag salo-salong kumain sa hapag kainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD