Chapter 3

2156 Words
Chapter 3 Paloma's Pov “Paloma! Paloma! May naghahanap sayo!” Hingal na tinatawag ako ni Mona. “Sino? Bakit ako hinahanap Mona?” Tanong ko sa kanya. “Mga pulis Paloma! Hinahanap ka sa labas.” Nagmamadaling sabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mona sa akin. “Halika na puntahan mo na sila sa labas.” Aya ni Mona sa akin. “Ano kaya pakay nila bakit hinahanap nila ako?” Tanong sa isip ko habang mabilis kami nag lalakad ni Mona galing sa garden. “Bakit po hinahanap nyo po ako sir?” Tanong ko sa isang pulis nakaharap sa akin. “Ikaw po ba ang anak ni Ramon at Marites?” Tanong niya sa akin. “Opo ako nga po bakit po anong nangyari kay nanay at tatay po sir?” Tanong ko sa kanila. Napatingin ang dalawang pulis ng tinanong ko. “Huwag ka sanang mabibigla iha. Ikinalulungkot namin ibalita sayo wala na ang mga magulang mo. Naaksidente sila sa loob ng hacienda na sagasaan sila ng malaking truck.” Wika ng isang pulis sa aking harapan. “Huh? Anong patay hindi po ako naniniwala sa inyo na wala na po magulang ko sir! Nasa hacienda po sila ngayon nagtatanim sa pinyahan!” Pilit kong sabi sa kanila habang nanginginig at napaluha sa sinabi ng police sa akin. “Iha! Doon sila na disgrasya apat silang accident nasagasaan ng truck sa loob ng hacienda ng mga Dela Cerna ang masakit po durog na durog katawan ng iyong ina siya ang nagrabihan sa accident.” Malungkot na sabi ng police sa akin. “Hindi! Hindi ako naniniwala sa inyo! Buhay pa mga magulang ko!” Pilit na sinasabi ko sa kanila na umiiyak . “Sumama ka na lang iha para makita mo sila sa morgue.” Aya ng pulis sa akin para puntahan ang mga magulang ko. Dinala nila ako kung saan naroroon ang mga magulang ko ngayon. Isinakay nila ako sa patrol car para puntahan na sila. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay humahagulgol ako sa iyak dahil hindi ko tanggap na wala na talaga ang mga magulang ko. Hindi ko lubos maisip na ganun ang mangyayari sa kanila. “Boss patay po ang apat na trabahante nyo po ang sinisi sa driver ng truck na nasa gilid ng daan. Ang nakakaawa yung babae wasak ang katawan niya ngayon.” Kwento ng tauhan ni Don Fabio sa kanya. “Buti naman namatay sila. May nakakita ba sa ating sasakyan?” Tanong ni Don Fabio kay Caloy . “Wala po ata Don Fabio ang tinuturo na nakabangga ay ang driver ng truck .” Wika ni Caloy kay Don Fabio. “Good! Hayaan mo na sila basta hindi tayo sangkot sa krimen na yan.” Wika ni Don Fabio sa kanyang tauhan. “Pero boss kawawa naman yun driver boss! Hindi ba natin tutulungan?” Tanong ni Caloy kay Don Fabio. “Hindi hayaan mo siyang makulong.” Mataas na boses ni Don Fabio sa tauhan niya. “Kasalanan ko ako ang nagmamaneho ng sasakyan nyo po Don Fabio.” Balisa na pagkasabi niya kay Don Fabio. “Bakit nakokonsensya ka Caloy? Hindi ka pwedeng makonsensya dahil kasama ako sa loob ng sasakyan. Kaya tumahimik ka na lang sa ginawa mo.” Bulalas niyang sabi kay Caloy. “ Sige po boss ililihim ko lahat ang nangyari.” Sagot naman ni Caloy kay Don Fabio. “Tama yan Caloy tumahimik ka kung hindi madadamay ka talaga! Naiintindihan mo?” Singhal ni Don Fabio sa kanya. “Opo Don Fabio masusunod po.” Magalang na sagot ni Caloy sa kanya. “Umuwi ka muna at magpalamig kahit isang linggo ito pera mo.” Sabi ni Don Fabio sabay abot sa pera sa kanya. “Sige po Don Fabio. Salamat po ito.” Wika niya sabay tanggap ng pera galing kay Don Fabio. Umalis na si Caloy sa kanya g harapan hawak ang inabot na pera niya sa kanya. Naglalakad lakad si Don Fabio saka kumuha ng alak na iinumin para mawala ang kanyang ka ba sa nangyari. Nasa harap na kami ng morgue itinigil ang patrol na sinasakyan namin saka bumaba ang isang pulis na inalalayan akong bumaba. Nanginginig ang dalawa kong tuhod habang palapit na kami sa pinto papasok sa loob. Bumuhos ang mga luha ko habang nakapasok na kami sa pinto hanggang pumasok ulit kami sa isang kwarto na nandoon ang kanilang patay na katawan. Nakita ko ang tatlong nakaratay na nakahiga at may takloob na puting kumot. Dahan-dahan akong lumapit saka pinagtitignan ko kung talagang nandoon ang magulang ko. Binuklat ko ang unang kumot saka tinignan ito. Isang lalaki ka edad din ni tatay na wala na ding buhay. Napahawak na lang ako sa bibig ko na naawa din ako. Ibinalik ko ang kumot at itinaklob ulit sa mukha. Napahinto ako sa pangalawa nanginginig na mga tuhod at kamay ko. Binuklat ko ang kumot ng dahan-dahan nakita ko si tatay na wala ng buhay at may sugat sa ulo. “Tay! Tatay ko!” Hagulgol ko umiiyak habang niyakap ko agad ang aking tatay. Inalalayan ako ng isang pulis habang umiiyak ako. “Tatay bakit nyo ako iniwan! Tay gumising po kayo tay!” Sigaw ko habang umiiyak na niyuyugyug si tatay na nakahiga. “Iha tama na! Ganun talaga ang buhay kailangan mo tatagan ang sarili mo.” Malasakit ng isang pulis sa kanya na naawa din sa kanya sa nangyari. “Tay pano na ako ngayon tatay bakit nyo ako iniwan ni nanay. Paano na ako!” Hagulgul ko pa rin sa harapan ng aking tatay. Hindi ko na mapigilan ang pag hagulgol ko. Napatingin na lang ako sa pulis na umalalay sa akin. Niyakap niya ako sa awa niya sa akin. “Si nanay nasaan po?” Tanong ko Bumalik ako humarap sa tabi ni tatay saka binuklat ang isang puting kumot. Ibang babae nasa tabi ni tatay. “ Nanay mo ata nasa loob iha! Huwag kang mabibigla sa makikita mo.” Wika ng pulis na umalalay sa akin. Pumasok kami sa isang kwarto doon nakita ko ang wasak-wasak na katawan ni nanay. “Jusko ko po panginoon!” Sigaw ko nang nakita ko ang katawan ni nanay na hiwalay na at wasak. Lumapit ako agad saka humagulgol sa harapan niya. “Nanay! Nanay! Bakit nangyari ito sa inyo nanay! Diyos ko po bakit ganito..!” Sigaw ko habang wala akong tigil sa pag iyak sa harapan ng bangkay ng aking nanay. Humagulgol ako sa pag iyak na bigat na bigat na ang pakiramdam ko sa nangyari sa kanila. “Bakit ganito nangyari sa inyo nanay, tatay!” Sigaw ko habang naka tingala sa taas na nagtatanong kung bakit ganito. “Nay, Tay! Bakit nyo ako iniwan paano na ako ngayon!” Sigaw ko habang umiiyak pa rin sa harapan ni nanay. Hinaplos ng pulis ang aking likod sa awa niya sa akin na umiiyak. “Iha, Tama na kailangan mo ng tanggapin na wala na sila. May plano ang panginoon para sa kanila. Ipaubaya mo na lahat sa panginoon ang magulang mo.” Malasakit ng pulis sa akin. Hindi ko alam kung paano na ako ngayon sir iniwan na ako ng magulang ko! Hindi ko na kayang mabuhay pa kung mag isa na lang ako! Gusto ko na lang sumunod sa kanila total wala na po akong pamilyang mauuwian. Ano ang silbi ng buhay ko kung ang mga mahal mo sa buhay ay wala na po sir.” Hagulgol kong sagot sa kanya na umiiyak. “ Iha may plano ang panginoon sayo. Tandaan mo yan huwag kang mawalan ng pag asa sa buhay mo kahit mag isa lumaban ka Iha. Huwag kang magpatalo sa buhay mo kahit wala na ang mga magulang mo. Noong nabubuhay pa sila kahit mahirap ang buhay nyo pinaaral ka nila ginapang ka sa hirap para lang pag aralin ka. Tandaan mo yan mahal na mahal ka nila. Ayaw din nila makita kang nawawalan ka ng pag asa iha. Kaya tatagan mo lang sarili mo.” Wika ng pulis sa kanya. “Paano ko pa tatagan sarili ko sir kung wala na ang kinukuhanan ko ng lakas? Paano na sa isang aksidente kinitil nila ang buhay ng magulang ko! Magbabayad kung sino gumawa nito sa mga magulang ko. Kailangan nilang makulong! Sigaw ko habang nakaharap ako sa tumulong na pulis sa akin. “Nahuli na ang sumagasa sa magulang mo iha nasa police station na siya ngayon.” Wika ng pulis na tumulong sa kanya. Kinabukasan ibinurol na sila ni nanay at tatay sa kubo namin. Nasa tabi lang nila ako tulala naka tingin sa kani kanilang kabaong. Mugtong na ang aking mga mata sa kakaiyak. Wala na akong luhang mailalabas pa. “Paloma kumain ka muna kahapon ka pa walang kain.” Wika ni Mona sa akin. “Hindi ako gutom Mona dito lang ako sa tabi nila nanay at tatay.” Sabi ko sa kanya habang nakatayo sa harapan ng kanilang kabaong. May pumunta din sa lamay at nakiramay sa akin ang mga kakilala ng mga magulang ko. Habang nasa harapan ako nila nanay at tatay narinig ko ang mga kwento ng nakiramay na kasamahan ng magulang ko. “Kawawa sila Ramon, Pedro , Ising maslalo si Marites . Nag rally pa kayo diba kasama sila Ramon at Pedro para itaas ang sahod baka may kinalaman dyan pagkamatay nilang apat. Wika ng isang kasamahan nila na nag uusap habang naka upo sa likod ko. Lumingon ako sa kanila at lumapit agad. Ano po bang nangyari sa kanila Mang Tio?” Tanong ko sa kanya na lumuluha na naman . Napatingin si Mang Tio sa akin. “Kahapon kasi ng umaga sinugod namin mansion ni Don Fabio nag rally kami para sana taasan ang mga sahod namin manggagawa. Pero nagalit sa amin si Don Fabio sa pag rally namin. Nakipag sagot si Ramon kay Don Fabio na i lalapit ni Ramon sa Dole ang aming hinaing pag hindi tinaasan ni Don Ramon ang aming mga sahod. Nagbanta si Don Fabio pag ginawa ni Ramon mawawalan ng trabaho ang tatay mo Paloma. Galit na galit si Don Fabio sa tatay mo sa sagot niya . Wala din kaming nagawa kundi bumalik kami sa pinyahan para magtrabaho ulit . Mga tanghali ng magpahinga na kami lahat, lumipat sila sa malaking kahoy para doon sumilong sa init ng araw. Ilang minuto nakita na sila nakahandusay sa daanan ng sasakyan at nandoon ang truck na kumukuha ng idedeliver na mga bunga ng pinya sa bayan. Kwento ni Mang Tio sa akin. Napaluha na lang ako sa narinig ko kay Mang Tio. “ Sabi ng driver hindi daw nakita na may tao daw naglalakad impossible daw kasi makikita naman sana niya mag lalakad yun ang sabi ng driver ng truck na nakasagasa sa kanila.” Sabi ni Mang Tio sa akin. Napaisip ako sa nangyari sa kanila. Paano sila na aksidente sila na apat sila paano hindi makita ng driver. Biglang may dumating tauhan ng mga Dela Cerna may dalang bulaklak. “Pinapaabot ni Don Fabio condolence po at pinamimigay itong bulaklak at itong sobre para sa magulang mo.” Wika ni tauhan ni Don Fabio. Inabot niya ang sobre sa akin saka inihatid ang bulaklak sa gilid ng kabaong ng mga magulang ko. Umalis na sila agad pagkatapos nilang inayos ang bulaklak nilang dala. Kinabukasan inilibing na sila nanay at tatay agad. Hindi na pwedeng patagalin ang kanilang bangkay dahil hindi ko pina embalsamo. Hinatid na namin sila sa huling hantungan nila. Nakipaglibing din ang pulis na tumulong sa akin . Habang ilalagay na sila sa pantyon ng libingan nila ay humagulgol na naman ako sa iyak. Nilapitan ako ng pulis at saka inalalayan ulit ako. “Nay,Tay bibigyan ko kayo ng hustisya sa pagkamatay ninyo pangako ko yan sa inyo. Hindi ako matatahimik hindi malutas ang pagkamatay ninyo.” Sambit ko sa harapan ng libingan nila habang umiiyak pa rin. Nilagyan na ng simento para isara na ito. Umalis na ang ibang tao nakipaglibing sa mga magulang ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. “Paloma, Ako pala si SPO3 Perez gusto mo bang tumira na lang sa amin kasama ang aking misis? Ituturing ka namin anak iha dahil wala kaming anak. Napag usapan namin ampunin ka na lang namin iha kung gusto mo?” Alok ni SPO3 Perez sa akin. “Po! Gusto nyo po akong ampunin?” Gulay na tanong ko sa kanya. “Oo Paloma napakabuti mong bata nakita ko din sayo ang pagmamahal sa magulang mo kaya gusto ko tumayong magulang mo kasama ang asawa ko.” Wika ni SPO3 Perez sa akin. “Opo sir gusto ko po! Salamat po sir Perez sa malasakit ninyo po sa akin. Nagpapasalamat po ako sa inyo sir dahil tinanggap nyo po ako maging anak salamat po.” Hagulgol kong sabi saka nakayakap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD