Chapter 2
Paloma's Pov
Takbo ako pauwi sa bahay habang nilalamigan galing sa ilog.
‘’Paloma magbihis ka na anong oras!’’ Saway ni nanay sa akin.
‘’Opo nanay magbihis na po ako.’’ Sagot ko sa kanya
‘’Bilisan mo kilos mo anak hindi yung mag lamya lamya . Kailangan mabilis ang galaw .’’ Wika ni nanay sa akin.
Nagmamadali na akong nagbibihis ng uniform ko at lumabas na ako ng bahay at sa labas na lang nag ayos.
‘’Ito baon mo anak pagpasensyahan mo na lang yan anak kailangan muna natin mag ipon para makabayad tayo sa bayarin mo sa eskwelahan mo anak.’’ Wika ni nanay sa akin
‘’Okay lang po nanay naiintindihan ko naman po kayo ni tatay nay. Aalis na po ako nanay ingat po kayo ni tatay sa pagtrabaho mahal ko po kayo nanay.’’ Lambing ko kay nanay sabay paalam na sa kanya.
‘’ Anak salamat sa pag intindi mo sa amin. Mag aral ka ng mabuti anak mahal ka namin.’’ Wika ni nanay sabay yakap sa akin ng mahigpit.
‘’Alis na po ako nanay.’’ Wika ko sabay alis sa bahay at para maglakad patungo sa eskwelahan.
‘’Umalis na ba si Paloma Marites?’’ Tanong ni tatay Ramon sa kanya.
‘Oo kakaalis lang niya Ramon .’’ Sagot ni nanay Marites sa kanya.
“Kawawa na naman yung bata na yun lagi na lang naglalakad papunta sa eskwelahan niya. Binigyan mo ba ng baon anak mo?” Tanong ni tatay Ramon kay nanay Marites.
“Oo sampung piso binigay ko sa kanya.” Sagot naman ni nanay Marites kay tatay.
“Naawa talaga ako sa anak natin sana taasan naman din no Don Fabio ang sahod na natin. Para naman madagdagan baon ng anak natin at maibigay din natin pangangailangan din niya Marites.” Wika ni tatay Ramon kay nanay
“ Ramon may awa ang diyos para sa atin. Magtiis lang tayo sana marinig din ni Don Fabio mga hinaing natin.” Sabi din ni nanay Marites sa akin.
“Hayaan mo nanay lalapit ako mamaya sa kanya. Kung hindi madadala ipapa DOLE na lang natin siya para mabayaran tayo ng sakto.” Wika ni tatay kay nanay Marites.
“Ramon baka mapahamak ka yan kung magsabi ka ng ganyan.” Saway ni nanay Marites sa kanya.
“Kailangan natin lumabas Marites sa hamon ng buhay ako na bahala mamaya.” Wika ni tatay Ramon sa kanya.
Hindi na naka imik si nanay Marites sa sinabi ni tatay Ramon. Nang natapos na sila ay agad din silang umalis sa bahay para pumunta na sila sa hacienda ng mga Dela Cerna.
Nang nakarating na sila sa hacienda ni Don Fabio ay nagtanong si tatay Ramon sa isang pagkakatiwalaan niya kung pwede niya maka usap si Don Fabio. Tinanong niya kung ano daw ang pakay ni tatay kay Don Fabio. Sinagot na man niya kailangan niya lang kausapin si Don Fabio.
Hindi siya pinayagan pinabaLik sa pwesto niya.
Naglakad si tatay Ramon papunta sa taniman ng pinyahan. Malungkot siya dahil parang walang nangyari sa kanyang ginawa. Sinalubong siya ni nanay at tinanong kung anong nangyari.
Hindi maipinta ang mukha ni tatay Ramon habang tinanong ni nanay Marites.
Lumapit sila Pedro,Tio at Silyo at nag tanong kung anong nangyari sa pag uusap nila.
“Wala hindi ko naka usap si Don Fabio tauhan lang ang humarang sa akin.” Wika ko sa kanila.
“ Kung ganun gumawa na tayo ng paraan mag rarally tayo para mapansin tayo ni Don Fabio.” Wika ni Pedro sa kanila
“ Mamayang hapon mag rally tayo. Kailangan natin ipaglaban hinaing natin.” Wika din ni Pedro.
“Sang ayon ako dyan Perdo kailangan ng boses na din natin. “ Singit ni Tio din habang nag uusap.
Pagdating ng tanghali ay sumugod sila sa harapang ng mansion ni Don Fabio. Doon sila nag labas na ng hinaing sa kanilang sahod na taasan man lang.
“Itaas ang sahod!” Sigaw ni Tio ng malakas.
“Itaas ang sahod!” Sigaw din ng mga kasamahan nila sabay taas ang isang kamay nila.
Nagsisigawan na silang lahat sa harap ng mansion ni Don Fabio. Hindi na napigilan ng tauhan niya sawayin ito dahil marami na silang nagsisigawan sa harap ng mansion.
“Anong ingay yun!” Sigaw ni Don Fabio
“Boss ang mga trabahante sa hacienda ninyo nag iingay po sila sa labas.” Wika ng isang tauhan ni Don Fabio.
Dali-dali siyang lumabas at nag tungo sa kinaroroonan ng mga ito.
“Dagdag sahod! Dagdag sahod! Dagdag sahod!” Sigaw ng mga tao nasa labas ng mansion.
“Ano ba ni rereklamo ninyo?” Tanong ni Don Fabio sa mga taong nag rarally sa labas ng mansion niya.
“Don Fabio ang gusto lang namin dagdag sahod lang naman. Paano kami mabubuhay sa pinapasahod mong tag dalawang daan maghapon tapos nagtatrabaho sa tirik sa ilalim ng araw hindi ka na awa sa amin Don Fabio!” Wika ni tatay Ramon sa kanya.
“Buti nga sumasahod pa nga kayo kaysa humanap ako ng iba. Kung tutuusin pwede ko kayong palitan matatanda na kayo mahina na kayong gumalaw sa hacienda ko.” Pasigaw ni Don Fabio sa mga trabahante niya.
“Wala ka talagang awa sa mga trabahador mo Don Fabio. Aabot tayo sa DOLE nito sa ginagawa mo sa amin.” Banta ni Ramon kay Don Fabio.
“Subukan mo kung gusto mo pang hindi na manatili dito!” Bulyaw ni Don Fabio kay Ramon.
Nanahimik ang mga nag rarally saglit.
“Tatanggalin ko kung sino sumaway dito sa patakaran ko. Wala na kayong magagawa. Hindi ko tataasan mga sahod ninyo mga pobre!” Wika niya sabay talikod ni Don Fabio sa mga trabahante niya.
“ Hindi kami natatakot Don Fabio sa DOLE ka na din makipag usap.” Wika ni Ramon sabay balik sa taniman nila ng pinya.
“Sinong tao na yun ang lakas ng loob kalabanin ako?” Tanong ni Don Fabio sa tauhan niya.
“ Si Ramon yun boss matagal ng nagtatrabaho dito sa inyo kasama niya ang kanyang asawa.” Sagot ng tauhan niya kay Don Fabio.
“Gusto kong mawala sa landas ko yan tao na yan. Humanda siya mawala siya agad sa landas ko.” Galit na pagkasabi ni Don Fabio.
Nanlilisik ang kanyang tingin sa mga trabahante niya habang naglalakad ang mga ito.
“Paano na yan Ramon matigas talaga si Don Fabio. Ayaw talaga niyang taasan sahod natin. Paano na din tayo nito?” Tanong ni Pedro kay Ramon.
“Hayaan nyo gagawa tayo ng paraan lalapit tayo DOLE.” Wika ni Ramon.
“Totohanin mo talaga sinabi mo Ramon?” Tanong ni Tio sa kanya.
“Oo Tio kaya huwag kayong mag alala gagawa ako ng paraan para ibigay ang karapatan natin sumahod ng maayos dito.” Sagot ni Ramon sa kanila.
“Tara na magtrabaho na tayo basta aabot tayo sa DOLE mga kasama pangako yan.” Dagdag pa nito.
Bumalik na sila sa taniman ng pinyahan lumapit si Marites kay Ramon para magngamusta sa nangyari.
“Ramon kumusta pumayag ba si Don Fabio sa hinaing natin lahat na dagdagan ang sahod natin?” Tanong ni nanay Marites.
“Hindi nga eh na galit pa nga nagrereklamo daw tayo sa sahod buti nga daw may trabaho pa daw tayo kaysa wala.” Sagot ni tatay Ramon.
“Tara na magtrabaho na muna tayo mamaya na natin pag usapan sa bahay.” Wika ni tatay Ramon kay nanay Marites.
Nagpatuloy sila sa pagtatrabaho sa hacienda. Ibinaling na lang nila sa pagtatanim ng mga pinya.
“Paloma anong ulam mo?” Tanong ni Mona sa akin.
“Ito okrang nilaga. Sayo Mona?” Tanong ko din sa kanya.
“ Tortang talong ulam ko Paloma. Halika na kain na tayo doon sa ilalim ng punong akasya.” Aya ni Mona sa akin.
Naglakad kami ni Mona saka nag tungo sa ilalim ng akasya para doon kumain.
“Grabe tirik ng init ngayon.” Wika ni tatay Ramon habang kakatapos lang kumain.
“Marites mag pahinga muna tayo doon sa ilalim ng puno na yun mamaya na tayo mag trabaho konting pahinga din tayo.” Aya ni tatay Ramon kay nanay Marites.
“Kaya nga halina muna kayo pahinga naman tayo saligit doon sa puno.” Aya din ni nanay Marites.
“Tingnan mo naman nakuha pa talaga nilang magpahinga at saan sila pupunta.” Wika ni Don Fabio nasa loob ng sasakyan niya kasama ang isang tauhan niya.
“Caloy bilisan mo pagpapatakbo sagasaan mo yang apat na tauhan ko bilis.”
“Pero boss May madadamay po!” Sagot ni Caloy kay Don Fabio
“Sige akong bahala.” Wika ni Don Fabio sa kanyang driver
“Madali na tayo sobrang init na talaga.” Wika ni Marites
Naglalakad sila sa daanan ng truck papunta sa may lilim ng puno. Habang naglalakad sila ay may mabilis na lumitaw na sasakyan sa likod nila.
“Ahhhhhhh! Sigaw ni nanay Marites ng napalingon siya aa likod nila.
Nagulat sila agad at natilapon si nanay Marites sa pagka bangga ng Van sa kanila. Duguan na itinapon sa gilid ng daan at ang dalawa napa ilalim at nagulungan ng sasakyan.
“Boss paano na sila?” Tanong ni Caloy kay Don Fabio
“Dumeritso ka lang magmaneho huwag kang hihinto.” Utos ni Don Fabio sa kanya.
Nakita ni Marites na duguan na si Ramon at ang mga kasama niyang nakahandusay sa kalsada.
“Ramon asawa ko!” Sambit ni Marites hanggang nalagutan na ng hininga.
Hindi napansin ng truck na nakatambay sa gilid na may mga taong naka handusay. Nasagasaan din si Marites na nadaan ng truck. Wasak ang katawan ni Marites ng tudo. Nakita ng isang trabahante ang apat na nakahandusay sumigaw siya sa driver ng truck na may nasagasaan siya. Bumaba agad ang driver at tinignan ito agad.