Chapter 1

1657 Words
Chapter 1 Paloma's Pov “Tay, nay mano po!” Wika ko sa kanilang dalawa na kararating lang mag trabaho. “Kaawaan ka ng diyos anak.” Wika nila sa akin. Ramdam ko ang pagod nila buong maghapon galing sa kanilang trabaho sa pagtatanim ng pinya sa bukid. “Anak naka pagluto ka na ba ng hapunan?” Wika ni nanay sa akin. “Opo nay naka luto na po ako ng hapunan natin po. Maghanda na po ako sa mesa po nanay.” Wika ko kay nanay Lumapit si nanay at tinulungan akong mag hain sa hapag kainan. “Mukhang pagod na pagod po kayo ni tatay nay?” Tanong ko kay nanay. “Oo anak grabi pagod namin doon hindi kami makapahinga may mga bantay din kasi doon ni pag inom ng tubig mabilisan talaga. Tapos kapiranggot ang sinasahod lang namin. Kung may iba lang mapapasukan at malaki sahod lilipat na kami ng tatay mo.” Sabi ni nanay sa akin. “ Anu kaya kung tumigil na lang po muna ako sa pag aaral para makatulong po ako sa inyo ni tatay nay?” Tanong ko kay nanay habang naghahanda sa mesa. “Hindi ka titigil sa pag aaral Paloma! Anong sinasabi mong titigil hangga't kaya namin magtrabo ng nanay mo mag aaral ka Paloma. Magtitiis lang tayo anak gusto ka namin makatapos ka sa pag aaral.” Mataas na boses ni tatay ng narinig kaming nag uusap ni nanay habang naghahanda ng pagkain. “Pero tatay ayoko na pong nahihirapan kayo ng ganito ni nanay. Gusto ko pong makatulong na sa inyo po.” Mahinahong sagot ko kay tatay. “Kahit pagod na pagod kami anak iraraos ka namin makapag aral ka lang anak. Yun lang ang ipapamana namin sayo habang buhay pa kami ni nanay mo.” Wika ni tatay sa akin. Hindi na ako nag salita baka mapagalitan pa ako ni tatay sa nagpupumilit kong tumigil na lang sa pag aaral. Alam ko mahalaga kay tatay ang pag aaral dahil ayaw ni tatay magaya ako sa kanila na walang pinag aralan at nasa bukid nagtatrabaho. Pangarap niya talagang makapagtapos ako at maiahon sa kahirapan. Habang nasa hapagkainan kami kumakain napatingin ako sa kanila ngayon. “Tatay, nanay pangako po mag aaral akong mabuti at magtatapos po ako. Pangako ko po yan sa inyo. ” Saad ko sa kanila. “ Pangako din anak igagapang ka namin kahit ganito lang trabaho namin anak. Kaya mag aral ka ng mabuti.” Wika ni tatay sa akin . Napangiti ako sa kanila agad at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang natapos na kaming kumain ay nagligpit na ako sa hapagkainan. Nagpahinga na din sila nanay at tatay dahil sa sobrang pagod nila sa pagtrabaho sa hacienda. Natapos na ako sa pagligpit sa labas. Pumasok na ako agad dala ang lampara na ilaw. Nakita ko na sila nanay at tatay mahimbing na natutulog sa papag na kawayan. Dahan-dahan ako naglalakad papunta sa tabi ni nanay para humiga na din. Pinatay ko na lampara para matulog na din. Kinabukasan maaga akong nagising para magluto. Alas singko pa lang nasa labas na ako ng bahay para magluto ng agahan namin at babaunin naming tatlo. Okra at talong na nilaga ang niluto kong ulam. Marami kaming tanim sa harapan kaya madali lang akong makahanap ng uulamin. Sapat na sa amin ang gulay lagi ang ulam kahit wala kaming pera. Basta makakain lang kami ng tatlong beses sa isang araw. “Sipag naman ng anak namin. Salamat anak sa pag asikaso mo sa amin ng tatay mo Paloma.” Wika ni nanay sa akin. “Nanay bumabawi lang po ako sa inyo nanay dahil mahal na mahal ninyo po ako. Mahal ko kayo nanay balang araw makakabawi ako sa inyo nay makaka ginhawa tayo pag nakatapos po ako nay.” Paglalambing ko kay nanay. Sige na anak at ihahanda ko pa gagamitin namin na mga pang suot namin sa bukid. Mag ayos ka na din papasok ka pa sa eskwelahan anak.” Wika ni nanay sa akin. “Sige po nay mag aayos na din po ako. Saka maligo sa ilog po nay.” Paalam ko kay nanay. Tinapos ko muna ang ginagawa ko saka pupunta sa ilong para maligo. Habang gumagawa ako ng kapeng bigas para sa kanila ay naririnig ko sila nanay at tatay sa harapan ng kubo namin nag uusap. “Ramon pano na lang tayo nito kahit naman sana dagdagan ni Don Fabio mga sahod ng mga trabahante niya sana. Hindi na talaga sapat sinasahod natin sa kanya sa taas na din ng bilihin ngayon at matrikula pa ng anak mo paano na tayo nito?” Tanong ni nanay kay tatay habang naririnig ko silang nag uusap. “Yun nga din iniisip ko gusto ko ngang ilapit kay Don Fabio ang hinaing ng mga kasamahan din natin. Kailangan may magsalita din doon na kailangan natin ang mataas na sahod. Kailangan natin magsalita din para sa ating manggagawa.” Sagot ni tatay kay nanay Marites. “Sana naman maintindihan naman sana tayo ni Don Fabio nagtatrabaho naman sana tayo ng maayos. Sana makinig din siya sa hinaing natin.” Wika ni nanay Marites kay tatay. “Hayaan mo mag usap kami nila Pedro, Tio at Silyo para kausapin namin si Don Fabio.” Wika tatay Ramon kay nanay Marites. Lumapit na ako sa kanila at dala-dala ang dalawang tasang kapeng mainit para sa kanila. “Nay , tay ito na po kape ninyo.” Alok ko sa kanila. “Salamat anak. Hindi ka pa naliligo Paloma baka mahuli ka sa klase mo.” Wika ni tatay sa akin. “Ngayon po tay maliligo na po ako pinag timpla ko lang po kayo ng kape.” Saad ko sa kanila. “Sige kami na bahala dito anak maligo ka na. Huwag kang mag alala sa amin anak ang mahalaga ikaw anak. “Wika ni tatay sa akin. “Sige po tatay pupunta na po ako sa ilog.” Paalam ko sa kanila. Agad kong kinuha ang tabo na may sabon at nagtungo agad sa ilog na malapit sa amin. Habang naglalakad ako iniisip ko sitwasyon namin. Hindi ko alam kung paano makatulong sa magulang ko. Kailangan kong makahanap ng paraan para matulungan ko din sila. Kailangan kong magtanong tanong kung may mga scholarship na libre para makatipid kami sa gastusin sa pag aaral ko. “Paloma! Paloma!” Tawag sa akin na nasa malaking bato malapit sa ilog na kumakaway. “ Mona! Nandyan ka pala!” Sigaw ko sa kanya. Nagmamadali akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan agad. “Ang aga mo naman nandito Mona. Hindi ka ba natatakot mag isa dito?” Tanong ko sa kanya. “Hindi naman Paloma alam ko naman na pupunta ka din dito.” Sagot niya sa akin. “Malamig ba ang tubig?” Tanong ko sa kanya. “ Oo sobrang malamig ang tubig Paloma akala mo'y ice.” Sagot niya sa akin. “Grabe naman ice na sinasabi mo Mona.” Sabi ko sa kanya sabay lapit ko sa tubig. Ay! Oo nga malamig nga Mona. Naku sobrang lamig nga parang ayaw ko maligo sa sobrang lamig pala.” Wika ko sa kanya. “Pero hindi nagmamadali na ako kailangan kong maaga pumasok ngayon para mag tanong kung may scholar bang offer sa next year.” Wika ko kay Mona . “Mag aaral ka pa next year ayaw mo bang magtrabaho na? Mahirap kaya ang buhay ngayon Paloma.” Tanong ni Mona sa akin. “Yun kasi gusto ng mga magulang ko ang mag aral ako pero Mona sa totoo lang naawa na ako sa kanila sa pagtatrabaho sa pagtatanim ng pinya. Gusto ko na ngang magtrabaho pero nagagalit sila sa akin dahil gusto nila mag aral muna ako para sa pangarap ko.” Wika ko kay Mona habang nakatingin ako sa tubig. “Buti ka pa Paloma pag aaralin ka pa ng magulang mo. Ako sila inay at itay gusto na nila agad pagkatapos ko high school magtrabaho na daw ako para makatulong na daw ako sa kanila.” Kwento ni Mona sa akin. “Kaya nga magtatanong ako kung may scholarship para maka apply ako next year Mona.” Wika ko sa kanya. “Oo makaka apply ka Paloma lalo na't matataas na naman ata grades mo.” Sabi niya sa akin. “Katamtaman lang naman Mona pero susubukan keep ko pa rin.” Saad ko sa kanya. “Maligo na tayo baka malate pa tayo sa pag pasok Mona.” Aya ko sa kanya Agad na akong bumaba sa tubig sa ilog para maligo na agad. “ Ramon ito na susuotin mo maya pang trabaho. Palitan mo na din jacket mo pawis na pawis na din yun.” Wika ni nanay Marites sa kanya. “Ilagay mo lang dyan maliligo lang ako saglit.”. Sabi ni tatay Ramon kay nanay Marites. Nagmamadali na akong umahon sa ilog sa sobrang lamig nanginginig na ako. “Tara na Mona tapos na ako giniginaw na ako sa sobrang lamig ng tubig.” Aya ko sa kanya. “Tara na malamig nga lalo na't mahangin din. Nakalimutan ko kasing magdala ng tuwalya kaya tatakbo na lang ako pauwi na Paloma.” Wika ni Mona sa akin. “Ako rin tabo nga lang dala ko. Ang lamig na talaga.” Ani ko. Nakita ko si tatay pababa papuntang ilog nagmamadali na akong maglakad para makauwi na din. “Mukhang nilalamig ka na Paloma dapat nagdala ka ng tuwalya mo. Akin na yun sabon at ako'y maliligo na din.” Wika ni tatay sa akin. “Opo tatay ang lamig nga ang tubig akala mo'y ice. Uuwi na ako tay sobrang lamig na.” Wika ko kay itay na nanginginig na sa lamig. Inabot ko na sa kanya ang tabo na may laman sabon saka umuwi na din ako. Naghiwalay na kami ng daan ni Mona sa dali-dali na akong tumakbo pauwi din sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD