CHAPTER 1
~ZIARA POV~
Napadilat naman ako sa mga mata ko. At pagdilat ko ay, puro puti lang yung nakita ko
"Where Am I??"
"Anong nangyari??"
"Is this, hospital??"
Ilan sandali pa'y bumukas naman yung pinto. At iniluwa dun si Perlie at Vhince
Nagulat naman sila ng makita ako. At bigla-bigla na lang akong niyakap ni Perlie
"Bes!! Buti gising ka na!" aniya at kumalas din
"Hay naku Ziara!. Tinupad ni Lord ang hiling namin kanina ni mylabs na gumising ka na!" Sambit ni Vince at umupo sa may upuan sa gilid ng kama ko
Pero wait… nalilito ako sa kanila eh??
"Anong sinasabi niyong gumising??. Tsaka, bakit tayo nandito sa hospital?? Anong nangyari??"
Nagkatinginan naman silang dalawa…
"Hindi mo naaalala bes??. Eh, sabi naman ng doctor hindi ka nagka-amnesia! Pero bat ngayon…"
"Ano ba talaga ang totoong nangyari sa akin?!" hindi ko na mapigiling magtaas ng boses
"Naaksidente ka Ziara!. Binangga mo yung sarili mo!"
"At yung araw na yun, ang birthday mo. Magkasama pa nga tayo nun sa umaga, pero nagulat na lang ako ng balitaan ako ni mylabs paggabi!. Si mylabs pa nga yung nakakita sa'yo!"-Perlie
"Anong mga pinagsasabi niyo??. Anong aksidente, nabangga?!. Nililito niyo lang utak ko!!" Bulyaw ko sa kanila
"Maniwala ka's amin!. Huwag kang magalit bes, plsss??"
"Ang pinaka-importante ngayon is, maalala mo ang nakaraan mo Ziara!" Ani Vhince
"Tama ka Vhince" pag-sang ayon ko
Ilan segundong tumahimik …
"Teka, kung totoo yang sinasabi niyo. Asan si Aze??. Alam kong hindi niya ako papabayaan at aalagaan niya ako dito!"
Nagkatinginan muna ulit sila…
"Nakalimutan mo talaga Ziara"
"Ang ano??. Tas sagutin niyo 'ko, asan siya?!"
"Matagal na kayong naghiwalay diba??!. 2 years ago?!?. Naghiwalay kayo kasi, hindi natin alam kung bakit!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Perlie
"Anong hiwalay??. Magkasama pa nga kami sa first monthsarry namin eh!"
"Ang sinasabi moy matagal na!. Alam mo bes!, kailangan mo na talagang maalala ang mga nangyari sa'yo!. Pati ako, nalilito na din!" Si Perlie
"Oo nga. Alam mo Ziara, parang habang natutulog ka is, bumalik ka sa nakaraan mo"
"Ilang araw akong tulog??"
"3 months and one week. Kung days?? 100 DAYS"
Parang kinalabutan naman ako sa sinabi ni Vhince
__~FAST FORWARD~__
(-PERLIE POV-)
Maging kaming dalawa ni mylabs is nalilito kay Ziara kanina. Mukhang tama si mylabs, na habang natutulog si Ziara ay bumalik siya sa nakaraan
Hayst!. Never mind na nga!
Tiningnan ko muna si bes na tulog na tulog na. Ako pala ang mag-isa sa kuwarto niya kasi, may aalamin daw si mylabs
Ilan sandali pay nag-ring naman ang phone ko. Kaya agad ko itong kinuha
Sina Franzie at Peter lang pala ang tumatawag. By the way guys, nasa ibang bansa sila. Kaya video-call muna kami ngayon
[Uy bes! Ano?? Kumusta na si Ziara my friend!] bungad agad ni Franzie na katabi niya si Peter
[Gising na ba si Ziara??]
"Oo! Kanina lang!"
[Hooray!!
Thanks God!]-ani nila
[So?? Puwede ba namin siyang maka-usap??] ani Peter
"Tulog eh!. Hayaan niyo, kapag gumising siya ay tatawagan ko kaagad kayo !" Wika ko
[O sige ba!]-Peter
[Miss ko na si my friend!]
"Pero, alam niyo ba, ichichika ko lang sa inyo toh ha??"
Naghihintay naman sila sa susunod na sasabihin ko
"Ang weird ni Ziara kanina. Hindi niya maalala yung nangyari sa kaniya. Litong-lito na nga kami ni mylabs dito!. Tapos, alam niyo ba. Binanggit at hinanap pa niya si Aze!. Diba, matagal na silang magkahiwalay??" Saad ko
[Yes matagal na. I think 2 years ago??. Pero, bakit niya nabanggit??] si Peter
"Hindi ko alam!. Walang may alam!"
[Diba sabi ni ma-friend sa'tin na, naka-moveon na siya??. Pero bakit hindi!]-Franzie
Hindi ko na siya sinagot…
[Asan pala si Vhince?? Bakit hindi mo siya kasama??]
"May pinuntahan!. Hindi ko alam kung saan!"
[Halaka bes!, baka naghanap na yun ng iba!. Patay ka!]
"Anong hanap-hanap ng iba diyan!. May tiwala ako dun!"
[Sure ka ba??. BAKA ikaw lang ang may tiwala!]
"Tumawag ba kayo para insultuhin ako?. Alam niyo, bwesit talaga kayong dalawa!. Nagpasalamat nga ako, dahil wala kayo dito. Kung hindi, kanina ko pa kayo sinapak!"
[Ang init naman ng ulo mo Per!. Easy lang!]-Peter
"BWESIT!!" at ini-end ko na ang tawag
____
~VHINCE POV~
Nandito ako ngayon sa isang manggagamot na kilala namin. May itatanong lang ako sa kaniya about sa situation ni Ziara
Hindi pa man ako nakalapit dun sa bahay ng bigla akong huminto dahil nakaramdam ako ng isang taong nakamasid/ sinusundan ako
Tumingin ako sa likod ko. Pero walang tao
Sa bawat gilid naman, pero wla pa din
"Anong kailangan mo iho?"
Nagulat na lang ako sa nagsalita. Kaya hinarap ko ito kaagad
"Ikaw pala yan Vhince!" aniya
"Good afternoon po!" Bati ko
"Tuloy ka muna iho"
Sumunod naman ako sa kaniya. Siya pala si Aling Maria
Iginaya naman niya akong umupo, kaya umupo muna ako
"Saglit lang iho" aniya at umalis na
Inilibot ko naman ang paningin sa bahay. Ganon pa din ito gaya ng dati. Matagal-tagal na ding hindi ako nakapunta dito
Ilan sandali din, ay dumating si Aling Maria dala yung meryenda
At inilapag niya muna ito sa harap namin. At umupo siya
"Bakit ka nandito iho?. Anong sadya mo??" Aniya
"Uhm… may tanong lang po sana ako"
Kinuha ko yung libro na kanina pa nasa bulsa ko. Itong libro na 'to ang unang story na nagawan ni Ziara ng libro. Ang 100 DAYS WITH YOU
"May posibilidad po bang, makulong tayo sa libro??" dagdag ko
"Anong ibig mong sabihin iho??"
"Diba po, 100 Days ang nakalagay dito. Example, if natulog, naaksidente ako. May posibilidad po bang, mapanaginipan ko ang mga nilalaman ng librong 'toh??. Yung kaluluwa ko po ay nandito sa libro, ta's yung katawan ko pala is tulog. May ganun po ba??"
Ilan segundo muna ito bago nagsalita
"Mayroong ganiyan iho. Hindi ka naman papasok sa libro kung wala kang dinadala. Nasaktan o Malungkot. Ginagawa yan ng ibang tao kasi, gusto nila na maging masaya. Walang problema, walang gulo"
Tama siya!. Tama din ako!. Marami ngang dinadalang problema si Ziara
"May kaibigan po kasi ako, na ganito ang kalagayan" saad ko
"Baka yung kaibigan mo is, maaari ding bumalik sa nakaraan niya. Kagaya ko"
Nagulat naman ako sa sinabi niya
"Sabi nila, tulog lang ako. Pero hindi eh!. Gumising lang ako, pagkatapos ng lahat ng pangyayari. Sa libro din!"
Gets niyo ba ang iniisip ko??. Baka yun din ang nangyari kay Ziara ngayon!
"O siya! Huwag na nga natin yung pag-usapan!. Tapos na yun!"
___
"Sige po Aling Maria, paalam po, maraming salamat"
"Paalam din iho, mag-ingat ka sa pag-uwi mo!" aniya
"Salamat po sa lahat!"
Sumakay na ako sa sasakyan ko
Tama nga yung hula ko. Na habang natutulog si Ziara ay bumalik siya sa nakaraan niya. Ang librong ito. Binilang ko yung araw eh!. At 100 DAYS siya natulog, na sa bawat araw na tulog siya. Ay ang mga araw din sa kaganapan nila ni Aze
At ngayong araw na ito ang siyang paggising niya. Ang ika 101 Days
Pero 2 years na ang nakalipas nung maging sila ni Aze. Hayst!. Pati ako nalilito na din!
___~END OF CHAPTER 1~___