~ZIARA POV~
"AT TALAGANG MAGSISINUNGALING KA PA HA!! PINAGTATANGGOL MO PA ANG BOYFRIEND MO!!. ANG LANDI-LANDI MO!! ANG BATA-BATA MO PA NGA! TA'S MAY KALANDIAN KA NA!!" sigaw ni mama at hinampas ako nung dala niya
Umiyak na lang ako. Umiyak ako hindi dahil sa sakit sa paghampas sa akin ni mama. Kundi, sa sakit na salita na sinabi nila sa akin at sa hindi pagtitiwala sa akin
"KATULAD KA LANG NG PAPA MO!! MGA MALANDI!! MAGSAMA KAYO!!" dagdag ni mama na lalong kinagalit ko
"Huwag na huwag mong idadamay si papa dito" Diin kong salita
"AT UNA SA LAHAT! HUWAG NA HUWAG MO SIYANG TAWAGING MALANDI, DAHIL IKAW NAMAN ANG MALANDI!! BABAE KA!!" Sinampal ako ni mama
"WALA KANG KARAPATAN PARA PAGSABIHAN SI MAMA NG GANYAN!!" sugod ni ate at sinampal din ako sa kabilang pisngi
Mas lalo akong napaiyak dahil ang hapdi na ng mukha ko. Napahawak na lang ako dito habang umiiyak
"SANA NAWALA KA NA LANG! SANA HINDI NA LANG IKAW ANG NAGIGING ANAK NAMIN!!!"-mama
"Nagsisi kayo??. AKO DIN!!! SANA!!. KAYO NALANG ANG NAMATAY AT HINDI SI PAPA!!" mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kanila at tumakbo na papaitaas
Hinabol ako ni Tito pero nilock ko kaagad ang kuwarto at 'dun na nagmukmok
"ARA!!! BUKSAN MO 'TO!!" dinig kong sigaw ni Tito mula sa labas
Umupo ako sa kama ko at ipinatong sa tuhod ko ang ulo ko at don humikbi
Ilan sandali pa'y tumigil na rin SI Tito. 'Di din naman nila mabubukas ang kuwartong ito eh! Nasa akin ang susi
Meet my hell life.
Palaging pinapagalitan, sinasaktan. Minsan nga, ay hindi nila ako pinapakain. Minsan pinapakain nila ako ng pagkaing aso
Nagsimula lang naman kasi lahat 'nung namatay SI papa. Actually di pala, simula pala 'nung pinakasalan ni papa si stepmother
Namatay kasi ang mama ko 'nung ipinanganak ako. 'Di nagkalaunan nameet ni papa si stepmother. Hindi nagtagal ay pinakasalan ni papa si stepmother
Akala ko 'nung una ay mabait ang trato niya sa akin. Hindi pala. Pati na ang mga demonyeta at demonyeto kong kapatid
Palagi nila akong inaapi, na parang pulubi. Magsusumbong na sana ako ng tinakot nila ako. Na kapag magsusumbong ako ay patayin nila si papa pati narin ako
Wala akong ibang magawa kundi tumahimik na lang. Na kapag tinatanong ni papa kung okay lang ako. Ay umu-oo na lang ako. Kahit hindi
Gumagrabe ang mga p*******t nila 'nung namatay na talaga si papa. Buti pa nga pinapasok pa ako. It almost 6 years nung namatay si papa
Biglaan-biglaan nga 'yung pagkawala niya eh!. Walang alam kung bakit siya namatay. Tiningnan sa CCTV pero walang nakuha sa CCTV. Nakakataka
Ubod nga kami sa yaman. Nakatira nga ako sa malaking bahay. Pero parang impyerno naman 'yung buhay ko
Baka, isang araw hindi ko na kakayanin to
____
"Sige bes, mag-ingat ka ha??. Kung sasaktan ka naman nila ulit, tumawag ka kaagad sa akin, amin" wika ni Perlie halata sa kaniyang mukha ang pag-alala
"Sige bes. Pero I think kaya ko 'toh!"
"Maiwan ka na namin Ziara. Baka, makita pa nila kami" si Vhince
"Sige. Salamat ulit"
"Happy birthday ulit bes!" Perlie at niyakap ako
"Thank you"
Humiwalay na kami at sumakay na kotse ni Vhince
Kumaway muna ako sa kanila bago sila tuluyang umalis
___
"SINUNGALING!!!"-Tito sabay bato sa akin nung cake dahilan ng mantsa-mantsa ko. Para na akong pulubi
Mas lalo akong umiyak at humikbi
Wala akong ibang nagawa kundi tumakbo sa kuwarto ko at nilock iyon. Nagsalita pa sila pero di ko na pinakinggan
Dito lang ako sa likod ng pinto. Umiyak ng umiyak at humikbi ng humikbi
'Ni hindi man lang ako binati ng happy birthday. Ano pa bang maaasahan ko sa kanila??'
_____
Nakaupo na ako ngayon harap sa maliit kong altar sa kuwarto na nakatulala. Maya-maya'y sinindihan ko ang kandila
"Ha-ppy bi-rth-day to-you. Happy-birth-day-to-you Ha-ppy bi-rth-day, Ha-ppy bi-rth-day, ha-ppy bi-rth-day Zi-ara" putol-putol at mahina kong kanta
Nagsimula namang tumulo ang luha ko at hinipan na ang kandila
Nahagip sa mga mata ko ang libro ng 100 DWY
Kinuha ko ito
"Ang wish ko sa birthday ko ay sana. Ganito na lang ang buhay ko sa libro na ginawa ko. Sa storyang ginawa at gustong-gusto ko" tumulo na naman ang luha ko
"Masaya. Hindi inaapi. Sinasaktan. May masayang pamilya"
_____
Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada kung saan ang daming rumaragasang sasakyan habang nakatulala lang
Hindi ko alam kung bakit ginawa ito ng mga paa ko
**beep**beep**beep
Naramdaman ko na lang na tumilapon ako ng palakas-lakas
"Ma, Pa. Magkakasama na ulit tayo" huling sambit ko
And everything turns black
__~END OF ZIARA'S NAKARAAN~__
(~PERLIE POV~)
"May mansiyon kami dun sa Batangas, doon muna na lang tayo. Mas ligtas pa tayong lahat dun!" Saad ni Mark
Nasa labas pala kami ng kuwarto ni Ziara
"O sige. Mas nakakabuti din para kay Ziara" mylabs
(~BACK TO ZIARA POV~)
Napamulat na lang ako ng mata
Panaginip lang pala lahat ng yun!. Or I should I say na, pinakita lang sa akin yung nakaraan ko
So totoo pala lahat nung sinabi nila sa akin
Namatay na sila mama at papa
Naghiwalay na kami ni luv
Pero I can't eh!. Bumabalik pa din yung pagmamahal ko sa kaniya!
Alam kong Alam kong may chance pang magkabalikan kami
Bumukas naman ang pinto at iniluwa don sina Perlie, Vhince, Blaire at Mark
Kaya bumangon na din ako
"Ziara!"
Lumapit silang lahat sa akin
"Bagong gising ka pa lang ba??" Agad sambit ni Blaire
"Bes, okay ka lang ba??" Si Perlie
Tinanguan ko naman sila
"Alam ko na ang nakaraan ko. Napanaginipan ko lahat!"
Nakita ko naman sa kanilang mga mukha na masaya sila
"Pero hindi ko matanggap. Wala na ba talaga kami ni Aze??"
Nagsimula nang mamuo ang tubig sa gilid ng mata ko
Nagkatinginan naman sila…
"Oo. Wala na Ziara. Matagal na!"-Vhince
"Pero mahal ko pa eh!"
Nagsimula nang magsibagsakan ang mga luha ko, inalayan naman kaagad ako ni Perlie
"Bes, mahal na mahal ko pa!"
"Oo. Alam namin. Ssshh!!. Tahan na okay??" aniya habang hinaplos-haplos pa ang aking likod
__~FAST FORWARD~__
"Bes, yung mga taong, nagsusuporta pala sa iyo. Naiintindihan nila yung sitwasyon mo. Ako na ang nagpaliwanag"-Perlie
Ngumiti ako sa kaniya
"Gusto na sana nila. Nag-aantay sila
ng panibagong update mo. Pero yun nga, mag-aantay na lang ulit sila!" aniya
"Bes. Puwede bang, tumigil muna ako sa pagsusulat??. Babalik din ako, kapag kaya at gusto ko na!" ani ko
"Pero bes!…"
___
(~BLAIRE POV~)
"Grabe si Ziara babe noh?!. Iba talaga ang power of love!" Saad ni bebeko
Papunta na pala kami ngayon sa parking lot
"Oo nga eh!. Pero nagpapasalamat pa din ako"
Tumigil ako at hinarap siya. Napatigil din siya
"Na walang problema, humadlang, sa pagmamahalan natin babe!" ani ko
Ngumiti naman siya
Sumandal na ako sa balikat niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad habang magkahawak ang isang kamay
Ilan sandali pa'y…
May biglang may mga armadong lalaking lumabas sa kung saan at tinutukan kami ng baril
"Sino kayo?!?"
__~END OF CHAPTER 4~__