KABANATA 1
Zerah PoV:
Nakapangalumbaba kong pinanuod ang bawat pag ikot ng mga kamay ng relo. Alas nwebe palang ng gabi at isang oras pa bago kami magsara. Hindi kase nakapasok ang cashier namin dito sa convenience store at wala ring papalit sa kanya kaya ako ang nautosan ni mama.
"Wag kang bumusangot baka wala nang bumili dito." Biro sakin ni Ivan, nagtatrabaho sya dito.
Kanina pa akong alas singko dito at kanina ko pa rin gustong umuwi. May pasok pa ako bukas at hindi ko pa nababasa ang mga notes ko.
Grade 10 student ako sa Irvine University at consistent top 1 ako simula elementary. Wala akong ibang inaatupag kundi ang pag aaral ko dahil doon lang naman ako magaling.
Sa apat na taon ko sa Irvine University ay wala akong ibang naging kaibigan maliban kay Sydney. Bukod kase sa hindi ako kaseng yaman ng mga estudyante sa IU ay wala ring ibang nagtatangkang makipag kaibigan sakin dahil sa itsura ko. Madalas nila akong tawaging nerd at napapagkamalang mayabang dahil lang palagi akong nakakasagot.
Sa totoo lang wala naman akong nakikitang mali sa itsura ko. Sabi nga sakin ni Sydney ay cute daw ako. Well, alam ko naman yon dahil araw araw kong nakikita sa salamin ang mukha ko.
Hindi ako katangkaran, 4'9 ang height ko. Hindi rin ako mataba pero hindi rin naman ako sobrang payat. Sakto lang nag haba ng pantay at itim kong buhok na palagi kong iniipit dahil ayoko ng may sagabal sa mukha ko. Palagi ko rin suot ang malaki kong salamin dahil medyo malabo ang mata ko. Pero syempre mas malabo pa rin ang relasyon nyo.
Naputol ang pag iisip ko ng may biglang maglapag ng canned beers sa harap ko. Nag angat ako ng tingin sa kung sino man iyon at agad na namangha ng makita ang kulay abo nitong mga mata.
Nakakamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba ito o baka contact lense lang. Pero kahit ganun ay sobrang ganda rin ng mukha ng babaeng ito. Mahaba ang pilik mata nya, matangos ang ilong at manipis ang kulay rosas nyang labi na bumagay naman sa maliit nyang mukha.
Nakasuot ito ng itim na fitted sando na pinatungan nya ng itim na leather jacket. Nakapony tail ang itim na mahahabang buhok nito at may hawak itong helmet sa kaliwang kamay nito.
"Ano bang trabho mo, cashier o human CCTV?" Masungit na tanong nito sakin.
"S-sorry..." Mabilis akong nag iwas ng tingin at iniscan ang bibilhin nito.
"389 po."
Inabot sakin nito ang buong isang libo. Tinanggap ko naman iyon at naghanap ng panukli. Mabuti nalang at kasya pa ang panukli ko dahil halos buong isang libo na rin ang mga nandito.
"Heto na po a--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng wala na pala ang babaeng bumili sakin.
Mabilis akong lumabas ng convenience store para hanapin ang babaeng nakaiwan ng sukli nya pero hindi ko na ito naabotan. Pinaharorot na nito ang sinasakyan nyang motor paalis ay tanging ang ilaw nalang ng taillight ng motor nya ang naabotan ng paningin ko.
"Oh anong problema?" Salubong sakin ni Ivan ng bumalik ako sa loob.
"Yung customer kanina naiwan yung sukli."
"Yung matangkad ba?" Tanong nito at tumango naman ako sa kanya.
"Itago mo nalang muna dyan. Hindi naman ito ang unang beses na may nakaiwan ng sukli. Usually binabalikan naman nila dito ang sukli nila at syempre chini-check muna namin kung bumili ba talaga sila dito pagkatapos saka namin ibibigay ang sukli."
"Panu kung hindi binalikan?"
"Ede samin na." Tumango nalang ako sa sagot nito at bumalik na sa counter. Isang oras pakong tutunganga dito bago makauwi.
Humihikab pako habang naglalakad sa hallway papunta sa room namin. Marami na ang studyante sa hallway dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase. Pagpasok ko ng room namin ay agad akong sinalubong ni Sydney, ang bestfriend ko.
"Oh? Anong nangyari sayo?" Salubong nito sakin.
"Pinagbantay ako ni mama sa convenience store namin kagabi. Madaling araw na tuloy akong nakatulog dahil nag aral pako." Sagot ko dito pagkatapos ay naupo na sa upuan ko.
"Bakit naman kase nag aral ka pa wala naman tayong quiz ngayon."
"Kapag may quiz lang ba dapat mag aral?" Sarkastikong tanong ko dito pero nagkibit balikat lang ito.
Tumahimik ang buong klase ng pumasok si Sir Sapao, ang bakla naming teacher sa English. Matanda na ito kaya mainitin na rin ang ulo. Sa tuwing may recitation ay gusto nya na makasagot ang lahat dahil kung hindi ay buong klase kang tatayo. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit palagi akong nang aaral tuwing gabi. Kahit pa kase naintindihan ko naman ang lahat ng tinuturo nila ay mas maigi pa rin na muli kong pag aralan iyon para mas maintindihan ko pa ng mabuti.
"Good morning students, before we start I would like you to recall our lesson yesterday." Agad na anunsyo nito ng makapasok sya sa room namin. "Anyone?" Tanong nito ng walang magtaas ng kamay.
"Lopez," tawag nito sa isa kong kaklase. Alanganin itong ngumiti kay Sir Sapao dahil wala itong maisagot.
"Remain standing!" Sambit nito ng hindi nakasagot si Lopez.
"Villar," katulad ni Lopez ay hindi rin ito nakasagot kaya nanatili rin itong nakatayo.
"This is disappointing." Naiiling na sambit nito.
"Avila!" Lumingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakatingin sa sakin habang marahang tumatayo.
"A-about New M-media and Creative Writing S-sir." Nauutal na sagot ni Sydney.
"Explain the New Media and Creative Writing, Avila."
"Uh-uhm N-new media i-is..." Hindi natapos ni Sydney ang isasagot nya dahil pinutol na ito ni Sir Sapao. Isa sa mga ayaw nito ay ang mabagal at hindi siguradong sagot.
"Remain standing Avila." Malungkot akong tumingin kay Sydney. Kahit pa gusto ko syang tulungan na makasagot ay hindi naman iyon pwede dahil baka pareho lang kaming mapagalitan.
"De Luna explain the New Media and Creative Writing."
Agad akong tumayo ng tawagin ni Sir Sapao ang pangalan ko.
"New media is any media form in newspaper articles and blogs to music and podcasts that are delivered digitally. From a website or email to mobile phones and streaming apps, any internet-related form of communication can be considered new media. While creative writing is a form of artistic expression, draws on the imagination to convey meaning through the use of imagery, narrative, and drama. " Mahabang lintaya ko.
"Nakakainis talaga ang Sapao na yon!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Sydney dahil baka may makarinig sa kanya. Kanina pa kase ito reklamo ng reklamo dahil buong English subject itong nakatayo.
"Wag kang maingay baka may makarinig sayo isumbong ka pa."
"Wala akong pakealam samahan ko pa sila." Tinampal ko ang braso nito dahil sa sinabi nya.
Papunta kami ngayon sa college department dahil may kailangan umano syang kunin sa pinsan nya. Apat na taon na kaming magkaibigan ni Sydney pero hindi ko pa nakikilala ang pinsan nya dahil palagi itong wala tuwing nagagawi ako sa bahay nito. Doon din kase nakatira si Sydney dahil wala na itong mga magulang. Namatay sa car accident ang parents nya noong grade 1 pa lamang sya.
"Asan na ba yon?" Palinga lingang tanong ni Sydney. Kanina pa kami paikot ikot dito sa college department pero hindi pa rin namin nahahanap ang pinsan nya. Kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang studyante dito.
"Puntahan nalang natin sa room nila." Suhestiyon ko dito.
"Ha? Hindi ko naman alam kung san ang room nila." Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa kanya.
Pabatok Syd, isa lang promise.
Kung hindi ba naman kase gaga ang kaibigan kong ito. Ang lawak kaya ng college department, saan namin hahagilapin ang pinsan nya? Para kaming naghahanap ng kuto sa ulo ni Sir Sapao.
"Ano ba kaseng kukunin mo don sa pinsan mo? Pwede naman sigurong mamaya mo nalang kunin sa kanya pag uwi mo. Naiihi na ko Syd."
"Pwede naman sana kung ililibre mo ako ng pagkain sa cafeteria dahil naiwan ko ang wallet ko sa bahay."
Okay binabawi ko na ang sinabi ko. Hahanapin nalang namin ang pinsan nya kahit pa sobrang lawak ng college department na to. Hahanapin namin ang pinsan nya no matter what.
Nagpatuloy kami sa paghahanap sa pinsan ni Sydney pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin namin ito mahanap.
"Syd kailangan ko na talagang ilabas to." Hindi ko na kaya, ihing ihi na talaga ako.
"Sakto ayon CR, pumunta kana muna don balikan mo nalang ako dito."
"Sige." Hindi ko na hinintay na sumagot pa ito at tumakbo nako papunta sa Cr. Pagpasok ko don ay may ilang college student ang nag reretouch ng make up nila ang napatingin sakin. Siguro nagtataka sila kung anong ginagawa ko dito. Makiki Cr lang mga ate.
Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas ako ng banyo. Hinanap ng mga mata ko si Sydney pero wala na iyon kung saan ko ito iniwan kanina.
Nagpalinga linga ako para hanapin sya pero hindi ko na ito mahanap. Hindi ko pa naman kabisado itong college department dahil ngayon lang ako napadpad dito. Panu nako babalik sa department namin?
Sinubukan kong tawagan ang number ni Sydney pero hindi ito sumasagot. Naglakad lakad ako para hanapin si Sydney kung saan man ito nagpunta. Grabe, parang kanina lang pinsan nya ang hinahanap namin ngayon naman ay sya na.
"Excuse me po..." Pasintabi ko ng dumaan ako sa gilid ng nagkukumpolang studyante. Kumpara kanina ay mas marami na ang studyante sa hallway dahil siguro break time na rin nila.
Nagpalinga linga ako para hanapin si Sydney pero bigla nalang akong bumagsak sa sahig. Rinig ko ang pagsinghap ng ibang estudyante dahil sa pagbagsak ko.
Ang sakit ng pwet ko!
"What the fvck!" Nag angat ako ng tingin sa taong bumangga sakin at agad na namilog ang mga mata ko ng makita kong muli ang kulay abong mga mata nito.