Kabanata 2—Maniningil

2239 Words
ANG ganda-ganda mo talaga. Hindi maiwasang mapahagikhik ni Tempest nang mabasa ang chat ng kausap niyang si Dash. You're really good in Tagalog huh. Tipa naman niya ng reply. Natutuwa siya't mahigit isang linggo na silang nag-uusap ng binatang ka-chat pero ni minsan ay hindi pa siya nito binabastos. Well paminsan-minsan, nagiging naughty din. Tama nga si Chona na makakahanap din siya ng matino sa mga dating sites. Nakagaanan niya rin ito ng loob dahil marunong din itong magtagalog. Ani Dash sa kanya ay nag-stay din ito ng halos dalawang taon sa bansa dahil sa nobyang pinay pero nauwi lang din sa hiwalayan. Si Dash ay may lahing briton kaya naman agad itong natipuhan ni Tempest lalo na nang mag-video call silang dalawa dahil sa accent nito. Sa una'y nahihiya siya pero dahil funny guy ito, agad na niya itong nakalagayan ng loob. I really want to see you already in person, Beautiful. Hindi na niya napigilan at tuluyan na siyang napatili. Nagpagulong-gulong siya sa katre kaya ang resulta ay nahulog siya mula dito. "A-aray," daing niya. Sakto namang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at sumilip ang nanay niya. "Anong nangyari sa 'yo?" "K-kinilig ho kay Dash, Nay- kaya ang resulta--nahulog sa katre." Hindi naman lingid sa Nanay niya ang tungkol sa binata. Wala naman talaga siyang planong paalamin sa una ang tungkol kay Dash kaya lang ay nangulit na naman ito kung kaylan siya mag-aasawa kaya naging no choice siya at nasabi na dito ang tungkol sa huli. Sa una'y hindi sangayon ang nanay niya sa mga ibang lahi dahil baka bastusin daw siya nito.  Pero sinabihan niyang magtiwala lang sa kanya at hindi naman siya inaano ni Dash kaya napanatag na rin ito. Napailing ang kanyang nanay. "Saka ka na kiligin d'yan kapag pinuntahan ka na n'yan dito. Basta 'yung sinasabi ko sa 'yo ha? Mag-asawa ka na. Aba'y malapit ka nang mawala sa kalendaryo." Ngumiwi siya. Oo na. Di na dapat pang ipaalala na hindi na siya bumabata pa. "Relax lang kayo d'yan, Nay. Dadating din tayo d'yan." Hinawakan niya ang kanyang balakang dahil iyon talaga ang mas napuruhan. "Oo na. Sumunod ka na sa 'kin sa hapag at nang makakain ka na. Ikaw ba'y walang pasok?" "Anong oras na ba--" Nanlaki ang mata niya nang makitang alas syete na. s**t! Paniguradong late na naman siya nito sa trabaho! Kay dali lang ng oras at hindi niya ito napansin. Kaning five am sila nag-umpisang mag-usap ni Dash, pero heto't male-late na naman siya. Isa siyang sales account executive sa kompanyang pinapasukan niya. Hindi naman kalayuan ang opisina. Ang totoo nga n'yan ay kalahating oras lang ang byahe, panigurado nandun na siya. Pero dahil baka ma-stuck siya sa traffic, baka abutin na siya ng halos isang oras nito.  T'yak na sermon na naman ang aabutin niya sa kanyang senior manager lalo na't malapit nang mag end of the month. 'Yung mga qouta, dapat maihabol ang deadline nun. Kaya minsan, stress din siya sa trabaho at may mga kliyenteng super demanding ang tema. Minadali niya ang pagsubo ng pagkain at baka sobrang haba na ng pila sa FX. "Alam mo naman kasing hindi na mawawala ang traffic dito sa Maynila, inuna mo pa iyang pakikipag-chat mo. Pwede namang mamaya." Hindi niya inintindi ang panenermon ng kanyang Nanay saka ngumiti lang dito pati na din sa Tatay niya na nakikinig lang sa ina niya. "Una na ho ako," paalam niya matapos lagukin ang isang tasa ng kape.  Buti na lang din at kaninang alas kwatro pa siya naligo. Patay oras lang naman iyong pakikipag-usap niya kay Dash. Sadyang hindi niya napansin 'yung oras kaya siya natagalan. *** "MAGANDANG umaga, Tempest! Mukhang napasarap ata ang tulog natin at parang nagmamadali ka.  Late na ba?" Inirapan niya si Baldo--isa ito sa mga alagad ni Danger na wala nang tigil sa pang-aasar sa kanya simula nang makaengkwentro niya si Dan noong isang linggo. Tumagal din ng halos ilang araw ang chismis na iyon at naging mas maugong pa ang pangalan niya dito sa lugar nila. Nabalitaan din iyon ng magulang niya kaya pinapaiwas na siya dito. Taliwas naman sa reaksyon ni Chona na binubugaw siya kay Dan at sinasabing iyon na lang ang gawin niyang aasawahin. Mas naging sikat din siya sa mga kalalakihan ngunit madami ding mga kababaihan ang tumaas ang kilay sa kanya.  Pakiramdam kasi ng mga ito ay inaagaw niya si Danger mula sa kanila. Like duh! No thanks na lang kung si Dan naman ang mapapangasawa niya.  Oo nga't gwapo.  Pero aanhin niya iyon kung gutom at kunsumisyon naman ang aabutin niya sa piling nito? Siga na, barumbado pa. Idagdag mo pa ang pagiging tambay at basagulero. Kaya sa kanila na ang pinapantasyahan nilang si Danger. Saksak pa sa mga baga nila. Isa pa'y may Dash na siya na handang makita siya sa personal. Dahil sa iniisip ay bigla siyang pinamulahan. "'Yun oh! Namula si Tempest! Ibig sabihin totoo!" Naghiyawan ang mga gagong tambay na nag-iinuman sa tapat ng tindahan ni Aling Amy.  Napairap siya. Umagang-umaga, alak na ang pinang-aalmusal. "Nakita mo naman di'ba, Boss? May gusto ata sa 'yo itong si Tempest at namumula nung ipaalala ang halikan ninyo," ani Baldo. Namilog ang mata niya sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Anong halikan? Ulol ka Baldo!" Mas lalong naghalakhakan ang mga ito. "Deny pa more, Tempest. Huling-huli ka na eh. Naku, nahuhuli ang isda sa sarili nilang bibig." "Ano bang pinagsasabi ninyo ha!?" pikon niya ng saad.  Gusto na niyang umalis at late na siya pero hindi siya makadaan-daan dahil ang mga tukmol, nakahara sa daan!  "Sus. Sabi kako ni Baldo, kaya baka raw nagmamadali kang umalis para sa trabaho ay late ka na dahil napanaginipan mo ang halikan ninyo ni Boss Dan, kagabi. Ano Tempest, magaling bang humalik ha?" gatong naman ng isa sa mga kainuman ni Baldo na feeling close kahit di naman niya kilala. Biglang kumulo ang dugo niya dahil sa mga paratang nito. Ngayon nga ay totoong namumula na ang pisngi niya, hindi dahil sa mga sinasabi nito.  Napipikon na siya at gusto na lamang pag-uuntigin ang mga ugok na ito. "Uy si Tempest, magkaka-jowa na. 'Di ba gusto ka nang magka-asawa ni Aling Arlene? Saktong-sakto,  Itong  si Boss Dan ay single na single at ready to mingle. Baka naman. 'Di ba, Boss?" muling tudyo ni Baldo. Kumuyom ang mga kamao niya. Akma siyang magsasalita nang unahan siya ni Dan. "That's enough," suway nito. Umirap siya.  Ang totoo n'yan ay kanina niya pa ito napapansin sa gilid ng mata niya pero ni-sulyap ay hindi niya ginawa. Sa buong linggo ay talagang iniwasan niyang magkrus ang landas nilang dalawa dahil sa takot na totohanin nito ang banta sa kanya. Ayaw niya ding makita ang mukha nito dahil naaalala niya lang ang halik na ginawad nito sa kanya. Halos napanaginipan niya din iyon dahil iyon ang unang beses na nahalikan siya ng hindi lang smack. Nagkaroon na ng boyfriend si Tempest noong college pa lamang siya. Pero dahil sa smack lamang ang pinapayagan niyang gawin sa kanya ng nobyo, hindi na ito nakatiis at hiniwalayan siya. Kaya matapos nun, hindi na siya nag-entertain ng manliligaw hanggang sa abutin siya sa edad niyang to ay tuluyan nang hindi siya nagka-jowa. Natigil naman sina Baldo at iba pang kasama sa pang-aasar sa kanya pero halata pa rin sa mga mata nito ang panunudyo sa kanya. "Padaan nga!" singhal niya sa mga ito. Muli niyang nakita sa gilid ng mata na nauna si Danger sa paggilid ng inuupang silya bago sumunod sina Baldo. Mataas ang heels ng black shoes na suot niya kaya nahihirapan siyang maglakad lalo na at lubak-lubak dito sa lugar nila. "Ingat Tempest sa pagpasok. Mamahalin mo pa si Boss Dan!" Dahil sa sinabi ni Baldo ay kaya siya nawalan ng balanse at natapilok.  s**t! Kung minamalas ka nga naman oo. Napapikit siya at hinayaang matumba sa lupa, pero imbis na doon, sa isang matigas na bagay siya bumagsak. "Uy chansing na 'yan, Tempest! Partida, di pa kayo kasal ni Boss n'yan!" Humalakhak sina Baldo pati ng ibang mga kainuman nito. Nang imulat ang mata, doon niya lang napagtantong nakatukod ang dalawang kamay niya sa dibdib ni Danger.  Samantalang ang kamay naman nito ay nakahawak sa magkabilang beywang niya. Nagtama ang kanilang paningin.  Hindi niya alam pero kumikislap ang mga mata nito sa di maipaliwanag na dahilan. "Uy qouta ka na Tempest ah! Pakakasalan mo na talaga iyang si Boss." Dahil sa gulat sa sinabi ng isa sa mga alagad, awtomatikong dumapo ang kamay niya sa kanang pisngi ni Danger at sinampal ito. At huli na bago niya napagtanto ang ginawa nang makitang madilim na naman ang itsura ni Dan. Sa takot ay dali-dali siyang umayos ng tayo at baka kung anong gawin nito sa kanya. "D-Dan,  h-hindi ko s-sinasadya." Napaatras siya nang tumayo ito at unti-unting lumapit sa kanya. Kahit natatakot ay hindi niya maiwasang humanga sa katawan nito lalo na nang mag-flex ang muscles ni Danger nang suotin nito ang kulay abong sando na punit sa magkabilang tagiliran.  Napalunok siya dahil heto't natatakot na siya sa maaaring gawin sa kanya--ay mukhang pinagnanasaan niya pa ang barumbadong ito. Dahil doon ay nag-iwas siya ng tingin at yumuko. Pero sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lamang siyang nagkasala dahil dumako naman ang mata niya sa kupas at punit-punit nitong pantalon na halos naka-hang lang sa beywang nito. At mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw na tanaw niya ang pa-letrang V na guhit sa magkabilang gilid ng puson nito na may mumunting balahibo patungo pa sa bab-- "Ay balahibo!" hiyaw niya nang mamalayang nakalapit na sa kanya si Dan at hinaklit siya sa braso saka hinila sa kung saan. "Paktay ka Tempest! Ginalit mo! Langit na panigurado ang diretso n'yo ni Boss n'yan!" Dinig niya pang halakhak nina Baldo pero hindi niya na magawang intindihin dahil sa takot na ngayon ay lumulukob na sa kanyang sistema. Ano na naman ba ito, Lord? Umiiwas na nga, panganib naman ang lumalapit. *** NAPANGIWI si Tempest nang pabalya siyang isinandal ni Dan sa pader. Walang katao-tao ngayon sa pinagdalahan sa kanya at iyon ang kinakatakot niya. Kahit tirik na tirik ang araw ay walang makakita kung sakali mang i-salvage siya. Napapikit siya at tinawag ang lahat ng santong kilala niya. Nawa'y patawarin siya ng kanyang magulang kung sakaling mang mamatay siya nang hindi nakakapag-asawa. "Ngayon ka magmatapang!" Napadilat siya ng mata at napaamang.  Alam ni Tempest na galit na galit ito base na lamang sa itsura at boses nito.  Pero alam din niya na marunong din naman mag-tagalog si Danger. Pero, bakit imbis na matakot sa sinabi nito, napapantastikuhan na lamang siyang napatingin dito. s**t! Why so hot sa pagta-tagalog, Papa Dan? "Ay ang gaga mo naman!" kastigo niya sa sarili dahil lumalandi na naman ang kabilang side ng utak niya.  Kinaltukan niya pa ang sariling noo nang biglang magmura si Danger. "B-bakit ka nagmumura?" Napalunok siya ng laway. Nagsalubong ang kilay ni Dan. "Are you fvcking on me, Lady?" Nanlaki ang mata niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Iminuwestra niya ang kamay at umiling-iling. "H-hindi Dan. H-hindi!" Wrong timing naman kasi ang paglalandi ng subconscious mind niya. Kainis! Ngumisi lamang ito ng mapanuya sa kanya. "Do you still remember what I told you last week?" Nanginig ang mga tuhod niya. Sinong hindi makakalimot sa banta nito?! B-baka totohanin na nito ang sinabi sa kanya.  Kaya naman bago pa nito masagawa ang plano sa kanya--inunahan na niya ito walang pagdadalawang isip na tinuhod ni Tempest ang pagitan ng hita ni Dan saka inapakan ang paa gamit ng kanyang takong. Agad namang napaluhod ang huli sa lupa at sunod-sunod na nagmura ng malulutong. Kinuha niya ang pagkakataong iyon at dali-daling umalis at naghanap ng tricycle. "Namumuro ka nang babae ka! You're gonna fvcking pay for this s**t, b***h!" *** SERMON ang abot ni Tempest sa senior manager niya nang dumating sa opisina.  Kahit anong gawin niyang paliwanag ay hindi siya nito pinapakinggan kaya ang resulta; tinambakan lang naman siya ng trabaho. Kaya pagdating ng hapon ay halos wala nang matira sa lakas niya. Nasigawan pa siya ng kliyente kanina dahil sa palpak na mga ginawa niya. Nakahinga lang siya ng maluwag ng mag-uwian na. Dahil rush hour ay nahirapan pa siyang makakuha ng FX kaya nakipagsiksikan na lamang siya sa mga dyip at nagtricycle matapos. Inabot ng halos dalawang oras bago siya nakarating sa kanila.  Bagsak ang balikat na naglalakad si Tempest nang matigilan sa nakita. Na naman! Napamura siya. Tinampal niya pa ang kanyang noo. Hindi ba siya titigilan ng malas ngayon?  Bakit niya nga ba nakalimutan ang ginawa kay Dan? Gustuhin niya mang umiba ng direksyon sa dinadaanan ay huli na dahil napansin na siya nito. Umalis ito sa pagkakasandal sa motor at sinalubong siya. Bumuga pa ito ng usok mula sa sigarilyong hawak. "Uy D-Dan,  i-ikaw pala," asiwa siyang ngumiti nang tuluyan itong makalapit sa kanya. "G-ganda ng jacket natin ah. L-lider na lider ng mga ugok na gangster ang datingan," pang-uuto niya. "A-ang cool di'ba?" Nangunot lang ang noo nito sa kanya, nanatiling nakaigting ang panga at hindi nagsasalita. "Ah, ano kasi... K-kaylangan ko nang umuwi. Baka pwedeng padaan--" Kusang naputol ang sasabihin niya nang itapon ni Dan ang sigarilyong kanina lang ay nasa bibig nito saka inapak-apakan. "Maniningil na ako," anito kaya nangilabot siya at muling nadako ang paningin sa yosi na ngayon ay durog na. Goodbye-world-already na ba ang tema niya?            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD