bc

The Cursed Bad Boy (SPG)

book_age18+
3.1K
FOLLOW
16.4K
READ
age gap
badboy
comedy
sweet
bxg
humorous
enimies to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sinunod lang naman ni Tempest Magalona ang payo ng kaibigan na makipag-chat sa mga online dating sites dahil sa paulit-ulit na tanong ng kanyang magulang kung kaylan siya mag-aasawa.

One of her chatmate asked kung anong klaseng halik ba ang alam niya. Nakakahiya man aminin ngunit sa edad niyang trenta--bukod sa smack-wala na s'yang ibang alam. Kaya nag-browse siya sa Youtube ng isasagot dito. Nang hindi sinasadya, something caught her attention.

ASMR Boyfriend sweet talk. She instantly clicked the title of the video at sinakop ng black screen ang telepono at agad na pumalinlang ang nakakakilabot-yet in a sexy way na boses- sa earphone niya. Hindi niya maipaliwanang pero nakadama siya ng kakaiba. His husky voice and his sweet messages gave a tingling sensation on her body that made her hot all over.

Kinaadikan niya na ang makinig dito at limot na ang makipag-chat. Baliw na rin siya at nag-iwan ng email add sa comment section-kahit imposibleng mapansin iyon ng may-ari ng account ng pinapakinggan niya.

Until one day, she got a message from someone-saying na ito ang nagmamay-ari ng boses sa likod ng madalas niyang pinapakinggan ASMR. And she didn't think twice na makipag-meet dito-only to find out that, it was just a scam-dahil ang bumungad sa meeting place nila ng ASMR boyfriend niya ay walang iba kundi...

Ang barumbadong Filipino-American-na sigang tambay sa kanilang barangay na si Danger Fischer.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1—Warning
"KAMUSTA naman ang mga nakaka-chat mo? May natitipuhan ka na?"      Ipiniga ni Tempest ang damit na sinasampay bago nilingon ang kaibigang si Chona na abala din sa kanyang telepono na malamang ay ka-chat ang boyfriend na nakilala din sa mga dating sites. Kung saan, nagsisimula na din siyang makipag-chat dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang na mag-asawa na siya.      Eh anong magagawa niya? Walang nakakapasang mga manliligaw sa standards niya!      "Itinigil ko kagabi. Ang babastos! Puro dibdib ko agad ang gustong makita. Mga walanghiya!" ngiwi niya.      May mga chances pa nga na bubungad sa kanya ay lalakeng nagsasarili. Eww lang ha!      Tumawa si Chona. "Anu ka ba, friend! May mga ganyan talaga. Sanayan lang. Saka malay mo naman, d'yan mo na talaga mahahanap ang type mo. Ang daming gwapo kayo doon. Tyagaan lang."      Hindi niya mapigilang umirap. Ano pa nga ba? Eh no choice na siya. Alangan naman ay patulan niya si Makmak. Hindi niya rin 'yon type. "Ay anu ba 'yan!" reklamo niya dahil kung kaylan kumot na lang ang sasampayin, saka pa nabasa ang puting T-shirt niya. Bakat na bakat tuloy ang kulay pula niyang bra. "Sino na nga iyon manliligaw mo na walang ipin sa unahan? Bakit hindi na lang 'yon ang asawahin mo? Mukhang matino naman ah." Sinamaan niya ng tingin si Chona. Hindi niya alam kung nagpapatawa ba ito o ano. Alam naman nitong hindi niya nga type si Makmak. Paulit-ulit na lang. "Tempest, tapos ka na ba r'yan?" Dumungaw ang nanay niya sa pinto ng kusina. Napalingon siya dito. "Kumot na lang ho, Nay. Bakit po?" "Pumunta ka muna sa labas at mamili ng toyo at suka. Paubos na pala itong nandito sa bahay. 'Di man lang nagsabi ang tatay mo." Tumango siya. "Sunod na ho ako, Nay." "Pakidalian para maluto ko na itong paborito mong adobo." Nang pumasok sa loob ang kanyang nanay ay binalingan naman niya si Chona. "Hindi ko nga type iyong si Makmak. Di kami bagay ano!" Itinirik niya ang mata bago isinampay ang huling kumot na nilabhan niya. Araw ngayon ng sabado at imbis na magpahinga galing trabaho, naglaba na lang siya ng mga hinubaran. Hindi naman pwedeng ang nanay niya pa ang maglaba samantalang ang tanda na nito. "No choice ka, Friend. Kaylangan mong pagtyagaan ang makipag-chat. Don't worry, irereto kita sa kaibigan o kapatid nitong boyfriend ko. Baka meron pang gwapo na papasa sa standards mo," pilyang ani Chona at tinaas baba pa ang kanyang magkabilang kilay. "Bahala ka. Labas muna ako. Sundin ko muna utos ni Nanay." *** PALABAS pa lamang si Tempest mula sa eskinita galing sa bahay nila ay naririnig na niya ang maingay na sigawawan sa unahan. Malamang ay may nagkakagulo na naman. Baka may snatcher na nahuli at binugbog. Sanay naman na si Tempest na itong lugar nila ay madami ang halang ang sikmura. Mabuti na lang at hindi siya ginagalaw ng bastos na lalake sa unahan kapag nadaan siya. Takot siguro sa mga nanlilisik niyang mata. "Isa nga pong toyo saka suka, Aling Amy." "Uy Temprest, ikaw pala iyan. Mabuti at lumabas ka. Iyong manliligaw mo kasi na si Makmak ang lakas ng loob--" Napangiwi siya. Isa pa iyan sa pinoproblema niya--ang lantarang panliligaw ni Makmak kaya ang daming nakakaalam sa lugar na ito at tinutukso silang dalawa. "--makipagsuntukan doon kay Dan, eh sa laki ng katawan nun, panibagong wala siyang laban." Nanlaki ang mata niya dahil sa narinig. Hindi na siya nag-abala pang patapusin ito sa sasabihin at pinuntahan ang nangyayaring kaguluhan. Lintek naman oh! Kahit naman wala siyang gusto kay Makmak, concern pa rin naman siya dito dahil sa utang na loob niya. Noong nagkasakit kasi noong nakaraang buwan ang nanay niya ay pinahiram siya nito ng pera na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababayaran. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na si Makmak ay may kaya rin sa buhay. Iyong malaking sari-sari store sa kabilang kanto ay sila ang nagmamay-ari. Kaya nga sa tuwing gipit sila, ay, doon ang takbuhan nila para umutang. "Pupusta ako kay Dan! Tangna! Anu namang laban n'yan ni Makmak? Eh masyadong patpatin?" Dinig niyang sambit ng isang lalake. "Tabi-tabi!" Hinawi niya ang mga humihiyaw at pumupusta para lamang datnan ang dalawang taong nagsusuntukan. Bumungad sa mata ni Tempest ang mabato-batong katawan ni Dan. Kumikinang din ang tan na kulay nito kapag nasisinagan ng araw lalo na ngayon at wala itong suot pantaas. "Ang hot ni Dan. Sa kanya ako pusta!" Sinamaan niya ng tingin ang babae. Baliw ba ito? Heto't nagiging bayolente na ang Dan na 'yan, pinagnanasaan niya pa. "Itigil niyo 'yan!" sigaw niya pero wala man lang nakarinig. Awang-awa na siya sa itsura ni Makmak. Nakahandusay na ito sa lupa habang walang sawang pinagsusuntok ni Dan. Ayaw niyo ha! Bulong niya sa sarili bago hinubad ang suot na bakya sa kanang paa. Naglakad siya at naghanap ng tamang anggulo at nang makahanap, binato niya iyon at saktong sa noo ni Dan tumama. Biglang natigil ang hiyawan. Ang lahat ng mata ay sinundan kung saan nanggaling ang bakya. "Patay ka, Miss. Anong ginawa mo?" bulong ng katabi niya. Siya naman ay biglang inatake ng kaba lalo na nang unti-unting binitiwan ni Dan ang collar ng damit ni Makmak at tumingala sa kanya. Nakaigting ang panga nito at madilim ang matang pinukol sa kanya. "S-sinabi na kasing tigil eh!" utal niyang saad lalo na nang unti-unting tumayo si Dan at naglakad papalapit sa kanya. Napalunok siya ng tatlong beses bago iniatras ang mga paa. Heto na nga ba ang pinakaayawan niyang mangyari. Sa lahat ng residente ng baranggay nila, itong si Danger ang iniiwasan niyang makasalamuha. Pangalan pa lang ay mapanganib na. At bukod sa pagiging basagulero, ito rin ang pinaka-siga dito. Lider ng mga ugok na gangster wanna be na mga tambay sa kanto. Kung tutuusin ay bagong salta pa lamang itong si Dan dito sa barangay. Pero dahil sa pisikal na anyo at galing nitong makipag basag-ulo, tinitingala na siya dito. "You have a guts doing that on me huh!" madiing anito. Ang itim nitong mata ay mas lalong naging blangko nang makalapit sa kanya. Muli siyang napalunok. Bibihira na nga lang niya itong marinig magsalita ng may accent, iyon pang nanganganib siya. Pinanlisikan niya ito upang hindi mahalata ang pangangatal ng labi niya. Natatakot siya dahil alam niyang napatol ito sa babae. Minsan na itong may sinapak na babae dahil lamang sa ninakawan siya ng halik sa pisngi. Iyon nga halik lang, anu pa kaya iyong bakya na tumama sa noo ni Dan na ngayon ay bumubukol na. Wala sa sariling inangat ni Tempest ang kanang kamay at hinaplos ang bukol nito. Natauhan lamang siya sa ginawa nang hulihin ng huli ang kamay niya at hinila siya papalapit dito dahilan upang sumubsob siya sa matigas na dibdib nito. Kasabay ng pagsinghap niya ay ang pagsinghap din ng mga babaeng nanunuod. "Ano ba! Bitaw!" Bigla niya itong tinulak. Nakawala naman siya dito, marahil ay hindi inaasahan ang gagawin niya. Nilampasan niya ito at agad niyang dinaluhan si Makmak na ngayon ay nakapikit na ang isang mata at putok na ang nguso. "Oh my God, Makmak! Ano ba 'yan. Buti hindi ka natanggalan ng ipin. Kundi wala nang matitira sa 'yo." Yumuko siya at pinunasan ng dalang panyo ang mga dugo sa mukha nito. "Kaya mo bang--" Hindi niya natuloy ang sasabibin nang biglang may humawak sa collar ng damit niya at hinigit siya patayo. Nanlaki ang mata niya. "We're not done yet! Don't you fvcking turn your back on me while I'm talking to you!" Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya si Danger. Napapikit siya nang unti-unti nitong itaas ang kanang kamay--handa na siyang sampalin. Lord! Ikaw na po ang bahala kila Nanay at Tatay. Hinintay ni Tempest na dumapo ang kamay ni Dan sa pisngi niya, ngunit ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa rin siyang nararamdaman. Hanggang sa unti-unti niyang idinilat ang kanang mata at sinilip ito. Dahil sa matangkad ito at umabot lamang siya hanggang balikat nito, ang bumungad sa kanya ay ang leeg nito. Nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang pag-alon ng adams apple nito. Idinilat niya din ang kaliwang mata upang malaman kung anong dahilan ng sunod-sunod na paglunok nito nang maabutan niyang nakadako ang mata nito sa dibdib niya. Napasinghap siya dahilan upang bumalik ang tingin nito sa kanya at nagtama ang kanilang mata. Nakita niya ang bahagyang pagkagulat nito pero ilang segundo lang ay muli na naman ang pagdilim ng mata nito. "B-bitaw!" Sinubukan niyang bawiin ang kanang kamay nang tangkain niyang sampalin ito dahil sa paninitig sa dibdib niya. Mabibigat ang paghinga ni Dan hanggang sa muli nitong sulyapan ang diddib niya. Gusto na niyang mapaluha. Binabastos siya ng lalakeng ito at walang siyang magawa. Kaya hindi na niya napigilan ang sarili at sinampal ito gamit ang kaliwa niyang kamay. "Ang manyak mo! Gago ka!" sigaw niya at binawi ang kanang kamay. Agad namang napabitaw si Dan at hinaplos ang pisngi nitong sinapak niya. Tumagilid ang mukha nito sa kaliwa dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Imbis na magpadala sa takot dahil sa mga reaksyon ng nakakakita, hindi na iyon mahalaga. Hindi niya na rin inintindi si Makmak at agad na inihakbang ang paa paalis sa kumpulan ng mga tao. Ang mahalaga ngayon ay ang sarili niya. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo nang may humigit na naman sa kanang kamay niya at pinihit paharap dito. "Anu ba, Dan--" nabitin sa ere ang dapat na sasabihin niya nang sunggaban na lamang siya nito ng halik sa labi. Naramdaman pa niya ang pagkagat nito sa pang-ibabang labi niya na siyang tuluyang nagpalaki ng mata niya. Nagsinghapan ang mga nakakita at napuno ng bulungbulungan. At nang tingnan niya si Dan, dilat lang ang mata nitong nakatingin sa kanya na halos ikaduling na niya. Pilit niya itong tinutulak sa dibdib ngunit hinawakan lang nito ang dalawa niyang kamay gamit lamang ng isang kamay. Hanggang sa bumitaw ito at inilipat ang labi sa puno ng kanyang teynga. "It's wrong accusing me of being pervert when in fact I didn't touch you," may accent ang nanunuyang anito. "Ulol! Totoong manyak ka! Bakit mo tinitingnan ang dibdib ko kung ganun?!" Nawala na ang takot niya. Matapos nang ginawa nito sa kanya, matatakot pa ba siya. Hindi porque gwapo ang barumbadong ito ay hindi na siya magre-react sa pambabastos nito. Hindi uso sa kanya ang discrimination. Na kung gwapo ang nambastos, okay lang. Pero kapag panget, ang mga babae-todo react! Kung hindi pala pangma-manyak ang ginawa nitong paninitig sa dibdib niya--aba, di wala nang hustisya para sa mga babaeng nababastos. Muling dumilim ang mata nito at mas inihapit pa siya papalapit. Magkadikit na magkadikit silang dalawa na halos ramdam niya na ang tigas ng mga bato nito sa katawan. "Be careful on what you're saying, Lady." Napalunok siya dahil sa banta nito sa boses. Muli niyang sinubukang kumawala kay Dan dahil sa kabang nararamdaman nang mas ihapit pa siya nito. "Just make sure that our path won't cross again. Coz--" Ibinitin nito ang sasabihin at dinilaan ang puno ng kanyang teynga. Nangilabot siya. Ang bastos talaga nito! Sarap putulan ng dila! "--I might show you what the real definiton of pervert is," he said in a warning tone that made her gasped for air.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Be Mine Again

read
99.0K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.6K
bc

NINONG II

read
619.1K
bc

The Professor's Wife

read
449.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.0K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.6K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook