bc

Nang Ang Pag-ibig Ang Bumasag Sa Akin

book_age16+
98
FOLLOW
1K
READ
sensitive
brave
confident
inspirational
drama
bxb
office/work place
rejected
mxm
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Gusto ko lang namang maranasan ang sayang dulot kung paano magmamahal, ngunit tila napakahirap nitong makamtan.

Paano kung ang matagal ko ng hinihintay at hinihiling na maramdaman ang siya pang magdudulot ng ibayong sakit at lungkot sa akin.

Matatawag ko pa kaya itong pag-ibig kung ito rin naman pala ang babasag sa akin?

chap-preview
Free preview
Nang ang Pag-ibig Ang Bumasag Sa Akin
Nang ang Pag-ibig ang Bumasag sa Akin Sulat ni: beg_inner Isa ka rin ba sa mga katulad ko na nagtatanong kung kailan darating ang pag-ibig sa buhay niya? Ang maranasan din katulad ng iba ang umibig at masuklian din ang pagmamahal na handa mong ialay para sa taong di mo naman alam kung sino at kailan ba magpapakilala sa buhay mo. Oo, naiinggit ko. Naiinggit ako sa mga taong kapiling na ang mga kahati ng kanilang mga puso. Naiinggit ako na bakit sila ay masaya na at kasama na ang kanilang minamahal habang ako heto nag-iisang nakatanaw sa mga nagkikinangan nilang mga ngiti at masasayang mga mukha. Alam kong mali ang mainggit pero di ko naman mapigilan ang sarili ko lalo na at napapaligiran ako ng mga taong dama na ang kasiyahan at kasalukuyang nabubuhay sa pag-ibig. Am I that unattractive? Siguro nga. Sino ba naman ang magugustuhan ang isang tulad ko diba? Di naman gwapo, puno ng tigyawat ang mukha at hindi rin borta ang katawan tulad ng iba. I know I'm being too harsh on myself pero di ako makahanap ng ibang rason na magjujustify why am I not like them. Baka naman alam ko talaga ang rason at mahirap lang para sa sarili ko na tanggapin kung bakit ako mag-isa ngayon. Never pa akong nagkaroon ng relationship sa buong buhay ko. I'm already 21 years old for f*ck sake! Someone would say na bata ka pa at mahahanap mo rin sa "tamang panahon" ang magpapatibok at magmamahal ng tunay sayo. Pero kailan nga ba ang tamang panahon na sinasabi nila? Kailan nga ba? No one knows when is the right time or malay ko ba kung darating sa akin ang sinasabi nilang tamang panahon. Gusto ko lang naman maranasang magmahal at mahalin din pero bakit ang hirap... ang ilap ng pag-ibig na dumating sa akin. Will I just grow old alone? F*ck! I sound so pathetic... and so desperate to fall in love right now. ----- I am Rey Villamor, a 21 year old Accountancy student. Halos lahat ay sinasabing ako ay mabait, humble, hard worker, masipag at matalino. Isa ngang patunay nito ang pagiging consistent ko na pagiging Dean's at President's Lister ngayong College at ang pag-graduate ko rin noong high school bilang Valedictorian. Most of my teachers and professors see me as someone shy, not really that sociable but a silent worker when it comes to my studies. I am one of those students na di ganoon kakilala sa school pero malalaman mo nalang na one of the bright students of the University. Sa totoo lang ay never kong naisip na matalino ako tulad ng sabi nila. I would rather say na masipag ako not matalino. Palagi kong nararamdaman na ang dami daming taong mas matalino pa sa akin and I am not on par with them. Ang dami dami ko pang dapat matutunan at inggit na inggit ako sa mga taong ang galing galing when it comes to becoming street smart. I want that too... Gusto ko ring gumaling sa pakikihalubilo sa mga tao at magkaroon din ng kumpyansang katulad ng sa iba. Pero wala, lagi pa rin akong kinakain ng kaba ko sa aking dibdib. Kahit na ilang magagandang salita pa ang sabihin nila sa akin ay di pa rin mawala sa sarili ko na maisip bakit ni isa sa kanila ay magustuhan ako? Oh, right I'm gay. Alam kong lahat ay may suspetsa na sa sarili kong kasarian. I just want to scream and shout at the people who made me like this!!!!! Gusto kong magalit at sigawan ang mga taong nagpush sa akin para maging ganito. Did I wanted to be like this?! Ang sakit sakit kasi hindi ko magawa ito at ang alam ko lang na gawin ay ang kimkimin ang galit ko sa kanila. When I was a child I didn't know what is being gay like. Siguro ay may pagkamalamya lang akong kumilos pero I know I am not gay at that time pero kasi dahil sa mga p*tang in*ng!mga taong nakapaligid sa akin na sinasabihan akong bakla yan!... mahilig sumayaw at idol ang sexbomb, bakla yan!... laging nakadikit sa lola niya, bakla yan!... Iyakin at duwag, bakla yan!... Napagod na ako... Napagod na akong ipagtanggol ang sarili ko at itangging hindi ako bakla sa kanila. And it didn't help na pati ang sarili kong pamilya ay nagdagdag pa sa dinadala ko... One day sinama ako ng tatay ko at ang ikalawa kong kapatid sa work niya. Isa siyang driver at minsan ay karpintero. Nang makarating kami sa work niya ay di ko malilimutan ang mga salitang sumaksak sa puso ko at damdamin ko na parang isang punyal... "Huwag na siya, lampa yan!" Ewan ko pero parang biglang ginusto kong umuwi na sa amin at umiyak na lang. Sabihan ka ba naman ng ganon ng sarili mong ama sa mga sarili niyang katrabaho. Ewan ko kung alam niyang narinig ko ang sinabi niya sa akin pero bilang isang bata na anim na taong gulang ay sobrang tumatak ito sa akin. Imbis na mahiya siya ay ang kanyang mga katrabaho pa niya ang nahiya sa sinabi niya tungkol sa akin na sarili niyang anak. Ever since that day, minsan ay bago ako matulog at tulog na ang lahat ay iniisip ko na sana di nalang ako ipinanganak, na sana ay namatay na lang ako. Iiyakan kaya nila ako? Yan ang palaging nasa isipan ko noong bata pa ako. Masisisi mo ba ako kung magalit ako sa mga taong nasa paligid ko? Sasabihan akong bakit ka naging bakla eh unang una ay isang malaking parte kung bakit ako ganito ngayon ay dahil sa kanila? Ayos din kayo... Noong bata ako ay sinasabihan niyo akong bakla pero ngayong naging bakla na ako ay tatanungin niyo ako bakit ako naging ganito? ----- Simula noon ay mas nagfocus ako sa aking pag-aaral. Doon ko nalang ibinuhos ang emosyon ko. Pero hindi pa rin sila natatapos... Alam kong tanggap naman ako ng nanay ko pero di nakatulong sa akin ang ilang mga bagay na nasabi niya sa akin. Dahil nga panganay ako ay ang daming expectations sa akin at ako rin ang nabugbog sa mga pangaral ng mga magulang ko. Nariyan ang paulit ulit nilang sinasabi sa akin na noong bata kami sa ganyang edad ay marunong na kaming magsaing, maghugas ng plato, magluto at iba iba pa. At nung nagkamali lang ako ng kaunti sa mga utos nila ay nariyan na naman sila... Hanggang utak at pang-academics ka lang yata! Masakit... Masakit na sabihan ka ng magulang mo ng ganito. I know never nilang naisip na may ganito akong kinikimkim na pagtatampo sa kanila. Bakit ba ako napunta sa kwentong ito... Hahaha. I should be writing about how desperate I am at falling inlove pero dito napunta. Sorry kung madrama. ----- There was a time na sobrang naawa ako sa sarili ko dahil even isang kaibigan na dapat kong masabihan nito ay wala akong masabihan... I have friends... but not those friends na masasabihan mo ng ganito. Siguro dahil rin sa akin kung wala akong ganon kasi naman ay I'm not like them that like parties, always going out ang hanging out sa labas. Isa pa ay di rin naman ako mapera para makasama lagi sa kanila. Mabait naman ang mga friends ko pero kasi siguro magaling lang akong magsuot ng aking maskara para itago ang tunay kong nararamdaman. Isang hapon yon at tapos na ang class namin for that day. I was happy that time pero parang bigla nalang akong nadown ng sobra ng hapon na iyon dahil ang mga kaibigan ko ay may kanya kanyang mga lakad. Ang dalawa ay magjowa, samantalang and dalawa naman ay masayang nagkuwentuhan sa mga taong may gusto sa kanila. Bakit ako wala? So umuwi akong mabigat ang dibdib at dala dala ang maraming katanungan tungkol sa aking sarili. Sana ako rin... ----- It's the time of my college year na para sa internship namin and luckily me and my two other friends ay nakuha sa isang maliit lang na accounting office. We will be working as interns for five to six months. Kinakabahan ako kasi ibang tao na naman ang kailangan kong makipagpalagayan ng loob. Napakaswerte ko pa dahil under ako nung head ng accounting office at sinasabi nilang masungit at talagang may pagkamataray ito when it comes to work. Mas lalo lang akong kinabahan dahil dito... Pero mabuti nalang ay di siya katulad ng mga sinasabi nila. I actually learned a lot from her... From the different tax forms na kailangan isubmit sa bir at sa pagbabayad ng mga ito. Maliit lang talaga ang office at lima nga lang ang empleyado nito. Madalas pa ay wala yung isa dahil liaison siya ng office na kung saan ay mag-iisang buwan na ata ay di ko pa nakikita at nakikilala. But that day came... We we're already in the office, working at our table when suddenly he came. Hindi siya yung kagwapuhang lalake pero makinis naman ang balat... Actually ay mas matangkad pa nga ako sa kanya dahil 5'10 or 5'11 na ata ang height ko at siya naman ay halos sa balikat ko lang siya. Sa pagkakatanda ko ay nasa mga mid 30's na siguro ang edad niya at nasabi ko nalang sa sarili ko na may asawa at mga anak na rin siguro ito katulad ng iba pa niyang mga co-workers... Pero hindi... single pa siya. At first ay di naman ako attracted sa kanya pero sa katagalan ay parang namamagnet ako... Hindi alam ng mga kasama ko ito at paminsan minsan pa nga, I mean "madalas" na sinusulyapan ko siya sa kanyang table. We haven't had so much interaction in the office dahil ibang estudyante rin sa ibang school ang handle niya kaya hanggang titig lang ako. Slowly ay di ko namalayan na tumitibok na pala ang puso ko sa tuwing tinitingnan ko siya. Iba rin ang sabik ko na makita siya dahil madalas ay wala nga siya sa office at naglalakad ng mga dokumento ng aming mga clients. Hindi ko rin naisip na sobrang laki ng agwat ng edad namin. Naisip ko pa nga na kapag kaya nagconfess ako sa kanya ay tatanggpin niya ako? Single naman siya katulad ko pero,... straight siya. You can definitely tell at first glance. Mas lalo akong nahulog sa kanya sa paglipas ng mga araw. Nariyan ang naiisip ko na nga na may relasyon na kami at masayang magkasama sa buhay. "Rey!" Ang tawag sa aking pangalan na nagpagising sa akin sa malalim kong pag-iilusyon. Kinabahan ako... Pinagpawisan at di ko alam ang dapat kong ikilos. Si Sir John lang naman kasi ang tumawag sa pangalan ko. Kilig na kilig din ako noong oras na yon dahil first interaction namin ito sa matagal ko ng pagiging intern sa office nila. "Bayaran mo nga sa bangko ang mga ito." Ang utos niya sa akin at bigay ng mga tax returns na kailangan kong bayaran. Nakatingin lamang ako sa kanyang mukha habang abalang abala siya sa pag-aayos ng mga documents hanggang sa natapos na siya at kailangan ko ng umayos ng sarili. That simple interaction with him really made my day. Kahit sa pag-uwi ko habang nakasakay sa jeep ay di mawala ang ngiti ko. Muntikan na nga akong mahuli ng mga kasakay ko na nakangiti pero mabuti nalang at nakayanan kong kontrolin ang sarili ko. Baka mapagkamalan pa nila akong nababaliw. Is this love? Ito na ba yon? Ito na ba ang matagal ko ng hinhiling? I became so excited na baka ito na nga iyong sinasabi nilang tamang panahon. Halos gusto kong magsisigaw dahil finally!!! Mukhang mararanasan ko na rin ang mainlove. Dahil dito ay mas naging excited pa akong pumasok sa work. Kahit na maaga ay kinakaya ko. Halos nakangiti rin ako palagi kapag ginagawa ko ang trabaho ko. Suddenly nagkaroon din ako ng courage sa sarili ko. Secretly akong nag-iiwan ng tinapay, burger o kaya naman ay candies sa mesa niya. And ang saya ko lang kapag nakikita kong kinakain niya ang mga ito kahit na ang alam niya ay normal lang na nangyayari yon sa office namin. May stock kasi sila ng mga foods dito sa office and iniiwan na namin sa mesa nila ang meryenda nila for that day. The picture of him eating the foods na binili ko ay nagpasaya sa akin sa araw araw. I am satisfied at first pero I don't know where I get the courage na mag-iwan din ng maiiksing mga notes para sa kanya. At para di niya malaman kung sino ang nag-iwan nito sa kanya ay imbis na handwritten ang iwan kong mga notes ay naggugupit ako every night ng mga letters sa magazine na siyang dinidikit ko dito para mabuo ang mensahe ko sa kanya na iiwan ko sa susunod na araw kasama ng mga foods na bigay ko rin. Napabuntong hininga ako ng successfully kong maiwan na ang first note ko para sa kanya. It's just a simple good morning and have a nice day note. I am so early that time at kasunod lang ako ng superior ko... Pinaglilinis muna kasi kami ng office at ako ang nakatoka that day kaya mas maaga ako kaysa sa iba. Isa isa ng nagdatingan ang mga kasama namin sa work at dumating na rin si Sir John. Kinakabahan ako at nagkunwari nalang akong nagtatype sa computer ko pero pasulyap sulyap rin akong tumitingin sa kanya. Nakita kong ibinaba na niya ang dala dala niyang bag at binuksan niya na rin ang computer niya. While waiting for his computer to open ay napansin na niya ang nakaiwang note sa mesa niya katabi ng mga foods na iniiwan ko rin tuwing narito siya sa office at kailangang pumasok. Nakita kong binuksan niya ito at binasa at pagkatapos ay takang tumingin sa amin isa isa. Ako, ang superior ko at ang isa pang employee dito na na lalaki rin at may asawa lang na nandito sa building ang naririto palang sa office. Nataranta ako at di ko malaman ang gagawin ko dahil ang bobo bobo ko kasi naman ay di ko naisip na baka ipagtanong niya kung sino ang nag-iwan nito sa desk niya. Ang bobo mo Rey! Ibig sabihin ay malalaman na niya kaagad na ako ang may pakana nito. But to my surprise ay di nangyari na ipinagtanong niya ito sa iba. Pero napansin ko kaagad ang pagbabago sa kanya that day. Alam kong alam na niya na ako ang nag-iwan ng note na yon para sa kanya. I can feel his stares na sumusunod sa akin at parang pinapanood ang bawat kilos ko. What made me more nervous ay di niya ako kinausap kahit na alam na niya. That day ended na iniwan akong nag-iisip na naman ng mga bagay bagay. Ano, ititigil ko na ba ito? Sigurado namang di niya ako magugustuhan... Pero di naman siya nagalit... Itry ko pa kayang mag-iwan ng note bukas? Ay huwag na nga lang! Pero... Last nalang... Kapag kinausap na niya ako na itigil ang ginagawa ay tsaka nalang ako susuko... Oo tama! Ganon nga! ------ Ginawa ko nga ang mga naisip ko. Pinagpatuloy ko ang pag-iiwan ko ng mga notes sa kanya. Patuloy pa rin siyang parang di naaapektuhan sa mga efforts ko para sa kanya. Kaya naman sa paglipas ng mga araw ay mas ipinaramdam ko sa kanya ang pagkagusto ko sa kanya sa mga notes ko. Ang mga una'y maiikli lang na mga mensahe ay parang naging liham na. Liham na nagsasaad kung paano ako nahulog sa kanya at mga bagay na wala naman talagang kinalaman sa kanya ay kinwento ko. Sa kanya ko ibinuhos ang mga bagay na di ko masabi sabi sa iba. Nariyan ang mga achievements ko, failure, sakit at mga drama sa buhay. It became my way para makilala niya rin ako sa aking mga liham na kahit minsan ay di niya sinagot ang mga ito o kaya naman ay kinausap ako. I became contented with that... Hindi niya man inaaccept ang love ko sa kanya ay di rin naman niya ako nireject. Maybe ay inlove na nga ako... ----- Sinubukan kong kausapin siya ng harapan tungkol sa nararamdaman ko sa kanya pero I cant find myself doing it. Sa tuwing magtatangka akong kausapin siya ay nilalamon na naman ako ng aking kaba. One day, there is this client na bumisita sa office and she brought her daughter... Friends din ata siya ng mga superior namin dito sa work at pati si Sir John base sa kanilang pakikipag-usap. Para naman akong kinurot sa aking puso ng makita ko siya kung paano ngumiti habang nakikipag-usap dito. Bakit sa iba ay kaya niyang makipag-usap ng ganito eh sa akin ay never niya pa akong kinausap maliban lamang sa kanyang mga utos. He's so happy and todo ngiti siya lalo na ng makipaglaro siya sa anak nito. That time made me realize something na never kong naconsider... Lalaki siya at kung sakaling may kakaunting pagkakataon man na maging kami ay gugustuhin niyang magkaanak na never kong maibibigay sa kanya... That thought made me so depressed even though I know I am way getting ahead of our situation. Nawala ako sa mood and di pa nakatulong na ang dami kong kailangang gawin dahil wala ang superior ko na may hawak sa akin at nag-iwan lang siya ng gagawin ko. Magfifive na ng hapon pero di pa rin ako tapos at lima nalang kami sa office kasama ang mga friends ko pero nasa labas sila dahil inutusan sila kaya naman tatlo lang kaming narito ngayon. Nainis pa ako dahil biglang bumagal ang internet connection at ang mga documents na kailangan kong isubmit ay ayaw masend. "Rey di pa ba tapos yang ginagawa mo?" Ang tanong ni Sir Marck sa akin. "Sir sinesend ko nalang po itong document tapos ay tapos na po ako. Hihintayin ko nalang po saglit." Ang sabi ko dito pero biglang nagpantig ang tenga ko nang marinig ko si Sir John na magsalita. "Pabibo ah pare. May bukas pa naman." Ang biglang sabi niya dito kay Sir Marck. Ewan ko kung ano ang mafifeel ko that time. I know na mahilig lang magjoke ang mga tao sa office namin pero first time ko siyang narinig na bumanat and it made me so angry lalo na at ang dami kong naisip kanina. I wanted to cry... I am so pathetic dahil lang sa remarks niyang iyon ay parang iiyak na naman ako. Feel ko ay bumalik ang mga memories ko noong bata ako na kung sino pa ang mga mahal ko sa buhay ay sila pa ang makakapagsabi ng mga masasakit na salita sa akin. In my bed that night, I became so emotional and just cried out to myself hanggang sa makatulog ako. For next few days ay di na ako nakapagiwan pa ng mga letters ko kay Sir John sa desk niya. I tried na magfocus na muna sa internship ko at studies ko dahil napapansin kong bumababa na ang mga results ng aking mga exams. I came back to what I am before... Put on my mask and just go with the flow. Hindi ako magsisinungaling na attracted at may gusto pa rin ako sa kanya. Napansin ko ring parang nagtaka siya kung bakit wala ng mga letters na naiiwan sa desk niya. At kahit ganoon ay katulad pa rin ng dati ay di niya pa rin akong nakuhang kausapin. Maybe he find me so funny sa mga pinaggagawa ko at pinagtatawanan na niya ako ngayon. Pero parang nabuhayan ako ng minsang parang napansin kong nagtangka siya na kausapin ako one afternoon. Nag-expect ako pero nabigo rin ako sa huli. Pero heto ako parang nabuhayan nga dahil parang nakakita ng unting pag-asa. After a week sinulatan ko na naman siya. That goes on pa ng ilang linggo hanggang sa dumating na ang Christmas season at ang pa-Christmas party ng office. Ito ang araw na sinabi ko sa sarili ko na aamin ako sa kanya. I actually prepared a gift for him. It's just a simple watch dahil alam kong time is so important to his work. I even cut on my allowance just to save and bought this for him. And the day started... Everybody is so happy and excited because Christmas is finally here! Ito na rin pala ang last day ng pasok namin sa work ngayong taon at sa susunod na taon na muli ang balik namin. Ang klase din namin sa university ay natapos na a few days ago pa at Christmas vacation na rin. There is the loud music playing, party games we interns prepared, some performances and of course delicious foods. Inenjoy ko lang din ang moment na ito even though I'm not into partying. Never pa nga ako pumunta sa mga pa-party ng university namin. We we're laughing and talking loud while the music is playing and suddenly our eyes met. I don't know kung ilang segundo o minuto na pala kaming nagtititigan. It's like we understand each other in that moment and kaming dalawa lang sa room. My heart started beating fast. But just like every good scene in a movie, it came to an end. Nagpatuloy ang Christmas party sa office and super saya ko dahil ang daming regalo at aguinaldo. We had our exchange gifts and talaga namang masaya ako sa nakuha ko. Time flew fast... maggagabi na pala and nasa bag ko pa rin ang regalo ko kay Sir John. Isa isa na kaming nagpaalam sa isat isa at wi-nish ang bawat isa ng maligayang pasko. Dahil iba naman ang direction ko pauwi sa mga kasama kong intern at same way lang naman kami ni Sir John, I decided to follow him into the parking lot and before he goes straight inside his car, "Sir John wait lang..." Huminga ako ng malalim dahil alam kong ito na yun. He didn't say anything nang humarap siya sa akin. I cannot also read his mind and his facial expression doesn't help at all. He just stood there and wait for me kung ano nga ba ang kailangan ko sa kanya. "I-i j-just wanted to give this to you!" Ang napalakas kong pagkakasabi dahil sa kaba ko. Nanginginig pa akong inilahad sa aking kamay ang hawak hawak kong maliit na box na naglalaman ng gift ko sa kanya. "A-alam ko pong alam niyo na... na... gusto ko kayo pero I-i just want to formally confess ny feelings to you! I like you Sir John!" Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib. Ang bigat ng dinadala ko ay biglang nawala nang umamin ako sa tunay kong nararamdaman sa kanya. And then the reality hits me... Dahil sa confession ko ay maririnig ko na rin sa kanya kung ano nga ba ang tingin niya sa akin. Hindi ako handa sa mga maaaring sumunod na mangyari... He just stare at my face... Parang tumatagos ang mga tingin niya sa akin pati sa aking kaluluwa. Ako ay nahiya at napatingin nalang sa aking mga paa. I've never felt this feeling before... Para akong sinasakal na ewan na di ko maipaliwanag. Parang gusto ko nalang umuwi sa amin at pumasok sa kwarto ko at ibalot ang sarili ko sa aking kumot. Nakuha ng mangalay ng aking kamay dahil sa di ko maramdaman na kinuha niya ang regalong handa ko para sa kanya. I slowly raised my head and I f*cking regret it! I f*cking regret it!!! Tatatak na ata sa buong buhay ko ang mga titig niya. Ang mga titig na katulad rin ng sa iba. Hindi ko na kinailangan pa ng anong salita mula sa kanya. I run... I run as if my life depends on it. Ngayon ko lang napansin na lumikha na pala ako ng eksena na naging dahilan naman para sa akin para mas bilisan pa ang pagtakbo ko para makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak habang ako ay tumatakbo papalayo sa lugar na kung saan naroon siya. Pinagtitinginan na ako sa loob ng jeep dahil humahangos ako sa aking pag-iyak. Matapos kong magbayad ay yumuko nalang ako at tinakpan ang aking dala dalang bag sa aking mukha at iniyak kong lahat. Iniyak kong lahat ang sakit... Ganito ba kapag nagmamahal? Bakit iba yata ito sa mga naiisip ko at nakikita sa mga kaibigan ko at sa ibang mga tao? Akala ko masaya lang... Akala ko ay magiging maayos lang ang lahat. Di ko inaasahan na ang pinakamatagal ko ng pinakahinihiling ang siyang magdudulot sa akin ng pinakamasakit na damdamin na mararanasan ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam... Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng buo sa aming bahay. Diretso ako kaagad sa aking kwarto at muling ibinuhos pa ang sakit. Tila hindi naman maubos ubos ang luha ko... I thought love is supposed to be a good and a wonderful thing but yet its the opposite of it that I'm feeling right now. I just want love... Gusto ko lang ng pagmamahal... Pero bakit, bakit ang pag-ibig pa ata ang babasag sa akin? Maybe it isn't love that I'm feeling after all... End.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.4K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook