bc

Dion&Lyree

book_age18+
10.5K
FOLLOW
121.8K
READ
one-night stand
self-improved
dare to love and hate
heir/heiress
drama
twisted
bxg
realistic earth
weak to strong
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Pinaglupitan ng tadhana at kapalaran. Maging ang mga taong nasa kanyang paligid at ang kinilala niyang kumupkop sa kanya nang makita siya sa may dalampasigan. Siya si Neptali, na nabangga naman ng bilyonaryong si Dion Agoncillio. Kinupkop din siya nito hanggang sa nauwi sa secret marriage dahil under process pa ang divorce nito kay Tylane. Subalitl nagising siya isang araw na itinatangging Neptali ang kanyang pangalan kundi Lyree Amor Mendoza. Paano kaya nangyari iyon? May puwang ba ang pag- ibig na kanilang nararamdaman ni Dion kung ang katotohanan ay magkapatid sila? Kaya pa ba nilang dugtungan ang kasalukuyang pagtitinginan o kanilang puputulin at tuluyan nang talikuran ang isa't-isa?

chap-preview
Free preview
C-1: Failed relationship
HALOS mag- igting ang panga ni Dion nang makitang lasing si Tylane na nagpunta sa kanyang kumpanya. Nagpaalam siyang mag- overtime siya ngayong gabi para naman makahinga siya kahit papaano. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya makahinga sa toxic nilang relasyong mag- asawa. Na kahit anong kagustuhan niyang makipaghiwalay dito ay hindi naman basta-basta dahil nga may mga susundin pa silang proseso bago tuluyang mawalan ng bisa ang kanilang kasal. "What are you doing here Tylane?" madiing tanong ni Dion. Malawak namang ngumiti si Tylane at halatang mapupungay na ang mga mata nito dahil sa kalasingan. "Why? Ofcourse I'm your Wife! At ang sa'yo ay akin, ang akin naman ay sa'yo. May masama ba, asawa ko?" medyo pasuray-suray na sabi nito at para na ngang ngongo si Tylane kung magsalita dahil sa kalasingan. "My God, Tylane! Can't you see? Nagtatrabaho ako and I need to finish all I have to do bago ako uuwi. Sana naghintay ka na lang sa bahay and doon mo ako tatalakan!" marahas na turan ni Dion na tila nauubusan na ito ng pasensiya. Natawa naman si Tylane nang bahagya, kapagkuwan ay mangiyak- ngiyak na itong nagsalita. "Hintayin? Hanggang kailan Dion? Lagi na lamang ba akong naghihintay ha?" Hindi nakasagot si Dion. "Wedding Anniversary natin ngayon, at hindi mo naaalala ofcourse! Kasi ako lang ang nakakaalala, and I've been waiting you the whole day! No, the whole year!" patuloy na sabi ni Tylane. Sinaklit naman ni Dion si Tylane at matamang tinitigan ang asawa. "Kasalanan ko ba ha? You asked for it, sabi mo tatanggapin mo anuman ang ipakita kong ugali sa'yo huwag lang tayong mag- divorce! Kaya huwag kang magreklamo kung wala akong maisusukli riyan sa mga ginagawa mo. You deserve that, Tylane and you know why is it?" Nagngangalaiting sabi nito. Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Tylane sa kanyang pisngi. "Kahit konting tingin lang Dion, masama ba 'yon? Kahit konting respeto lang naman as your Wife!" napiyok pang wika ni Tylane. "Nirerespeto kita kasi pinagbigyan ko ang kahilingan mo para hindi ka mapahiya sa mga nakakakilala sa'yo! Kung tutuusin, mabait pa nga ako sa'yo eh! Dahil kulang pa 'yang kabayaran sa mga nagawa mong kasalanan!" singhal ni Dion na tuluyan na ring uminit ang ulo nito. "Kanino? Kay Strawberry ha? Dahil hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso mo? Hindi mo matanggap na si Spencer ang nakadale at naging asawa nito? Bakit, ano bang meron siya na wala ako? Tell me!" sigaw ni Tylane. "Stop it! Huwag kang mag- eskandalo rito, utang na loob!" saway ni Dion. "Ano? Ayaw mong malaman nila na ang asawa ng kapatid mo ay pinapantasya mong maging asawa ha? Nahihiya ka ba sa kanilang sasabihin laban sa'yo? Na ang isnag bilyonaryong katulad mo ay umiibig sa may asawa na para bang nauubusan na ng babae sa ibabaw ng lupa?!" paghahamon ni Tylane. Akmang sasampalin sana ni Dion ang kanyang asawa subalit nakapagpigil ito. Kung kaya't nakabitin sa ere ang kamay ni Dion at namumula ang mukha nito sa galit. "Bakit hindi mo ituloy ha? Sasampalin mo ako? Sige! Sampalin mo ako!" Naikuyom na lamang ni Dion ang kamao nito at ibinaba ang kanyang kamay. Binalingan niya sina Artemio at Garry na lumapit sa kanilang dalawa. Agad namang lumapit ang dalawa sa kanilang amo. "Pakibalik siya sa bahay! Sabihin kina Chris at Deo, huwag papalabasin!" bilin nito na nagtatagis pa ang mga bagang. Tumango naman sina Artemio at Garry sabay hawak sa bisig ni Tylane. "Bitawan niyo ako! Namumuro na ang amo niyong praning!" pagpupumiglas ni Tylane. "Ma'am sumunod na lamang po kayo para wala na pong masasaktan!" sagot ni Garry. "At sino ka sa akala mo aber?" pagtataray ni Tylane. "Sige na, susunod ako pagkatapos!" sabad naman ni Dion at tumalikod na ito. Panay naman ang pagpupumiglas ni Tylane at pagmumura. Sumisigaw na rin ito na agad namang tinakpan ni Artemio ang bunganga ni Tylane. Humingi naman ng paumanhin si Dion sa kanyang mga empleyado at nag-ayos na rin ito upang makauwi na. Ibinilin na lamang niya sa kanyang sekretarya ang mga hindi pa niya natapos. Nawala na siya sa kanyang mood na mag- overtime. Hindi na rin lamang siya maka- concentrate kaya't mas minabuti na niyang umuwi na rin. Upang bigyan ng leksyon si Tylane na sumira sa kanilang usapan. Usapan nilang walang pakialamanan lalo na sa oras ng kanyang trabaho. Ang akala niyang peace of mind niya sa kanyang opisina ay na- spiol na naman ni Tylane. Talagang sawang- sawa na siya sa pag-uugaling mayroon ng kanyang asawa. Suko na talaga siya, wala nang dahilan pa upang magsama silang dalawa. "Palabasin niyo ako rito! Ako ang amo niyo, bakit niyo ako ikukulong sa sarili naming kwarto ni Dion!" Sigaw ni Tylane sabay kalampag sa pintuan. Subalit walang nagbubukas sa pinto at ni walang sumasagot sa kanya. Kung kaya't mas kinalampag pa niya ang pinto. "Dion! Walang hiya kang praning ka! Palabasin mo ako!" muling tungayaw nito. Nanghina rin si Tylane sa kakasigaw at kakalampag sa pinto. Napaupo na lamang ito sa sahig at napatalungko. Nang mahagip ng kanyang tingin ang mga gamit ni Dion ay pasuray- suray itong tumayo at naglakad. Ang mga sumunod na mga nangyari ay ang pagkahagis at pagkabasag ng mga iyon sa sahig. Nagsisisigaw si Tylane sabay hagis sa bawat mahawakan niyang gamit sa loob ng kwarto ni Dion. Hindi niya alintana kung magkano ang halaga ng mga iyon maging wala itong pakialam kung magkasugat- sugat man siya o hindi. "I hate you Strawberry! I hate youuuu!" Sigaw nito na nauwi sa iyak hanggang sa mapahagulhol na lamang ito sa may sulok. Tila basang sisiw na walang masilungan at iniwan basta sa gitna ng madilim na daan. Kahit nais niyang maghiganti kay Strawberry na ngayon ay masayang- masaya na sa piling ng lalaking una naging kanya. Kasama ang triplets nilang mga anak, ay hindi niya magawa- gawa. Dahil wala siyang sapat na kakampi, at kinakain siya ng insecurities sa buhay. Paulit-ulit nitong sinasabing life is unfair, dapat siya ang masaya! Dapat siya ang asawa ni Spencer at ang ina ng nga triplets. Kung kailan naman nagdesisyon siyang mahalin si Dion ay saka naman lumayo ang loob nito sa kanya. Ayaw naman niyang magpakamatay dahil takot siya. Maging ganoon man ang kanyang sitwasyon but she'll never thought about hurting herself. Galit din siya kay Venus, dahil ginamit lang siya nito. Idinawit pa siya sa pagdinig ng kaso nito na isinampa nina Strawberry at si Magdalene maging si Don Diego. Life sentence ang hatol maging si Magdalena na hindi naman niya gaanong kilala. Mabuti na lamang at nagmakaawa siya kina Strawberry maging kay Don Diego at humingi ito ng kapatawaran. Wala siyang choice that time kundi ang magmakaawa at ibaba ang sarili. Dahil alam niyang may tamang oras at panahon ang kanyang paghihiganti sa kanilang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook