C-3: Ang pagkabangga niya

1319 Words
Nagpunta si Dion sa Mansyon dahil gusto niyang takasan kahit sandali lamang ang sakit ng kanyang ulo dahil kay Tylane. Sakto namang dumating ang mag-asawang Strawberry at Spencer na masayang sinalubong ng kanilang triplets. Hindi maitago ni Dion anh inggit na kanyang nararamdaman dahil sa tila perpektong pagsasama ng dalawa. He wish that siya na lang sana ang nasa tabi ngayon ni Strawberry at ang ama ng triplets. Sa tingin niya ay mas lalong gumanda si Strawberry lalo pa't nakatapos na ito sa kanyang pag- aaral. But still, siya pa rin ang kilala niyang Strawberry na bumihag sa tahimik niyang puso. "Andito ka pala bro!" baling na sabi ni Spencer nang makita siya. "Yeah! Kanina pa ako rito kalaro ng triplets!" Sagot naman ni Dion. Pero ang totoo nauna lang siya ng ilang minuto pero kinalaro namqn niya ang triplets. Katunayan nga ay napakalapit sa kanya si Kashimira kumbaga, spoiled ang bata sa kanya. Dahil si Kashimira ang mini resemblance ni Strawberry kaya sa bata na lang niya ibinubuhos ang kanyang atensyon. Para naman hindi sila magkailangan ni Strawberry kung hayagan niyang ipakita ang kanyang pagmamahal dito. Nagkasalubong din ang kanilang mga mata ni Strawberry. Isang ngiti ang siyang iginawad ni Dion sa kanyang hipag at ganoon din si Strawberry. "Ahm...mauuna na pala ako kasi may dadaanan pa akong isang urgent meeting." Wika ni Dion pagkatapos nitong tumikhim. "Bakit tila nagmamadali ka yata anak? Ayaw mong magtagal dito sa Mansyon?" tanong naman ni Don Diego. Natawa naman si Dion sa sinabi ng kanilang ama. "Babawi ako next time, Dad!" Sagot nito. "Dalas- dalasan mo naman ang pagpunta rito Kuya! Palagi kang tinatanong ni Kashi," sabi naman ni Strawberry. Tiningnan ni Dion si Strawberry at natitigan niya nang matiim kahit panandalian lamang. Naroon pa rin ang kabog na nararamdaman ng kanyang puso sa tuwing kaharap niya ito noon. "Hayaan niyo, dadalasan ko na ang pagbisita para naman mas maka- bonding ko ang prinsesa ko!" sagot kapagkuwan ni Dion. Nagkasaliw ang kanilang tawanan at ang palakpakan ng mga triplets. Agad namang kinalong ni Dion si Kashimira at ginawaran niya ito ng isang mabining halik sa pisngi. Hagikgik naman ang munting anghel na nagpapasaya sa malungkot na puso ni Dion. Ibinaba niya rin ito kinalaunan nang nagsitakbuhan na sina Kashmir at Krishmar. Hinabol naman ni Strawberry ang dalawa kasunod si Kashimira. "Anyway, pupunta kami mamaya sa cliff kung saan nahulog si Lyree. One year death anniversary niya, sasama ka ba bro?" Untag na tanong ni Spencer kay Dion. "Hmmm..hindi na muna siguro bro! Bibisita na lang ako sa isang araw para alayan siya ng bulaklak at taimtim na dasal. May hinahabol talaga akong business meeting at hindi puwedeng makalagpas iyon." Paliwanag ni Dion. "Wow! Mas naging workaholic ka na ngayon ah! Well, hinay- hinay lang bro! Baka mamaya, kalusugan mo naman ang delikado niyan." Sabi ni Spencer. "Tama ang kapatid mo anak! Give yourself a break," sabad naman ni Don Diego. "Okay, I will don't worry!" Natatawang sagot ni Dion. Magkasabay namang tinapik nina Don Diego at Spencer ang balikat ni Dion. Hanggang sa tuluyan na ngang nagpaalam ito sa dalawa. Masaya namang tinanaw nang tingin ang mag- ama si Dion na papalayo hanggang sa nawala na ito sa kanilang mga paningin. Dumiretso nga si Dion sa kausap nitong isang investor tungkol sa itatayo nitong isang negosyo sa Siargao. Mas pamilyar kasi ang investor niya sa lugar ng Siargao kaysa sa kanya. Saka kampante naman si Dion sa kanyang kakausapin dahil matagal na rin silang magkakilala. Mas mabuti na iyong palagi siyang busy para makalimutan niya ang lahat-lahat nang kanyang mga dalahin sa buhay. Napasarap si Dion sa pag-uusap nila ng kanyang partner in business. Napainom pa nga sila ng konti dahil nga sa nag- enjoy sila sa pagkukuwento ng kung ano-anong kalokohan nila noong sila ay nag-aaral pa. Hanggang sa nagpasya silang maghiwalay na dahil nga papadilim na ang paligid. Masayang nagpaalaman ang dalawa at tinungo ang kanilang daang papauwi. Malapit- lapit na si Dion sa kanyang bahay ng biglang tumunog ang kanyang selpon. Si Spencer ang tumatawag kung kaya't agad niya iyong sinagot. Nagpapakuha ng kanyang kapatid ang isang lighter dahil nasa cliff daw silang mag- asawa. Kung saan nahulog si Lyree noon alam niyang palaging nagpupunta ang mag-asawa roon. Siya na hindi maaya- aya ang kanyang sarili na magpunta sa cliff. Pumayag siyang hatiran ang mag- asawa ng lighter kung kaya't umikot siya pabalik dahil malapit lang naman siya sa lugar na iyon. Nasa kalagitnaan na siya ng daan papunta sa cliff nang nahulog ang kanyang phone dahilan upang pulutin niya iyon. Nahirapan pa nga siya dahil nagsumiksik ang selpon sa pinakadulo ng harapan sa baba ng kanyang upuan. At walang ano- ano pa'y nakabangga ng isang tao si Dion. Agad itong nagpreno at kay lakas nang kabog ng kanyang dibdib. "Jeez! Oh my, what have I done?!" bulalas ni Dion kasabay ng pagbaba niya mula sa sasakyan. Nakita niyang isang babae ang nakahandusay sa sementadong daan. Agad niya iyong nilapitan at niyugyog subalit umungol lamang ang babae. Saktong muling tumawag si Spencer sa kanya na huwag na siyang tumuloy na ihatid ang lighter sa kanila. Dahil nagpabili na raw ang kanilang Daddy at labis na nagpasalamat si Dion nang palihim. Natataranta pa siyang tinawagan ang kanyang kumapareng Doctor kasabay nang pagbuhat niya sa babaeng may malaking pilat sa isang pisngi nito. Subalit maaaninag mo pa rin na maganda ito at makinis ang kutis dangan lamang at tila marungis ang damit na suot ng babae. Panay ang usal ni Dion na sana ay hindi niya napuruhan ang babae dahil uusigin siya ng kanyang konsensiya kapag nagkaganoon. Marami na nga siyang iniisip at iniiwasan ay dumagdag pa ang nangyaring pagkabangga niya sa babaeng ngayon ay nasa tabi na niya papuntang hospital. "What happened?" agad na tanong ni Harry kaibigang Doctor ni Dion sa Siargao. Nadala na ang babae sa emergency room upang agad itong malapatan nang lunas. "Hindi ko siya nakitang tumawid dahil sa phone kong nahulog. But I swear hindi mabilis ang takbo ko!" sagot ni Dion. "Okay, stay there! I will update you afterwards," turan naman ni Harry at pumasok na ito sa emergency room. Napatingala naman si Dion na napapikit nang maupo ito sa upuan. Naihilamos niya ang sariling mga palad sa kanyang mukha. Nanatili siyang nakapikit dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Naalala niya tuloy ang nainom niyang alak kanina at naisip niyang baka epekto nga ang kanyang nararamdaman. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ni Dion na bumukas ang pinto ng emergency room kung kaya't agad itong nagmulat. Si Harry ang lumabas kasama ang isang nurse na tila binibilinan nito ng isang instruction. "Kumusta ang babae, Harry?" atat na tanong ni Dion nang balingan siya ng kaibigan. "Okay na siya! Minor injury lang ang kanyang natamo, ililipat na siya sa ward." Sagot ni Harry. Nakahinga nang maluwag si Dion. "Nagkamalay na ba siya?" tanong na naman ni Dion. "Yes! Puwede mo na siyang kausapin kapag nailipat na siya. Nahimatay siya hindi dahil sa pagkabangga mo kundi dahil sa pagod at gutom." Saad ni Harry. "What?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Dion. "You heard it! I think, matagal na siyang naglalakad kasi may scar na rin sa may bandang paa niya. Hindi mo siguro napansin na sala siyang suot na slippers." pahayag ni Harry. Hindi nakasagot si Dion. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip tungkol sa babae. Naisip tuloy ni Dion na baka biktima ng isang pagmamalupit ang babae. Naikuyom ni Dion ang kanyang mga palad, hindi man niya alam ang tunay na nangyari sa babae subalit nakaramdam siya ng galit para sa mga taong may gawa no'n sa kanya. "Thanks, Harry!" wika na lamang ni Dion nang mahimasmasan ito. Tumango naman si Harry at may ibinilin din ito kay Dion para za gamot ng babae. Panay tango ang siyang isinasagot ni Dion kahit na naglalayag ang kanyang isipan sa kung saan mang dako ng daigdig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD