Mike Pov.
Nagulat ako ng malaman ko na Si Sir Dale ang kapatid ni Olivia. Well, ngayon nakikita ko ang hawig nila. Pareho rin silang matapang. Para Boy Version ni Olivia si Sir Dale.
Sinabi ko sa kanila ang plano namin kaya naghahanda kami ngayon. Mga b***l ang dala nila ay baseball bat sa akin.
"Siguro, ngayon ay nakalabas na sila nang School. Sa dami ng mga zombies sa labas ay siguradong nagtatago lang sila sa paligid." Ani ni Sir Dale.
"Una nating puntahan yung police station, base rin sa plano nila yun ang unang goal nila." Ani naman ni Sir Mark.
Tumingin silang tatlo sakin at inabo ang b***l.
"Marunong kabang gumamit nito?" Ani ni Sir Dale.
"Hindi po, Sir. Mas sanay akong gamitin to" ani ko at tinaan ang baseball bat.
"You don't need to call us 'Sir' anymore. Mukhang mawawalan naman kami ng trabaho dahil tumakas kami sa Base." Ani ni Sir Mark.
"Just call us 'Kuya', mas magiging Komportable kami kung yun ang itatawag mo samin" ani ni Sir- este Kuya Carl.
"Let's go, Boys." Hinigpitan ko ang hawak sa Baseball bat at huminga nang malalim.
Medjo naninibago pa ako dahil nasanay ako na sina Shelly ang kasama ko. Speaking of Shelly, Kamusta na kaya siya. Baka iniisip niya na may nangyari ngang masama sakin. I hope that she is Safe.
Tinanggal namin ang mga Harang at Binuksan ng dahan dahan ang pinto. Paglabas namin ay nakita ko agad si Alice na wala nang buhay sa sahig. Lumapit kami sa Hagdanan at Dahan dahang Bumaba. Asan na kaya si Adriana, Wala naba talaga siya?
Tinuro ko sa kanila kung saan ang Gym na may labasan. Pagdating namin ay sira na ang Gate at nagkalat ang mga Zombies sa loob. Tinutok agad nila ang mga b***l nila at pinagbabaril ang mga papalapit samin. Nasa harapan sina Kuya Dale at Mark habang kami naman ni Kuya Carl ang nagbabantay sa likod.
Binaril ni Kuya Dale ang mga Zombies na nakaharang sa Pinto na lalabasan namin hanggang sa mamatay. Tumakbo na kami papunta sa pinto at dali daling lumabas. Sinara agad namin ang Pinto para walang may makasunod samin. Gabi na ngayon kaya madilim sa labas. Binaba nila ang mga b***l nila at dahan dahan kaming naglakad sa gilid.
Napansin ko na parang hindi sila nakakakita. Umiikot ikot lang sila na parang sinusundan ang sound na maririnig nila. Kumuha ako ng Bato at binato iyon malayo samin. Dali dali naman itong sinundan ng mga zombies. And i confirmed na Parang Bulag sila kung madilim pero matalas
Ang pandinig nila.
"Walk slowly" bulong ko sa tatlo. Malapit na kami sa Police Station. Sinabi ko sa kanila na ako ang mauuna. Dahan dahan akong naglakad. Sumilip ako sa Glass na Pinto at nagulat sa nakita ko. Infected narin sina Drei at Ivan.
Ano ang Nangyari? Asan sina Shelly? Anong Nangyari sa kanila!
"Why? Bakit ka huminto?" Bulong ni Kuya Dale.
"K-Kasama rin namin ang Dalawang yan." Ani ko.
"Anong Nangyari? Asan ang kapatid ko?"
.
.
.
Shelly Pov.
Kahit papaano ay Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag uusap namin ni Olivia. Umalis sina Ate Lian at Kuya Rex kasama si Alex para kunin sina Drei at Ivan.
Ilang minuto pa ay bumalik sila at sinabi samin na infected na ang dalawa. Inalayan namin sila ng dasal. Kasama narin sina Alice, Adriana pati narin si Mike. Ayaw ko man isipin na wala na siya pero kailangan kong tanggapin kung totoo nga.
Napagdesisyonan namin na Magpahinga na at bukas nalang mag plaplano. Pero pipikit na sana ako ng may narinig kami na putok ng b***l.
"A-Ano yun?!" Ani ni Yuna. Kinuha ni Kuya Rex ang b***l niya. Tumayo rin sina Alex at Kuya Gio hawak hawak ang baseball bat.
"Diyan lang kayo.." sabi ni Kuya Rex.
Sumilip sila sa Kumot at tumingin samin.
"May mga tao sa labas, mukhang kailangan nila ng tulong!" Kinuha nila ang harang pati ang kumot. Tumakbo papalabas silang tatlo. Hindi namin makita ng Klaro ang nangyayari sa labas dahil ayaw kami papalapitin nina Ate Mari at Ate Lian.
May narinig pa kaming Putukan at rinig namin ang mga Zombies sa labas.
Mike Pov.
Nalaglag ko ang Baseball bat ko ay lumikha iyon ng Tunog kaya napalingon samin ang mga zombies pati narin sina Drei at Ivan. Lumapit sila sa Pintuan at parang Gigil na Gigil na kagatin kami.
"Takbo Bilis!" Hinila ako ni Kuya Dale at Pinulot ang Baseball bat. Binaril ni Kuya Mark ang Zombies na papalapit samin. Natigil kami ng biglang nadapa si Kuya Clark. Lumapit kami at tiningnan siya. May Basag na Glass na nakaturok sa Right na Binti niya.
Pilit na pinipigilan naman ni Kuya Carl na Sumigaw..
"Kuya... Tumayo ka" inalalayan ko siya para makatayo. May nakita akong Tatlong lalaki na Papalapit samin. Ang isa ay may hawak na b***l habang yung dalawa ay baseball bat. Habang papalapit sila ay may nakilala ako na isa sa kanila.
"Alex?!" Lumapit siya sa amin at Tinulungan akong umalalay kay kuya Carl.
"I'm glad you're Safe, Mike" ani niya at ngumiti sakin. Pinalibutan nila kami hanggang sa makarating sa isang Supermarket. Nang makapasok kami at pinaupo agad namin si Kuya Carl. Sinarhan nila ang Pinto ay tinakpan ito ng Kumot. Tumayo ako at nagulat ako ng may yumakap sakin.
"Mike!" Ani niya. Napangiti ako nang malaman kung sino ito.
"Shelly.." ani ko at yinakap rin siya pabalik.