Dale Pov.
"Isa si Olivia sa mga kasama ko sir, magkaklase rin po kami." Ani niya. Bigla naman akong nabuhayan ng loob sa narinig ko. Ibigsabihin nun kay buhay si Olivia.
"Okay lang ba siya? Hindi ba siya nasugatan?" Ani ko.
"Wag po kayo mag alala, okay lang po siya. Magaling makipaglaban at Matalino po si Olivia. Isa siya sa mga dahilan kung bakit marami kaming buhay pa ngayon." Napangiti naman ako. Matalino talaga si Olivia. Bata palang kami ay madiskarte na siya kaya minsan hindi na ako nag aalala sa kanya. Pero sana hindi niya na iisip na pinababayaan ko nalang siya.
"Saan na sila ngayon pupunta? May plano ba kayo?" Ani ni Mark.
"Ang plano po namin ay sa Gym kami lalabas dahil may Shortcut doon na papunta ma sa labas. Pupunta kami sa Police Station para kumuha pa ng mga gamit panlaban. Ang main goal talaga namin ay pumunta sa Military base, may nakita kasi kaming post sa sss na may mga Survivors doon" ani niya.
Papunta pala sila sa Military Base. Ang inaalala ko lang ay kung papaano sila makakapunta dun o makakapasok.
"Ano na ang plano mo, Sir Dale?" Ani ni Carl.
"Marami ba kayong kasama?" Tanong ko kay Mike.
"Nasa 7 po yata sila ngayon. Tatlong lalaki at apat na Babae" sabi niya.
"Maghanda kayo susunod tayo, Kailangan tayo ng mga bata" ani ko.
"Yes sir!" Sabay na sabi nina Mark at Carl.
.
.
.
Lian Pov.
"Ano na ang plano natin? Pupunta ba tayo ng Military Base na sinasabi nila?" Ani ni Rex. Nag uusap kaming apat ngayon habang natutulog sina Olivia.
"Pagpahingain muna natin sila, nawalan sila ng Tatlong kaibigan ngayon. Siguradong pagod sila Physically at Emotionally" ani ko.
"Pano yung Dalawa nilang kasama sa Police Station?" Ani ni Gio.
"Safe naman siguro sila doon. Nagawa nga nilang traydorin ang mga kaibigan nila upang mabuhay." Ani ni Mari.
"Mga bata parin ang mga yun, Mari. Siguro natakot lang sila kaya nila nagawa yun" ani ni Rex.
"I agree" sabi ko. Tiningnan ko sina Olivia na natutulog ngayon. Kawawa naman ang mga to. Imbes na mag enjoy sa buhay sila ay ganito ang nangyari.
Kumuha ako ng Ointment sa Pharmacy Area ng Supermarket at ginamot ang mga sugat2 sa mga paa nila. Kumuha rin ako ng basang bimpo para linisin ang mga dumi sa mga mukha nila.
Pagkagising nila ay hinayaan namin sila na maglibot libot sa Supermarket. Kinuha nila ang mga Laruan na Tinda at pinaglaruan ito. Nagtatawanan sila habang naglalaro. Kahit papaano ay nakakagaan ng pakiramdam ang makarinig ng mga tawa.
Kami naman ni Mari ay Binilang ang mga Tubig at iba pang Drinks na may roon kami at sina Gio at Rex namay ay sa mga pagkain.
.
.
.
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan ko sila na susunduin namin ang dalawa nilang kaibigan sa Police Station. Gabi narin kasi kaya pagkakataon narin ito para lumabas.
"Delikado po sa labas, Ate. Baka makita kayo ng mga Zombies" ani ni Yuna.
"Hindi sila nakakakita kapag madilim lalo na kapag Gabi pero malakas ang pandinig nila. Wag kayong mag alala, Babalik rin kami." Kami ni Rex ang lalabas.
"Ate, Sasama po ako" ani ni Alex.
"Wag na, Alex. Dito ka nalang" ani ko.
"Sasama po ako, para ituro ko ang mga kasama namin" ani niya. Pumayag nalang kami.
Tinanggal namin ang mga Harang at dahan dahan na binuksan ang Pinto. Sumenyas samin si Alex kung saan ang daanan. Siya ang nasa unahan namin habang sumusunod kami ni Rex.
Kahit sanay na ay kinakabahan parin ako ngayon. Isang maling galaw lang namin ay maaari na kaming mamatay at maging katulad nila. Tumigil si Alex at binulungan ako.
"Malapit napo tayo, pagkatapos ng bahay na iyun ay doon na po" bulong niya. Tumango ako at patuloy na kaming naglakad.
Pagdating namin sa harap ng police station ay bumaba kami ng kakaunti. Sumilip kaming tatlo sa glass na pinto.
"Sigurado kabang andito sila?" Bulong ko kay Alex dahil wala naman akong nakikitang tao sa loob.
"Opo, Andito sila kani-" natigil sa pagsasalita si Alex at tulalang napatingin ulit sa loob.
Tumingin ulit kami at may nakita kaming dalawang zombies na naglalakad. Naka uniform sila na kapareho kay Alex.
"...Huli napo tayo.." ani ni Alex. Bumababa kami ulit dahil biglang lumingon saamin ang isa sa kanila.
"Let's go, Alex. Kailangan na nating Bumalik" bulong ko.
Dahan dahan kami ulit na naglakad pabalik. Naawa ako sa dalawang bata na iyon. Hayyy.
Kumatok kami ng mahina. Tinggal nila ulit ang kumot at pinagbuksan kami ng Pinto.
"Ano na? Asan yung dalawa?" Tanong ni Mari.
"Wala na sila, naging infected narin sila..." ani ni Alex. Bigla namang natahimik kaming lahat.
"Kahit naman ganun ang ginawa nila sa atin, hindi parin nila deserve ang nangyari sa kanila." Malungkot na ani ni Nika.
"Ang bigat nalang sa puso dahil ang huling sinabi ko ay darating rin ang Karma nila. Hindi ko inasahan na sa ganitong paraan. Drei is a good friend to me, kahit minsan nakakainis siya. Naging mahalaga parin siya sakin" ani ni Yuna.
"Atleast, Magkasama na ngayon sina Alice at Ivan.." ani ni Olivia.
"I hope na mapatawad ni Alice si Ivan kapag nakita sila. But, Bakit nila ako iniwan. Sabi nila sabay sabay kaming makakaligtas dito. I really hate this feeling!" Ani ni Yuna at Umiyak.
Nang Tumigil na sa pag iyak si Yuna ay nag alay kami ng dasal para sa mga kaibigan nila. Nag tirik kami ng kandila at Pinikit ang mga mata namin.
'I wish matapos na ang lahat nang toh....'