TAOZ- 14

970 Words
Alex Pov. Pagdating namin sa Gym ay nakakandado ang Gate kay sinira ko ito gamit ang baseball bat. Nakagawa ito ng ingay kaya maraming zombies ang lumapit samin. Paulit ulit ko itong hinampas hanggang sa masira ang lock. Nang bumukas ito ay pinapasok kona silang lahat at sinarhan ang Gate. Hindi matibay ang Gate kaya mukhang masisira na sa sobrang daming zombies sa labas. Tumakbo kami papunta sa kabilang pintoan at mabuti nalang at bukas ito. Tumakbo na kami papalabas at sinarhan ito. May narinig kaming malakas na kalabog sa loob. Mukhang nasira na ang Gate. Nasa labas na kami at nagulat kaming lahat sa nakita namin. Sobrang messy na ng paligid. May ilang sasakyan na naka tumbling at ang iba ay nagkabungguan. Hinanap ko agad ang Police Station. Nakita ko ito malapit lang samin. Kailangan lang naming tumakbo upang makarating dito. "We need to run, naririnig kona sila." Ani ko. Hinawakan ko ang kamay ni Olivia. Magkasama sina Nika at Yuna at nauna nang tumakbo si Ivan kasama si Drei. Sumunod na kaming lahat. Tumakbo kami at lumilingon lingon ako sa paligid baka may papalapit samin. Malapit na kami sa Police Station pero naka rating na sina Ivan at Drei. Papasok na sana kami ng biglang sinara ni Ivan ang Pinto. "What are you Doing!" Ani ko. Hindi ito nakinig sakin at nilock ang pinto. Glass ito kaya kitang kita sila sa loob. "Ivan! Buksan muto! You Jerk!" Ani ni Yuna. Hindi parin ito nakinig at gumawa rin ng harang. "I-Ivan, Ano ang ginagawa mo! Papasukin mo sila" ani ni Drei. "Shut up, Drei! Tulungan mo ako dito!" Inis na ani ni Ivan. "Wala ka talagang kwentang Tao!" Ani ni Yuna at lumapit sa pinto. "Yuna!" Ani ni Drei at sinisira ang harang. Pinigilan ito ni Ivan ay hinawakan siya sa kwelyo. May sinabi siya rito pero hindi namin narinig. Binitawan niya si Drei. *Zombies Growls* "Ano na ang gagawin natin! Papalapit na sila" natatakot na ani ni Nika. "Pagsisisihan mo talaga to Ivan! I'm sure na dadating rin ang Karma mo!" Galit na sabi ni Yuna. "Let's go, kailangan nating maghanap ng matataguan" i said at hinila si Olivia. Nakita na namin na paparating na ang mga zombies kaya mas nag panic kami. Kumatok kami sa mga bahay pero walang sumasagot. "Tulong! Tulong po!" Ani namin. Nakarating kami sa isang maliit na Supermarket. Pero sarado ito. "Tulong! May tao ba dyan? Tulong po!" Ani ko at kumakatok sa pinto nito. May parang kumot na nakatakip sa Glass na pinto kaya hindi ko makita kung may tao o wala. Nasa harapa na kaming lahat ngayon ng Supermarket at malapit na ang mga zombies. "Tulong po! Please! Maawa napo kayo sa amin!" Umiiyak na ani ni Nika. "Wala tayong choice, Kailangan nating lumaban." Hinigpitan ko ang hawak sa Baseball bat at pumwesto sa unahan. Papalapit na ang mga zombies kaya mas lalo akong kinabahan. Natatakot ako ngayon pero kailangan kong protektahan ang sarili ko pati narin ang mga kasama ko. Rinig ko ang hikbi ni Nika at Yuna sa Likod ko. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Pagdilat ko ay hahampasin kona sana ng baseball bat ang zombie nang may narinig ako na putok ng b***l. Tumumba ang zombie sa harap ko at nasundan pa ito ng mga putok. "Pasok Bilis!" Lumingon ako at may nakita akong Lalaki na may hawak nang b***l. Tumakbo na kaming lahat at Pumasok sa Loob ng supermarket. May sumalubong samin na Babae at sinabihan kami na yumuko. Pinikit ko ang mga mata ko habang nanginginig sa takot. Ivan Pov. "T-Tama ba yung ginawa natin? H-Hindi rin naman tayo mabubuhay kung wala ang tulong nila. H-Hindi dapat natin ginawa yun sa kanila. Tsaka kasama nila si Yuna-" "Pwede ba! Tumigil kana Drei!" Kanina pa ako naiirita sa kasama ko. Tsk, napakahina ng loob nito. "P-Pero Ivan-" "Hindi tayo mabubuhay kung magkakasama lang tayong lahat palagi. Kailangan ko ring mabuhay Drei!" "Yan rin yung sinabi mo kanina kay Alice. Hindi kaba nalulungkot sa pagkawala niya? Ha?" Pinikot ko ang mga mata ko sa sobrang inis. "Nalulungkot rin naman, Drei. Pero Gaya nga nang sinabi ko. I need to survive din. Infected na siya Drei! Hindi sa lahat nang bagay Puso lang yung gagamitin. Isip rin Drei! Isip!" 1 year na naging kami ni Alice. Sweet, Maganda, Sexy ay Mabait siya kaya natipuhan ko siya agad. Pero minsan nakakainis lang dahil napaka sensitive niya. Madali siyang umiyak at damdamin ang isang bagay. Minsan nga nakakabagot narin. Honestly, nagkaroon ako ng ibang babae. We've been dating mga 2 months na. Pinaplano ko na nga na makipagbreak na kay Alice. But sadly, she got bitten. Gusto ko rin na mabuhay kaya sumama ako kina Alice. Nalulungkot rin ako sa pagkawala niya pero kailangan ko ring isipin ang sarili ko. Iisipin ko nalang yun kapag nakaligtas na ako dito. Tumahimik narin Drei kaya kumalma narin ako. Nagpaalam siya na titingin tingin siya sa paligid. Ilang minuto pa ay hindi parin bumabalik si Drei kaya napagisipan ko na Hanapin nalang siya. "Drei? Asan ka?" Naisip ko na baka nakahanap nang pagkain at sinosolo niya lang yun. Lagot talaga siya sakin pag ganun. Binuksan ko ang huling pinto at nakita ko si Drei na nakatalikod. "Hey, Drei! Kanina pa kita hinahanap di moba ako nari-" Humarap siya sakin at nakita ko ang Sugat niya sa gilid ng braso niya. Pumupula na ang mga mata niya at unti unti na siya nagiging zombie. Lalabas na sana ako ng may lumitaw na isang zombie may dugo ang bibig niya at mukhang siya ang nakakagat kay Drei. Umatras lang ako ng umatras hanggang sa lumalapit sakin sina Drei at ang isa pang zombie. "D-Drei, A-Ako to.." natatakot na ani ko. Bigla silang tumakbo papalapit sakin at sabay nila akong kinagat. "AHHHHHHHH!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD