TAOZ- 15

893 Words
(POV OF MALL SURVIVORS) Lian Pov. Pagkatapos nang pangyayari sa Coffee shop ay naghanap agad kami ng matataguan. Naghanap rin kami ng maaring ipanlaban. Nagtatago kami ngayon sa isang Tindahan ng mga damit. Sinarhan namin ang pinto at hinarangan pa ito para siguradong hindi makakapasok ang mga Zombies. Napaupo kami sa sahig sa sobrang pagod. Ilang minuto rin kaming nagtakbuhan at nakipag patintero sa mga infected bago makahanap ng matataguan. "Ito na naman tayo, hindi pa nga ako nakaka move on sa napagdaanan natin sa Mall tapos ito na naman ang nangyari" ani ni Mari. Possibleng sa mga naging kasama sa experiment ang nagsimula ng outbreak dito sa labas. Pero ang mahirap lang dahil mas marami ngayon ang maaring maging zombies at mahihirapan talaga kami. Naghanap nalang muna kami ng mga damit na komportableng soutin. Napatingin ako sa pricetag nang nakuha kong damit. 1,356.35 pesos, ang mahal naman. Nang makabihis na kami ay umupo kami ulit sa sahig. Ni isang pagkain ay wala kaming nadala kay wala kaming makakakain. Sinubukan koring maghanap dito pero wala. Pera lang ang andito. Mukhang nagmadaling lumabas ang may ari nitonb shop. Hindi rin naman namin magagamit ang mga pera nato sa nangyayari ngayon. Hindi naman namin makakakain ang pera. Kahit gutom ay pinilit nalang namin na Matulog. Katabi kami ni Mari at magkatabi rin sina Rex at Gio. Ginawa naming banig ang ibang damit at kumot. Sa totoo lang medjo hindi na ako natataranta sa nangyayari ngayon dahil sa naranasan namin sa Mall. Parang sanay na ako na makakita at makapatay ng mga Zombies. Pagkagising namin ay gutom parin ang iniisip namin. Buong araw kami kahapon na hindi nakakain. Hindi na namin matiis kaya napagplanohan namin na lumabas sa gabi at maghanap ng makakain. Napansin kasi namin nang nasa mall palang kami ay hindi sila nakakakita lalo na kapag madilim pero malakas ang pandinig nila. Kaya gagamitin namin ang pagkakataon na iyon upang nakahanap ng makakain. Matyaga kaming naghintay hanggang sa gumabi. Dahan dahan namin tinggal ang mga hinarang namin at dahan dahan ring binuksan ang pinto. Nakita namin ang mga zombies pero hindi naman ito gaano ka rami. Kaya mukhang kakayanin naman namin. Naunang naglakad si Rex habang nasa Likod niya ako. At nakasunod sakin sina Gio at Mari. Maingat lang kami na naglakad at tumingin sa paligid. May nadaanan kaming Supermarket. Tiningnan namin ito kung bukas at mabuti nalang dahil bukas ito. Dahan dahan kaming pumasok. Tinapalan namin ng kumot ang Glass na pinto nito para di kami makita ng mga zombies at hinarangan ito. Gumagana parin ang electricity dito kaya medjo maliwanag ang paligid. Sinabi muna ni Rex na Iche- check niya muna ang paligid bago kami umikot - ikot dito. Hindi naman gaano ka lawak ang Space kaya kitang kita kung sino ang mga andito. Sumenyas si Rex na Okay kaya dali dali na kami ni Mari ng mga Pagkain. Una ko talagang pinuntahan ay ang mga tinapay. Kumuha ako ng isa at binuksan muna ito at kinain. Kumuha pa ako ng dalawa at dalawang coke. Nagsalo salo kami habang nakaupo sa sahig. Hindi ko alam na ganito pala ka ganda ang teamwork namin. Siguro kaya kami buhay pa dahil nagtutulungan kami at yun ang pinapasalamat ko sa mga kasama ko ngayon. "Pero diba, siguro may vaccine rin para dito. Baka alam nung scientist." Ani ni Mari. Kumagat muna ako ng tinapay bago sumagot. "Siguro, Kaya lang hindi rin naman natin alam kung buhay paba ang scientist na yun o kung buhay man siya asan siya o sino siya" ngumunguya na ani ko. Magkatabi kami ngayon ni Rex. Samantala, magkatabi naman sina Gio at Mari. Bigla namang napatigil sa pagkain si Mari at Tumingin samin ni Rex. Ngumiti siya at parang tinutukso kami. "Anong trip mo?" Nagtatakang ani ko. "Wala, Ang cute niyo lang tingnang dalawa. Alam niyo bagay kayo" ani niya at ngumiti. Napatingin naman ako kay Rex at nakangiti ito ngayon. "Eh, Mas bagay ata kayo ni Gio eh" Ani ko. "Eto? Naku naku Lian, Ayoko" ani ni Gio. "Ay wow ha, ikaw pa yung dehado ah" ani niya at hinampas ang braso ni Gio. Sabay naman kaming napatawa ni Rex. Kinuha ko ang bottled water at nahirapan pa akong buksan ito. Kinuha ni Rex sa Kamay ko at binuksan. "Here" ani niya at binigay sakin ulit. "Thank you" ani ko at uminom ng tubig. Ilang araw rin kaming nag stay dito. May pagkain rin naman kay hinding hindi talaga kami magugutom. Naghihintay lang kami sakaling may dadaang rescue. "Tulong! May tao ba dyan? Tulong po!" Napatayo kami ng may kumakatok sa pinto. Boses iyon ng isang lalaki. "Tulong po! Please! Maawa napo kayo sa amin!" Nagkatinginan kaming apat. This time boses naman ng Babae. "Buksan mo" ani ni Rex at kinuha ang b***l sa likod ng Computer sa Cashier area. Binuksan namin ang Pinto at inalis ang kumot. Nakita namin ang Grupo ng mga kabataan na nasa labas. Bago pa maabot ng Zombie ang Lalaki sa harap ay Pinaputokan na ito ni Rex nang b***l. "Pasok Bilis!" Sigaw ni Rex. Tumakbo papasok silang lahat. Lumapit ako sa kanila at sinabihan na yumuko. Nang nakapasok na si Rex ay ni lock namin ulit anb pinto at tinakpan ng kumot at binalik ang mga harang. Napaupo silang lahat sa pagod at ang dalawang babae ay napaiyak. "S-Salamat po.." ani ng isang Babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD