Karen "We're so sorry Doctor Salazar, sa ginawa sa inyo ng isa sa mga waitress ko," hinging paumanhin ng manager namin kay Paul, na ngayon ko lang nalaman na Salazar pala ang apelyedo niya. Nandirito na kami ngayon sa loob ng resto, Huminto ang sinasakyan ni Ma'am Evelyn nang madaanan niya kaming nagkakagulo kanina sa labas. Hinintuan niya kami nang mamukhaan si Paul. Haist, if I know may pagka-malantod din si Ma'am. G'wapo kasi si Paul kaya nagka-interest. Samantala no'ng nakaraang linggo lang ay walang paki sa isang costumer namin kahit nag-amok ito, hindi kasi pogi kaya gano'n. At bakit ko nga ba naisip na g'wapo siya? Erase-erase. "I'm okay, Ma'am, no worries. I'm a Doctor; I know how to heal myself." Huminto ito saglit upang tingnan muna ako, "But the problem was I needed some

