Karen/Christine "Ayan, Lola Engrasya, maayos na ang bahay ninyo." Mabilis lumipas ang mga araw. Limang buwan na rin ang ipinagbubuntis ko. Narito kami ngayon sa Baryo Pag-asa. Medyo malawak naman ang lupain na ipinamana sa akin ni Lola. Kaya sa tulong ni Lolo Christ ay nakapagpatayo kami rito ng bahay, sa tabi ng bahay kubo namin ni Lola. Hindi ko binago ang design ng bahay namin. Gusto ko kasing pagpasok ko'y manunumbalik sa aking alaala ang mga panahong palagi niya akong sinisermunan. Mga panahong inaalagaan niya ako't masaya kaming magkasama kahit salat sa salapi. Tanging ang bubong at dingding lamang ang ipinaayos ko, maliban doon ay wala na akong binago. Pinalagyan ko lang ng bakod ang lawak ng lupain ni Lola kaya nasa loob na rin ang kanilang puntod. Ginawa ko lang itong paran

