Chapter 33

2025 Words

Karen Naging tahimik ang paligid sa amin ni Paul. Nanatili pa rin ako sa kanyang tabi. Kailangan niya ako ngayon. Saka ko na lamang iisipin ang tungkol sa aming dalawa. Hindi man sabihin ni Paul sa akin kung ano ang saloobin niya’y alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa biglaang pagkawala ng Lola niya. Ramdam ko ang sakit. Ganyan na ganyan din ako noon nang mamatay si Lola ko. Pero iba si Paul. Hindi ko na siya nakita pa na umiyak kahit sa huling hantungan ng Lola niya. Wala siyang nais na makausap. Maski ako’y hindi niya gaano kinakausap. Hindi rin siya halos sa akin tumatabi sa pagtulog. Hinahayaan ko na lamang ito’t nauunawaan ang kanyang pinagdaraanan. Nag-leave din siya sa trabaho at maski ang mga kaibigan nito’y hindi niya gaano kinakausap. Gusto lagi ay mapag-isa. Kina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD