Chapter 15: Hug Me Very Tight
Margaux’s POV
SOBRANG laki ng bahay na ito. Sino ang mag-aakala na ang yaman pala ng kaibigan ni Conal. Kung hindi ako nagkakamali ay kasing edad ko lang ang dalawang iyon. Nang magsawa ako sa kakatingin ng buong bahay ay minabuti kong maupo na. Laking pasasalamat ko na nakilala ko si Marfire. Kahit na hindi maganda ang unang tagpo naming dalawa. Nagulat lang talaga ako dahil unang beses kong makakita ng kagaya nilang mga bampira. Hindi ko sukat akalain na nabubuhay pala ang mga nilalang na iyon na kasabayan ng mga tao.
Sobrang tahimik ng buong bahay nang may kung sino ang sumulpot sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata kong napatayo sa sofa na aking inuupuan.
“Sino ka?” tanong ko. Kaagad akong lumayo. Isa siyang bampira ngunit kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Kulay tanso iyon na may halong mint green. Sobrang kakaiba.
“Nasaan ang kapatid kong si Conal? Ikaw ba ang sinasabi ng aking kapatid na makakasama niya kaya aalis na siya sa aming bahay?”
Naningkit ang mga mata ko. Kilala ko si Conal ngunit iyong makakasama ay hindi ako sigurado. Kaagad kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina, maghahanap ito ng bahay para sa aming dalawa. Iyon kaya ang ibig sabihin no’n na makakasama?
“Oo, naghahanap sila ngayon ng bahay para aming matirhan,” kinakabahan kong wika. Sana ay wala akong mali na masabi. Kapag nagkataon na magalit ko siya ay hindi yata ito magdadalawang isip na patayin ako.
“Sobrang tigas na ng kanyang ulo,” ani nito.
“Walang ulo na malambot, matigas lahat.”
Napatingin siya sa akin at inilabas ang pangil nito. “Watch with your words human. Kaya kitang patayin ng wala pang limang Segundo.”
Napalunok ako ng laway. Totoo naman iyong sinabi ko, ah? “May mali ba sa aking sinabi?”
“f**k off… pakisabi kay Conal na nandito ang Kuya Trevos niya.”
“Kuya ka niya?” nanlaki ang mga mata ko. “Bakit parang magkasing edad lang kayo?”
“Shut up,” iyon lang ang naglaho na ito.
May mga bipolar din palang bampira? Akala ko ay ako lang ang bipolar? Wala din naman kasi ako sa mood e, problema pa sa pera problema pa sa mga bampirang gusto akong biktimahin kaya naging ganito ang aking mood.
Napabuntong hininga akong umupo. Siguro ay dapat ko nang sanayin ang aking sarili dahil hindi isa, dalawa, tatlo pang mga bampira ang aking makakaharap. Diyos ko, idagdag pa iyong taong lobo.
Nakaramdam ako ng pagod. Grabe, saan na ba ang Conal na iyon? Bakit ang tagal naman nilang bumalik. Bukod sa bagot na bagot ako rito ay natatakot ako na baka may panibago na namang bampirang dumating. Nakakatawa lang dahil akala ko takot sila sa sikat ng araw at tuwing gabi lang sila nagpapakita ngunit nagawa pa ng mga itong makalabas tuwing tag-araw.
Nakatulugan ko ang paghihintay kina Conal. Nagising lang ako nang may mabangong amoy ng pagkain na pumasok sa aking ilong. Dahan-dahan ko lang na inimulat ang aking mga mata. Siyempre kailangan kong magpakipot.
“Mabuti at gising ka na,” biglang wika ni Conal na nakaharap na pala sa akin. Mabilis akong bumangon sa hiya. s**t! Ang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko. May balak ba siyang halikan ako? O tinitigan niya lang kaya ang maganda kong mukha? Huwag kang assuming Margaux, bago palang kayo magkakilala. Napailing ako.
“Ka-kanina pa kayo?”
“Oo at kanina ka pa namin hinintay na magising.”
“Sigurado ka?” Napatingin ako sa paligid. Wala naman ang Marfire na iyon. “Saan ang kaibigan mo?”
“Umalis saglit to get some blood.”
“Blood? Saan naman kayo kumukuha no’n?”
“Nagnanakaw kami sa mga ospital.”
“Ano?” Nanlaki ang mga mata ko. “Nagawa ninyong magnakaw ng dugo sa mga ospital?”
“Sinabi ko na hindi ba? Kaya hindi ko na kailangang ulitin.”
“Ang sama ninyo, paano kung maubusan sila ng dugo para sa kanilang pasyente?”
“Hindi na namin problema iyon. Sa kanila na iyon.”
“Ang selfish ninyo, bakit ninyo iyon ginagawa? Puwede naman yata kayong bumili sa mga blood bank?”
“We always want fresh blood.”
“Ba’t hindi nalang kayo mag-alaga ng hayop at mga dugo nila ang inumin ninyo.”
“Mabuti at nasabi mo iyan sa akin Margaux. Dahil magsasama lang din naman tayo sa isang bahay. Puwede ko bang mainom ang dugo mo?”
“Ano?” kaagad akong kinilabutan sa kanyang sinabi. “Walang hiya ka!”
“Just kidding,” ngumiti si Conal at tumayo na ito mula sa pagkakaluhod sa sahig. “Kumain ka na dahil aalis tayo once na dumating si Marfire.”
Inayos ko muna ang magulo kong buhok. Hindi ko alam kung ilang oras akong natutulog. Sa aking palagay ay medyo napasarap ako sa aking tulog.
“Hindi ba kayo talaga kakain?”
“I had already told you na hindi kami kakain,” ani nito at hindi na ako binalingan.
Minabuti kong magtungo na sa mesa at doon nakahanda ang mga pagkain. Medyo nagult ako dahil sa dami ng kanyang binili. Halos lahat na yata na pagkaing available sa fast food chain ay kanyang binili. At hindi ko mauubos ang mga ito.
May kung anong lungkot akong naramdaman nang tuluyan nang makalapit sa mesa. Ano kaya ang kinakain ni Mama at Papa ngayon? Pati na ang aking kapatid. Kakapadala ko lang ng pera sa kanila noong isang araw. At hindi ako sigurado kung makakapagpadala ako sa kanila sa susunod. Bibigyan naman siguro ako ng suweldo ni Conal? Susubukan ko siyang kakausapin mamaya kapag nakaalis na kami. Ang buong akala ko ay dito na ako magtatrabaho sa bahay ni Marfire. Mukhang hindi yata pumayag ang isang iyon. Labis akong nagpapasalamat kay Conal sa ginawa niya ito sa akin. Kahit na nagdadalawang isip ako na sumama dahil hindi ko pa siya kilala at dadagan pa na bampira ito pati na ang pamilya nito. Medyo nakakatakot ngunit kakayanin ko nalang. Pakiramdam ko naman ay hindi niya ako sasaktan. Nararamdaman kong mabait siyang nilalang. Iyon nga lang ay hindi ako sigurado.
Minabuti kong kumain na at sinubukang mauubos ko ang lahat ngunit nabigo ako. Sobrang busog ko na at hindi ko na kayang lumunok. Inihinto ko ang pagkain at binalot ang mga natira. Iyon nalang ang kakainin ko once nagutom ako. Ang karne na niluto ko kanina ay may may natira pa ako. Kinuha ko na rin iyon. Masasayang lang ang karne kapag hindi ko dinala. Paniguradong itatapon lang iyon ni Marfire.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa malaking sala. Nandoon pa rin si Conal at may malalim itong iniisip. Dinahan-dahan ko lang ang aking lakad dahil ayokong maisturbo siya.
“Nabanggit mo na may pamilya ka sa probinsiya ninyo hindi ba?” bigla niyang tanong sa akin kaya napatingin ako.
“O-oo, meron akong pamilya sa probinsiya at may kapatid din akong pinapaaral.”
Napatingin siya sa akin. Nahuli niya akong titig na titig sa kanyang gwapong mukha. Sinubukan kong mag-iwas ngunit hindi ko magawa. Parang nangungusap ang kanyang tingin sa akin.
“Why don’t you bring your sibling here? Patirahin mo na rin doon sa bahay na ating titirhan para may makakasama ka palagi.”
“Naku, huwag na. Baka dagdag pa iyon pakainin at isa pa, magta-trabaho naman ako saiyo hindi ba? Iyong suweldo ko nalang ang aking ipapadala sa kanila,” masiyado na yatang nakakahiya ‘yon. Parang inasa ko nalang lahat.
“Puntahan natin kapatid mo. I insist na mas mainam na makakasama mo siya. Baka mabagot ka lang sa bahay dahil bampira ang kasama mo at hindi rin ako palaging nandoon.”
“Ahh,” hindi ko alam ang sasabihin. “Sigurado ka ba diyan? Maingay ang kapatid kong iyon baka mairita ka.”
“Hindi iyon problema sa akin. Importante ay ikaw.”
“Bakit ako?” kumunot ang noo ko.
“Like what I said, hindi mo ako parating nakakasama. Mas mainam na may kasama ka.”
“Paano kung,” napahinto ako. “Paano kung malaman niya na bampira ka pala?”
“Hindi niya iyon malalaman basta huwag mo lang sasabihin.”
“Parati ka kayang sumusulpot kahit saan paano kung nakita ka niya?”
“Mag-iingat ako, ayos na ba ‘yon?”
“O-oo,” napatango ako. Wala na akong choice. Maganda naman rin kasi ang gusto ni Conal na kasa-kasama ko ang aking kapatid upang hindi ito mapariwala sa probinsiya at bawas na rin iyon sa gawaing bahay ni Mama. Paano’y nagpapalaba lang ito ng damit at kain tulog lang ang gawa. Hindi ko alam kung matino ba itong nag-aaral.
“Ngayon din ay tatawagan ko siya. Kailangang within this week ay ma-process na niya ang mga papers upang makapag-transfer siya.”
“Anong grade na ang kapatid mo?”
“Grade 7.”
“Good, grade 12 naman ako kaya mas mainam na doon nalang sa school namin siya mag-aaral.”
“Sa school nalang kung saan ako nag-aaral kasi kapatid ko siya para mabantayan ko rin siya baka magloko lang,” mabilis kong wika.
“Okay, magandang ideya iyan. Sabihin mo lang sa akin kung kailan natin siya susunduin.”
“Malayo ang amin,” baka matagalan pa kami.
“Ilang oras?”
“Mahigit sampung oras.”
“Hindi iyon problema. Gabi natin siya susunduin para walang gaanong traffic.”
“Gabi?” paano kung may mga haharang sa ating bampira? “Hindi ba mas nakakatakot ‘yon?”
“Don’t worry, isasama natin si Marfire.”
“Alam niya ba ang plano mo?” baka tumanggi na naman ang moklo na ‘yon. Tumanggi na ito na dito ako magta-trabaho.
“It was really Marfire’s idea na dapat may kasama ka sa bahay.”
“Ahh, kaya pala.”
Hindi na ako nagsalita pa. Minabuti kong umupo muna sa sofa at nabuhay ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Wala na rin naman akong masasabi sa kanya. Umuurong ang aking dila.
“How about lumabas na muna tayo ngayon?” bigla niyang wika.
“Saan tayo pupunta?”
“Bibili tayo ng groceries mo at pati mga gamit sa schools.”
“Naku, hindi na kailangan.” Mabilis akong tumanggi.
“Ako ang masusunod.” Tumayo siya at lumapit sa akin. Alam ko kung ano ang gagawin niya. Maglalaho kami!
“Huwag sanang mabilis baka mahilo ako.”
“Ganoon na ka bilis ang aming paglaho.”
“Ha?”
Hindi siya nagsalita. Nang makalapit si Conal sa akin ay mahigpit niya akong niyakap. Napsubsob ako sa dibdib niya. Hindi ako makahuma sapagkat nagulat ako. Ipikit ko nalang aking mga mata nang maramdaman kong maglalaho na kami.
Nang maramdaman kong muling nakatapak na aking dalawang paa sa lupa ay naimulat ko ang aking mga mata. Napakunot ang noo ko nang mapatingin ako sa paligid.
“Bakit nasa loob pa tayo ng bahay.”
“You need to hug me para hindi ka mahilo.”
“Ha?” tsansing yata ang hinyupak na ito.
Hindi na naman siya nagsalita. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at kinuha niya ang magkabila kong kamay at dinala iyon sa kanyang likuran.
“Hug me tight.”
Muli niya akong niyakap. Wala na akong nagawa pa. Naramdaman kong muli na naman kaming naglaho dalawa. Nang maramdaman ko na naman ang aking paa na nakaapak na ay tiningnan ko ang paligid. Nasa loob pa rin kami ng bahay.
“Maluwag ang pagkakayakap mo sa akin. Mahihilo ka pa rin niyan.”
“Sobrang higpit talaga?”
“Hug me very tight.”
“Si-sige.” Naipikit ako ang aking mga mata. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at yumakap ako sa kanya ng sobrang higpit. Pinakamahigpit na iyon. At ganoon sdion siya sa akin.
“We’re here,” ani Conal.
Inimulat ko ang aking mga mata. Nasa labas na kami ng gate na kung saan nandoon ang kotse ni Conal. Ngayon ko lang napansin na walang kabahay-bahay sa paligid. At tanging mga naglalakihang puno lang ang makikita mo sa paligid.
“Puwede mo na akong hindi yakapin,” wika niya.
Mabilis ko siyang nabitawan. Mas nauna kong tiningnan ang paligid kaya nawala sa aking isipan na nakayakap pala ako sa kanya.
“So-sorry,” ani ko.
“Tayo na,” nauna siyang sumakay at nagmamadali akong sumakay sa kabila. Mabilis nitong pinaandar ang kotse at umalis na rin kami.
Sa isang malaking mall ako dinala ni Marfire. Sunod lang ako ng sunod sa kanya dahil ang bilis niyang maglakad. Minsan napapahinto ito para lang hintayin ako. Nauna kaming pumasok sa school supplies na bilihan. Wala akong gaano na pinamili bukod sa papel at ball pen lang. Wala din naman akong pagagamitan kung bibili ako ng maraming gamit.
“Kailangan mong bilhin ang mga magagamit mo soon. Para hindi ka na bibili kapag kailangan mo na.”
“Hindi ko alam, e.” Wala akong maisip kung ano ang bibilhin ko.
“Let me handle this,” aniya at kinuha ang malaking cart.
Nagulat ako dahil bawat gamit na aming nadadaanan ay may inilalagay siya sa cart. Hindi nalang ako umimik. Matapos ang kalahating oras na aming paglilibot ay nakarating kami sa pinakadulo.
“We need printer, right?”
“Ha?” Pati ba naman printer ay bibilhin niya?
“Yeah, we need this.” Siya na rin ang sumagot sa kanyang tanong.
Nang masigurong wala nang mailalagay si Conal sa cart at nagpunta na kami sa cashier. Medyo nagulat ang babae kasi punong-puno na talaga ang malaking cart.
“Seryoso ba kayo na bibilhin ninyo ito lahat?” nagtatakang tanong ng cashier.
“I’m pretty sure,” sagot ni Conal.
Hindi na nagtanong ang babae. Hinintay nalang namin na matapos ito sa ginagawa. Kaya nang mabalot ang lahat ng binili ni Conal ay napatingin ito sa amin.
“Thirty-thousand four hundred lahat.”
“Okey,” walang kasong wika ng binata.
Sa loob-loob ko ay medyo nag-aalala ako. Masiyadong malaki na iyon. Paano nalang kung kaltas ito sa aking suweldo? Ibinigay ni Conal ang ATM nito at kaagad ring ibinalik ng cashier.
“Puwede bang babalikan namin ito lahat? May mga bibilhin pa kami.”
“Sure,” ani ng babae.
Tumingin si Conal sa akin sabay sabi, “let’s go.” Nauna na naman siyang naglakad.
Pumunta kami sa ground floor ng mall at pumasok kami sa computer shop. Mabilis na naman akong kinabahan. Huwag nitong sabihin ay bibili ito ng laptop?
“May laptop ba ang kapatid mo?” tanong niya sa akin.
“Wa-meron.” Pagsisinungaling ko.
“Wala,” aniya.
“Huwag na talaga, Conal. Sobra na iyong binili mo na mga school supplies.”
“Wala iyong problema sa akin. And beside, pera ko naman to. Hindi ko ginalaw ang pera na binigay ni Marfire. Emergency money lang iyon.”
“May perang ibinigay si Marfire?”
“It’s for the both of us. At hindi ko iyon kailangan so far,” ani nito at tumalikod na.
May lalaking lumapit sa aming dalawa upang i-assist kami.
“Alin ditto ang hindi madaling masira at malaki ang memory?” tanong ng binata sa lalaki.
“Ito po ang bagong model namin.”
“Magkano?”
“Ninety-nine thousand po sir.”
“Ilang stocks ang mayroon kayo?”
“May lima kami sir.”
“Okey, I’ll buy three at nagko-connect din ba kayo ng wifi dito?”
“Yes sir, we do the installment at makaka-avail po kayo rito ng wifi.”
“Mabuti, three laptops and wifi ang bibilhin namin.”
“Sige po sir, dito po tayo sir dahil may kailangan po kayong sagutan.” Umalis ang lalaki at tumingin si Marfire sa akin.
“Wait for me here.”
Tumango lang ako. Haist, bahala na nga siya sa kanyang mga bibilhin. Mukhang wala naman itong plano na magpaawat sa akin, e! At isa pa pera niya ang kanyang winawaldas. Mukhang mayaman naman ito kasi may magara pa ngang kotse!