Chapter 16: Adams Apple
NATAPOS sa pamimili si Conal. Halos hindi ko na kayang lumakad dahil ang sakit-sakit na ng mga paa at tuhod ko. Tila wala yata itong kapaguran!
“Ayos ka lang ba?” tanong niya.
“O-oo,” pagsisinungaling ko. Sino ang hindi mapapagod na ilang beses na naming nilibot ang grocery. Tatlong cart na ang napuno nito!
“We need another one.”
“Ha?” nanlaki ang mga mata ko. “Sigurado ka ba? Hindi ka naman magpi-piyesta hindi ba?”
“Akala ko ay hindi ka pa pagod?”
“Hindi pa nga,” gusto ko na talagang umupo kahit saglit lang.
“Edi, bumili pa tayo.”
“Conal, hindi na talaga. Sobrang dami na ng iyong pinamili at hindi na ‘yan magkakasya sa kotse mo. May kukunin pa tayong mga school supplies.”
“Oo nga ano?” napaisip ito. “Pero sa tingin ko ay okay pa naman. Magkakasya pa ‘to.”
“Diyos ko, para ka na niyang nagpa-panic buying. Hindi mo naman kailangan bilhin lahat at hindi mo rin kailangang damihan ang mga pinamili mo.”
“So, okay na itong pinamili natin?”
“Oo,” mabilis kong sagot.”
“Sige… tara na.”
Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay natapos na rin! Tulak-tulak nito ang dalawang malalaking cart habang isa naman ang akin. Sobrang daming tao, mataas ang linya kaya kailangan naming maghintay.
“Sigurado ka ba na okay na ito lahat?”
“O-oo,” hanggang ngayon ba ay mga bilihin pa rin ang kanyang iniisip?
“Sige, mukhang okay na ito for now, babalik nalang tayo bukas or the other day.”
“Conal!” napalingon kami dahil may isang babaeng tumawag sa kanya. Kasing edad lang namin ito.
“She’s Majoy,” wika niya at kumaway sa babae.
“Okey,” hindi ko naman tinanong kung ano ang pangalan nong babae. Pasalamat nalang ako na hindi ito lumapit sa amin. Baka ma-chismis pa kami ng wala sa oras.
Naghintay pa kami ng ilang minuto. Sa wakas ay mga pinamili na ni Conal ang kasalukuyang inaasikasao ng cashier at bagger.
“Sir fifty-thousand po ito lahat,” ani ng cashier.
“Tumatanggap naman ngayo rito ng ATM card hindi ba?”
“Oo sir.”
“Mabuti naman.” Hinugot nito ang wallet ay kinuha ang isang ATM Card. Iba ito sa sa ATM na ibinigay niya sa cashier ng school supplies.
Nang mabalot na ang lahat-lahat ang buong akala ko ay uuwi na kami. Kaagad kaming dumiritso sa isang tahimik na restaurant.
“Kakain ka ba?” wala sa sariling tanong ko.
“Ikaw lang ang kakain.”
“Kailangan mo ring kumain para hindi ni mahalata na bampira ka.”
“I’m pretty sure they won’t mind it kaya ikaw na ang kumain. Sayang lang sa pera tapos hindi ko naman kakainin.”
“Ahh,” nahiya naman ako sa bampirang ito. Siya pa talaga ang nasasayangan ha?
“What’s your order Ma’am/Sir?” may isang waiter na lumapit sa amin.
“All your available menus ay bibilhin namin and good for one person lang.”
“Po? Lahat po ng menu?”
“Oo.”
“Sir, nasa fifty po lahat ang menu namin rito.”
Napatingin sa akin si Conal, “kaya mo ba ang fifty na menus? Marami-rami din iyon.”
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tiningnan ang waiter. “Kahit tatlong menu nalang po okay na sa akin,” ani ko.
“Let me choose for her.” Kinuha ni Conal ang menu at binasa ito saglit. “Chicken curry, Italian pasta, itong buttered abalone at buttered shrimp for her. Pati na rin itong fruit shake at tubig.”
“Okey sir, copy all your orders,” ngumiti ito habang mabilis na nagsusulat. “Sumunod po kayo sa akin sir for your table.” Naunang humakbang ang waiter at tahimik lang kami ni Conal na sumunod. Gutom na rin ako. Iyong pagkarami-raming pagkain na nakain ko sa bahay ni Marfire ay bigla iyong natunaw.
Sa pinakadulo kami umupo. Habang ang mga pinamili naming grocery ay bitbit namin ang mga cart. Mabuti nalang talaga at kaunti lang ang tao dahil kapag nagkataon na marami ay siguradong sisikip.
“Hintayin niyo nalang po ang fifteen minutes Sir/Ma’am… ang mga isi-serve namin sainyo ay purong sariwa po.”
“Thank you,” ako na ang nagkusang magpasalamat. Nang makaalis ito ay mabilis kong tiningnan si Conal. Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin.
“May dumi ba ako sa aking mukha?” kunwari kong tanong. Medyo nahiya ako sa kanyang tingin.
“Wala, naisip ko lang na all of these things ay nagagawa ko na kasama ka.”
“Ha?” umawang ang labi ko, “ang ibig niyo mong sabihin ay hindi mo pa naranasan ang kumain sa restaurant at mag-grocery?”
Mabilis siyang umiling, “never in my life, at maganda pala sa pakiramdam ang ganito.”
“Kaya pala nagpa-panic buying ka,” mahina kong wika sa aking sarili.
“Narinig ko iyon.”
“Ha?”
“Narinig ko ang sinabi mo, hindi naman panic buying iyong ginawa ko. Gusto ko lang na masigurado ang lahat. At baka maghihigpit ako sa rules ng bahay.”
“Bakit naman?”
“I’m a vampire and a creature like me has many enemies.”
“Tulad ng?” medyo curious ako. Ang mga napapanood ko lang naman sa mga movies ay werewolves ang kanilang mga kaaway. Minsan kapwa bampira lang ang nag-aaway.
“Marami, danger is anywhere kaya kailangang maging mahigpit ako sa bahay.”
Bigla akong kinabahan para sa kapatid ko. Paano nalang kung aalis iyon? Nasa siyudad kami at baka maisipan nitong gumala tuwing gabi sa mall.
“Pero hindi naman super strict, you still have the freedom sa gusto ninyong gawin basta kailangan lang ng pag-iingat.”
“Sa tingin ko ay mahihirapan tayo sa aking kapatid, Conal.”
“Bakit naman?”
“Hindi nito alam na bampira ka… paano kung palagi itong lumalabas tuwing gabi?”
“Iyong ang isa sa ipagbabawal ko. Hindi ligtas tuwing gabi sa siyudad. Maraming gumagala na bampira at alam mo iyon Margaux dahil ikaw mismo ay nakasalamuha ang ilan sa mga kalahi ko. Bonus na iyong taong lobo.”
Napatango ako. Hindi nga ligtas rito. Siguro naman ay makikinig iyong kapatid ko kung si Conal na mismo ang magsasabi sa mga bawal.
“And I think hindi na naman siguro lalabas ang kapatid mo. May laptop na siya at stable internet connection. Kapag wala siyang nakakasama na gumala ay hindi ito magkakaroon ng interest na gumala sa gabi.”
“Kaya mas mainan na sa school ko siya papasok para mabantayan ko at ako mismo ang pipili kung sino ang kanyang kakaibiganin.”
“I’m bit curious kung saan ka nag-aaral… puwede ko bang malaman? Ako ang maghahatid at sundo saiyo kaya kailangan ko ng impormasyon.”
“Sa Winter University,” sagot ko. Napansin ko na medyo umawang ang kanyang labi. Gumalaw ang adams apple nito dahilan para mapalunok ako ng laway.
“Foods are ready,” may lumapit sa amin na tatlong waiter at inilapag nito ang mga pagkain.”
“Thank you,” ngumiti ako ng matamis nang malapag ng mga ito ang lahat ng pagkain. Mas lalo pa akong natatakam dahil sa mga seafoods. Sobrang dami niyon pero hindi ko na naiisip kung kaya ko ba iyong ubusin.
“Sigurado ka ba na hindi ka kakain? Masarap itong mga pagkain ng mga tao,” tanong ko sa kanya pagkatalikod ng mga waiter.
“Amoy palang ay hindi ko na gusto how much more sa taste? We don’t consider human foods bilang pagkain namin.”
“Well, hindi kita pipilitin. Maglaway ka nalang.” Iyon lang at nilantakan ko na ang mga pagkain.
Sarap na sarap ako sa pagngauya. Medyo awkward lang dahil nakatingin sa akin si Conal. Tila nanonood lang ito ng on the spot na mukbang.
Hindi ko nalang siya binalingan. Sa tingin ko ay kailangan kong masanay rito. Mukhang masusundan pa ang pagtitig niya sa akin habang kumakain ako.”
“Masarap ba talaga?” bigla niyang tanong.
“Oo… wait, babalitan kita ng hipon,” ani ko.
“No. no… tinanong ko lang.”
“Hindi, dapat ay kailangan mo itong masubukan para naman hindi ka magsisi.” Mabilis ang pagbalat ko sa malaking hipon kaya nang matapos ay kaagad ko iyong itinutok sa kanyang harapan. “Here… kahit isang subo lang.”
Gumalaw na naman ang adams apple ni Conal. Ang sexy niyang tingnan at tila nagdadalawang isip itong kumain.
“Ayaw mo talaga?” tanong ko nang titigan niya lang ang hipon sa kamay ko. “Okey,” sumimangot ako. Ilalayo ko na sana ang aking kamay nang bigla niya itong hawakan.
“I’ll give it a try,” wika ni Conal at kinain ang hipon sa kamay ko. Naramdaman ko pa ang malambot niyang labi na lumapat sa aking daliri.
Titig na titig ako sa kanya habang nginunguya ang himon. Hindi maganda ang ekspresyon ng mukha nito. Nang malunok iyon ni Conal ay kaagad itong napangiwi.
Nakaramdam ako ng awa sa aking ginawa. Mukhang napilitan lang ito, “ayos ka lang ba?” Nag-aalala kong tanong.
“Yeah, now I know hindi talaga kami puwede kumain ng mga pagkain ninyo. Sobrang pangit ng lasa at tila isa iyong tinik sa aking lalamunan.”
“Sorry.”
“Don’t be sorry… it’s my choice to eat the shrimp.”
“Pero ininsist ko kaya medyo guilty ako.”
“Kumain ka na, walang mangyayari sa akin dahil lang kinain ko ang hipon.”
Pinilit kong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.
Halos kalahating oras din akong kumain. Nang matapos kami ay amin ng kinuha ang iba pang pinamili at lumabas na ng mall. Nagtungo kami sa parking lot at siya na ang naglagay sa mga pinamili. Medyo napamangha ako dahil kumasya nga lahat. Ang problema lang ay na okupa na and upuan sa likuran.
“Kailangan na muna nating daanan si Marfire sa kanyang bahay,” aniya at umalis na kami.
Naging tahimik ang pagitan sa amin dalawa. Nagawa naming makarating sa bahay ni Marfire na walang kaimik-imik.
“Mas mabuti kong dito ka nalang sa loob. Ako na ang papasok sa loob to get the blood.”
“Si-sige,” iyon lang pala ang dahilan niya.
Inaaliw ko nalang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglaro sa aking buhok. Hindi paman ako napapagod nang bumalik na siya ay may dala itong dalawang malalaking paper bag. Kaaagad akong natigilan. Mukhang iyon na nga yata ang dugo.
Iniligay niya iyon sa trunk ng kotse nito. Mukhang nagkasaya naman kaya kaagad nang bumalik si Conal sa harapan.
“Hindi na ba sasama si Marfire?”
“Nandoon na siya actually. Pupunta kasi ngayong oras ang magi-install ng wifi sa bahay kaya kailangan may pumunta roon.”
“Ahh,” tumango ako. “Iyong dala mo? Dugo ba iyon?” kahit alam kong dugo iyon ay tinanong ko pa rin.
“Oo,” tipid nitong wika at umalis na kami.
Nasa harap na kami ng malaking bahay nang inihinto ni Conal ang kotse nito. Nagmamadali siyang lumabas at binuksan ang gate. Bumalik siya sa loob ng kotse para ipasok na ito.
Hindi paman kami nakakababa ay lumabas na si Marfire. May napapansin akong iilang tao sa loob. Mukhang ang mga ito ang nagkabit ng wifi.
“Sobrang dami nang pinamili ninyo,” ani Marfire nang sabay kaming bumaba ni Conal.
“Kaunti pa nga ‘yan, e.”
“Seriously?” napatawa si Marfire. “Understandable na siguro iyon dahil unang beses mo itong humiwalay saiyong pamilya. Baka sa susunod na mga buwan ay baka buong mall na ang bilhin mo, Conal.”
“Sira,” napatawa ang binata. “Ang mabuti pa ay tulungan mo na kami para maipasok to lahat.”
“Haist, mukhang ginawa mo na akong alila ngayon.”
“Ngayon lang ito.”
“Whatever, by the way, baka makalimutan mo ang assignment natin bukas. Ikaw ang gagawa no’n.”
“Nasa bahay ang aklat,” nanlaki ang mga mata ng binata.
“Puwede ka namang gumawa lang. May picture naman sila Majoy as evidence.”
“No, kukunin ko nalang iyon. May mga babasahin rin ako, e.”
“Ikaw ang bahala pero huwag ka munang umalis hanggat hindi pa naaayos ang lahat sa bahay mo.”
Nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Hindi ko magawang makipagsalita dahil nahihiya pa ako. Lalo na kay Marfire na mukhang suplado. Maging si Conal ay sobrang suplado ng mukha nito at bihira lang ngumiti. Ngunit mas nauna ko siyang nakilala kaya komportable ako ng kaunti.
Isang dalahan lang ginawa ng dalawa. Hindi na nila ako pinatulong. Napamangha ako dahil nagawa nila iyong bitbitin na walang kahirap-hirap. Pinauna ko silang makapasok.
Pagpasok ko sa loob ay napaawang ang aking labi. Sobrang laki at ang ganda rin ng bahay. Halos magkasing laki lang iyon sa bahay ni Marfire. Pero hindi ako sigurado. Napansin ko ang tatlong lalaki na nagkakabit ng wifi sa may dingding. Hindi ko sila binalingan at sumunod ako sa kusina.
Ang buong akala ko walang gamit sa loob ay sobrang dami pala. May isa pang pinto at doon pumasok sina Conal. Iba ang lutuan at iba rin ang kainian.
“Ako nalang ang mag-aayos nito lahat.”
“Sigurado ka?” tanong ni Conal sa akin.
“Oo, madali lang naman to. Noon nga ay ako ang nag-aayos sa mga pinamili ni Mama sa tuwing pupunta ito ng palengke.”
“Maiwan ko muna kayo,” biglang wika ni Marfire at lumabas ito.
“Tutulungan na kita. Gusto ko ring matuto ng mga gawaing bahay.”
“Ha? Hindi mo na naman kailangan gawin iyon. Ako na ang gagawa ng lahat ng ito and beside, amo kita.”
“Matanong ko lang, magkano ang suweldo mo sa isang buwan?”
“Nakadipende ‘yon, e. Iyong kerenderya ay nasa apat na libo lang.”
“Apat na libo?” nanlaki ang mga mata nito.
“Oo, apat na libo as in four thousand.”
“Ang liit.”
“Wala naman akong magagawa, e. Kapag magrereklamo ako ay mawawalan ako ng trabaho kaya pinagtitiisan ko nalang.
“Okey na ba saiyo ang thirty thousand per month? Para may pambili ka ng mga pagkain at gamot sa mga magulang mo.”
“Sobrang laki ng thirty thousand. Sapat na sa akin ang five thousand.”
“I’ll make it thirty thousand dahil dito na mag-aaral ang kapatid mo. Ikaw nalang ang bahalang magbigay sa kanya ng allowance.”
“Naku, sobrang laki pa rin no’n. Singko pesos lang naman ang baon no’n, e.”
“Ha?” nanlaki ang mga mata ni Conal. “Ano ang mabibili ng kapatid mo sa singko pesos?”
“E, iyon lang ang kaya sa budget ko. Hindi naman nagrereklamo kaya okay lang.”
“I’ll make it forty thousand.”
“Ha? Malaki na nga ang trenta nilakihan mo pa?”
“Forty thousand will be the final money I will give montly.”
“Conal,” ako na ang nahiya sa bampirang ito.
“Just give me your blood kapag naubusan ako. Iyon na ang kapalit sa forty thousand.”
“Ayoko,” mabilis akong napailing. “Kahit one thousand nalang… huwag mo na pakialaman ang dugo ko.” Paano kung mapatay niya ako? Paano kung sobrang sakit? At paano kung magiging bampira ako? Ayokong maranasan ang lahat ng iyon!
“I’m just kidding,” sobrang guwapo na ngumiti si Conal.
Napalunok ako ng laway sa ginawa niyang iyon.