VV: 17

2377 Words
Chapter 17: Winter University KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Sobrang tahimik ng buong bahay. Kung wala sigurong nakatira sa bahay na ito ay malamang matagal nang may namumugad na mga multo! Pababa na ako ng hagdan nang may marinig akong kaluskos sa kusina. Kumunot ang noo ko at nagmamadaling pumasok. Nanggagaling ang ingay sa isa pang pinto. Kaya nang buksan ko iyon tumambad sa harapan ko si Conal. Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway dahil naka-boxer ito at naka-topless. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng kanyang katawan. At ang kanyang mga abs? Tila natutukso akong hawakan iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. "Goodmorning," bati niya. "Go-goodmorning din." Inilayo ko ang aking mga mga sa kanyang hubad na katawan. "I just fixed some of the faucets kasi kagabi ko pa naririnig ang mga patak ng tubig." "Ahh," tumango ako. "And by the way, may nalabas na akong iluluto mo. Naisip ko na baka matagalan ka pa kapag hinintay mong ma-defroze ang karne." "Hindi ba talaga kayo natutulog?" Alam kong paulit-ulit itong tanong ko pero imposible naman yata iyon. "We don't sleep." "So ano ang ginagawa mo whole night? Like kagabi, ano ang ginawa mo?" "Wala lang, just doing the reading, minsan lumalabas ako para masigurong ligtas ang bahay." "Ang weird naman." "You'll feel what's vampire to you if you become one of us." "Ayoko," mabilis akong umiling, "nadidiri na nga ako sa dugo tapos bampira pa kaya? Sapat na sa aking ganito ako tapos nakilala ko ang mga katulad ninyo. Kahit papaano kung mamatay ako ay meron ka na magsasagawa ng aking burol." "What if maging bampira ka? And what if kahit hindi mo gusto ay ginawa ka paring bampira." "Naku, hindi 'yan mangyayari. Magkakamatayan muna kami sa gagawa no'n sa akin." Pinangarap ko lang na maging mayaman. Hindi maging bampira! "Okay, ang mabuti pa ay maghanda ka na. Babalik nalang ako rito kapag kakain ka na." "Kakain ka rin?" "No, kakain ka at iinom naman ako ng dugo." "Ha? Iinom ka ng dugo sa aking harapan?" nanlaki ang mga mata ko. "Don't worry, para lang akong umiinom ng wine." Iyon lang at bigla nang naglaho sa aking harapan si Conal. Napabuntong hininga akong nilapitan iyong inilabas niyang karne. Malambot na iyon at hindi na ito nagye-yelo. Mabilis ko itong niluto. Habang naghihintay na lumambot ang karne at minabuti kong magsaing ng kanin. Pagkatapos ng isang oras na pagluluto ay naghahanda na ako. Lalabas na sana ko para tawagin si Conal nang sumulpot ito sa aking harapan! Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang dala-dala. "Barbie!" nasa kanya ang aso kong si Barbie! "Bakit na sayo ang aso ko?" "She's Sweety. Nakita ko siya sa loob ng campus." Napatitig ako sa kanyang suot na uniform. Mas lalo pa ako nagulat nang naka Winter University uniform siya! "Doon ka rin nag-aaral?" "Yeah? And I found Sweety sa school." "Thank you Conal." Sa saya ko ay na yakap ko siya. Hindi ako mag-aakalang siya pala ang nakapulot kay Barbie. Mabilis akong kumiwala at kinuha si Barbie. Hinalikan ko ito sa ulo nito. "Ang bango naman ng Barbie ko." "She's Sweety not Barbie." "Barbie ang totoo niyang pangalan." "Pero hindi siya nag re-response kapag tinatawag mo siyang Barrbie" "May response kaya siya? Tingnan mo." ibinaba ko si Barbie at umatras ako. "Barbie, come to me." Tawag ko sa aking aso. Nilakihan ko pa ang aking ngiti ngunit nanatili lang ito sa kinatatayuan. Tinawag ko pa siya ngunit wala pa rin. "Sweety, come here… " tawag ni Conal. Nagmamadaling lumapit si Barbie kay Conal na ikinalaki ng aking mga mata. Paanong sa kanya lumapit ang aso ko gayong kami naman ang nagsama ng mas matagal ni Barbie? "Bakit sa'yo lumapit si Barbie? Ginayuman mo ba ang aso ko? " "She loves me, simple answer." "Ang daya naman, aso ko yan tapos sayo lumapit," sinimangutan ko siya. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Conal bahagya itong lumapit sa akin. "Kumain ka na baka ma-late pa tayo." "Sandali," mabilis ko siyang pinigilan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon na pareho pala tayo ng school, ha?" "Hindi mo ako tinanong kaya hindi ko sa'yo sinabi." "Ganoon?" May punto nga naman siya ngunit sana binigyan niya ako ng hint man lang o pinaalam niya. "Kumain ka na." Tumalikod siya sa akin. Iyong ako ko, panay ang sunod kay Conal. Pinabayaan ko nalang ito. Baka talaga nagtampo sa akin si Barbie. Inisip kaya nito na pinabayaan ko siya? "Hali ka na," tawag niya sa akin nang nanatili ako sa aking kinatatayuan. Lumapit ako sa mesa ngunit doon ako sa kanyang harapan umupo. May kalis sabtsbi ng pitsel ni Conal at sa kabilang gilid ng kalis ay may isang maliit na bote. Hindi ko siya tinanong kung ano ang bote na iyon. Kinuha ko nalang ang aking agahan at sabay na kaming kumain dalawa. Napansin kong ginalaw niya ang bote at naglagay ng isang patak sa loob ng kalis nito. "Para saan 'yon?" hindi ko mapigilang tanong. "Herbs, pampagana ng inom sa dugo." "Ha? Akala ko ba puro dugo lang ang inyong iniinom? Bakit may additives?" "May magic sa katas ng halaman. Galing pato sa kaharian nina Marfire." Nilaro ni Conal ang ang maliit na bote. "Kaharian? May kaharian ang mga bampira?" napaawang ang labi ko. "Marfire shared both vampire and fairy blood." "Mayroon palang ganoon?" mas lalo pa akong nagulat. "Yeah, as long na compatible ang dalawang creature, why not? Love is everything and infinite. Love doesn't choose." "Sabagay," ngunit nakakagulat lang talaga na ganoon pala ang pinanggalingang lahi si Marfire. Kumain na ako habang si Conal naman ay sarap na sarap sa pag-inom ng dugo. Nakakatuwa lang dahil inakala kong mandidiri ako ngunit wala akong kakaibang naramdam. Parang normal lang kaming kumakain dalawa. "By the way, hindi ako sasabay sainyo sa pagkain kapag nandito na ang iyong kapatid. Baka mag hinala ito. At kung may mga taong siya ikaw nalang ang bahala ng gumawa ng kuwento. Importanteng magtago mo sa kanya ang tunay kong pagkatao." Mabilis akong tumango, "ako na ang bahala sa kapatid kong 'yon." "Good." Nagpatuloy na ako sa pagkain habang si Conal naman ay tapos na ito. Nauna itong tumayo sa akin at hinugasan ang kalis. Nagmadali na rin ako. Nang matapos ay mabilis kong niligpit ang aking pinagkainan. Nagtungo muna ako sa aking pinaglutuan dahil kukuha pa ako ng baon. Mas mainam na nagbabaon ako para iwas gastos. Inihanda ko ang aking mga gamit. At pagkatapos ay umakyat na ako. Naging mabilisan ang aking pagligo. Pormal na damit na muna ang aking isinuot kasi hindi pa ako nakakuha ng uniform. Wala kasi akong pero noong nagpa-enroll ako last week kung kaya hindi ako nakabili. Tapos iyong scholarship ko na nakuha rito ay hindi shoulder lahat. Iyong ibibigay ni Conal sa akin na pera ay iyon ang aking gagamitin. Bumaba na ako at nandoon na si Conal sa sofa. Bihis na bihis na ito at mas lalo pang pumugi sa aking mga mata. "Ready ka na ba?" tanong niya. "Sandali," nagmamadali akong nagtungo sa kitchen at kinuha ang aking hinandang baon. Mabilis akong bumalik sa sofa ngunit wala na roon si Conal. Nakabukas na ang pinto ay narinig kong umandar ang kotse. Nagmamadali akong lumabas. Ako na ang nag-locked ng pinto at pumuntang garahe. Nakasakay na si Conal at nakabukas na ang pinto. Mukhang hinanda nito ang lahat. Pati gate ay nakabukas na rin. Nang sumakaw ako ay kaagad na kaming umalis. "Hindi mo ba isasara ang gate?" tanong ko sa kanya. "Okay na yon. Wala namang magnanakaw, e." "Ganoon? Sabagay, mayaman ka naman kaya okay na kung ipapanakaw mo ang mga gamit sa loob ng iyong bahay." "Kung na nakawin nila edi, okay." Ganito ba talaga mag-isip ang mga bampira? Iyong okay na ang lahat sa kanila? Sabagay, mga imortal silang nilalang bawat bagay sa mundo ay parang wala na iyon sa kanila. Tamang sabihin walang halaga. Kung magiging bampira kaya ako ay kagaya din ba nila akong mag-isip? "Ano ang iniisip mo?" bigla niyang tanong. "Wa-wala naman." "May iniisip ka, puwede mo sa aking sabihin." "Wala nga." "Okay." Pagkasabi na iyon ni Conal ay mabilis niya akong hinawakan. Hininto niya ang kotse at kaagad kaming naglaho. Nakarating kami sa magubat at naglalakihang mga puno ng kahoy. Kaagad akong nakaramdam ng hilo kung kaya't napakapit ako sa kanya. Tiningnan ko siya. Nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Kakaiba iyon, kulay amber na may halong berde at ginto. Iwan hindi ko maipaliwanag kung gaano ka ganda ang kanyang mga mata. "Pumunta ka sa aking likuran." Hindi paman ako nakuha ay ito na ang humila sa akin upang ilagay ako sa likuran. May sumulpot na dalawang lalaking bampira sa aminng harapan. Magkakamukha halos ang mga ito. Kaagad akong kinabahan dahil mga kapatid iyon ni Conal. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagpakita sa akin sa bahay ni Marfire. "Nag tigas ng iyong ulo Conal, hindi makabubuti saiyo na humiwalay sa amin. Mas lalo mo lang inilalagay ang iyong sarili sa kapahamakan." ani nong isa. "Buhay ko na ito. At wala na kayong pakialam sa akin. Mamatay man ako o hindi labas na kayo." "Kapatid ka namin kaya hindi puwedeng pabayaan ka nalang," wika ng isa pa. "Bakit hindi ko naramdaman ang inyong sinseridad noong inataki ako ni Kuya Raxos? Bakit hindi ko naramdaman mga kapatid ko kayo? Ang tanging naramdaman ko lang ay kung gaano kayo ka hi gpit sa akin at umabot pa ito na wala akong nalalamang ibang bagay." "Dahil mas nakakabuti saiyong wala kang nalalaman, Conal!" Humigpit ang pagkakahawak ko kay Conal. Hindi na maganda ito. May namumuong alitan sa magkakapatid. "Ano ang alam niyo sa nakakabuti o hindi?" "Conal, umalis nalang tayo. Huwag mo na silang sagutin. Mga kapatid mo 'yan." Mahina kong wika sa kanya. Sigurado naman akong narinig nila iyon. "Siya ba ang dahilan Conal?" napatingin sa akin ang dalawang kapatid ni Conal. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Conal. Bigla akong natakot sa kanilang mga mata. Nanlilisik iyon at tila papatay ng tao anumang oras. "Huwag niyo siyang idamay rito. Alam niyo na kayo ang dahilan kung bakit ako nagkaganito." "Maayos naman tayo, ah? Nagsimula ito nang pumasok ka na paaralan na iyon. Kung hindi ang babae iyon sino ang dahilan kung bakit ka ngayon umalis ng bahay?" "Mahirap bang intindihin ang salitang kayo? Kayo ang may kasalanan ng lahat ng ito!" May kakaibang hangin na lumabas bigla pagkatapos sumigaw ni Conal. Kitang-kita ko kung paano nagulat ang dalawa niyang kapatid. "Umalis na kayo." Utos ni Conal sa dalawa. "Ikaw ba ang lumikha sa hangin na iyon?" "Umalis na kayo!" "Tayo na Luna. Hindi natin siya mapipilit," wika ng isang kapatid ni Conal at naglaho ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ng nawala ang dalawang kapatid ni Conal. Napatitig ako sa kanya. Sobrang lungkot ng kanyang mga mata at bumalik na ang dating kulay nito. Hinimas ko ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya kalungkot. "Okay lang 'yan… Darating ang araw na magkakaayos din kayo." "Hindi ko na kilala ang aking sarili. Nasasagot ko sila ng ganoon kalala. Natatakot ako na baka masagot ko rin ang aking mga magulang." "Hindi ba umuwi ka sainyo kahapon saglit?" "Wala silang lahat. Nasa trabaho kaya hindi ko sila nakausap." Napabuntong hininga ako, "kaya ba bumili ka ng bahay mo upang lumayo sa kanila?" "Galit na galit ako sa kanila. Mayroon silang itinatago sa akin na hindi ko puwedeng malaman." "Narinig ko nga iyon. Ngunit bakit kailangan pa nilang itago? Ano ang mangyayari kung sasabihin nila iyon saiyo?" "Hindi ko rin alam Margaux. Ang gusto kong mangyari ngayon ay huwag na muna silang makausap. Hangga't hindi nila sinasabi sa akin ang totoo ay magmamatigas ako." "Hayaan mo ang oras at panahon na ang mga ito mismo ang magsisiwalat sa katotohanan," binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Magtiwala ka lang palagi, okay? Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa eskwelahan. Siguradong late na tayo ngayon." "May bente minutos pa tayo… tara na." Walang pasabing niyakap ko si Conal. Ayokong mahilo na naman kagaya sa nangyari kanina. Naramdaman kong umangat na kaming dalawa at nakarating kami sa harap ng kotse. Mabilis akong kumiwala sa pagkakayakap at pumasok na sa loob ng kotse. Naging mabilis ang pagpapatakbo ni Conal. Medyo nakaramdam ako ng nerbyos. Akala ko ba ay may bente minutos pa kami? Bakit naghahabol kami ngayon ng oras? "Ganito ka ba kabilis magmaneho kapag late na?" "Not really, kailangan ko lang magmadali kasi reporting namin mamaya. Hindi ko alam na kailangan pa palang iulat ang aming ginawang assignment. Kung hindi ko iyon binasa kagabi ay hindi ko malalaman. At kung maaga ko pa iyong nalaman ay hindi sana ako ang gagawa" "Ako naman ay kailangan ko pang hanapin ang mga room ko. Umuwi ako kaagad pagkatapos ng aking enrollment kaya kailangan kong mag tiyaga ngayon." "Gusto mo ay samahan na kita? Baka hindi mo mahanap?" "Ako na, para naman ma-experience ko kung paano maghanap ng room." Hindi ko pa naranasan iyong maghahanap kuno ng classroom kasi naman iyong paaralan sa probinsya namin ay kaunti lang ang building. Hindi kagaya ng Winter sobrang laki at dami. "Nagbayad ka na ba ng tuition mo?" "Nakapasa ako sa scholarship exam ng senior high. Supposed to be grade 12 na ako ngayon ang kaso huminto ako last year. Hindi ako nagpatuloy kasi inuna ko ang trabaho. Kaya nong naisipan ko at nakatipon ng kaunti ay nagdesisyon na akong bumalik." "Okay, good to hear." Iyon lang lang at hindi na ito muling nagsalita. Pagdating namin ni Conal sa University ay kaagad kong nakita si Marfire na matamang naghihintay. Tumingin siya sa aming gawi nang sabay kaming lumabas ni Conal. "Paano, see you around? Hintayin mo ako dito mamayang uwian." "Sige, goodluck sa reporting ninyo." "Thanks," nagmamadaling umalis si Conal at lumapit ito kay Marfire. Hinintay ko lang na makaalis ang dalawa. Nang mawala ang mga ito sa aking paningin ay hinanap ko na rin ang aking classroom. Nakakalula ang laki ng buong campus. Mabuti nalang talaga ay may pangalan ang mga building kung kaya't medyo madali ang maghanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD