VV: 18

2562 Words
Chapter 18: Unang Misyon NANLAKI ang mga mata ni Conal nang tumangging mag-report ang kanyang kasamahan sa kanyang ginawang assignment kagabi. Hindi raw sanay ang mga ito na mag-ulat dahil hindi sila marunong magsalita sa harap ng mga tao. “How about you Marfire?” baling niya sa kaibigan na kung saan ka-grupo din niya. “As much as I want to report pero ikaw ang gumawa, eh. Kabisado mo ang mga inilagay mo diyan kaya ikaw nalang ang mag-ulat.” “Seriously? Ako ang gumawa tapos ako ang mag-uulat?” “Kaya mo na iyan Conal, e, kung nandito sana si Haidee edi siya sana ang mag-uulat niyan. Ang kaso hindi yata iyon papasok ngayon,” bulalas ni Analyn. Inirapan niya ang mga ito. May kung anong kaba sa kanyang puso ngunit minimal lang naman iyon. Ayaw niya lang kasi tumayo sa harap ng kanyang mga kaklase. Kung alam niya lang sana na siya ang mag-uulat edi ibinigay niya nalang sana ang output at umalis. “Okay class,” ani ng instructor. “Handa na itong ating projector at laptop na gagamitin. Sino ang unang mag-uulat sa kanilang nasaliksik?” “Ma’am!” tawag ni Majoy. “Ang aming grupo po, kami ang mauuna ma’am.” Inirapan na naman niya ang tatlo nang tumingin ang mga ito sa kanya. Mukhang wala na siyang magagawa pa. Nakakahiya rin kapag tumanggi siya. Hindi mapigilang mainis ni Conal sa mga ito! “Okay, sino ang mag-uulat? Akin ang inyong flashdrive?” Mabilis na tumayo si Conal at nagpunta sa harapan. Ramdam na ramdam niya ang mga matang nakatitig sa kanya. “Wala ba itong virus, Conal?” “Wala pong malware ‘yan, Ma’am.” Bumili na rin siya ng flashdrive kasabayan nong tatlong mga laptop at wifi. Mabuti nalang talaga at nag-recommend iyong nagtitinda. Hinintay ni Conal na lumabas ang kanyang presentation. Kaya nang nabuksan na ito sa harap ng malaking LCD screen projector ay kaagad na siyang nagsimula. “Magandang umaga sa lahat… ako ang naatasang mag-ulat sa aming ginawang proyekto tungkol sa Philippine Mythical Creature. The first one is the famous vampire, according to research vampire is a foreign mythical creature but the people adopted it because of the famous movie Twilight. We had read a book came from a very old man. The book tells that vampire existed in the beginning of the world. Ang mga bampira ay naging kasabayan na ng mga taong naninirahan rito. Sinasabi na ang mga bampira ay nabubuhay lang dahil sa dugo ng mga buhay na nilalang. Malayang naninirahan ang mga tao at bampira noon haggang sa dumating ang iba pang mga nilalang. Ang mga diwata, athapos at mga taong lobo.” Napahinto saglit si Conal. Tiningnan niya ang kanyang mga kaklaseng tutok na tutok sa kanyang ginawang report. Nilagyan kasi niya ito ng mga larawan. “Before you proceed sa iba pang creature, Conal kaninong larawan ang bampirang iyan?” nakakunot-noong tanong ng kanila ng instructor. Tiningnan niya si Marfire. Nang gawin niya kasi ang presentation ay sumaglit siya sa bahay ng kaibigan upang ito ang mag-provide sa mga pictures. “Binili po namin sa isang sikat na website.” paliwanag ni Marfire. “Wow, so amazing. Talagang nagbayad pa kayo nito?” kay Marfire ngayon nakatingin ang kanilang instructor. “Yes, Ma’am.” “Very nice, go ahead Conal. Excited ako sa mga susunod na mythical creature na inyong ipapakita.” Napatango si Conal, “ang kasunod na aking iuulat ay ang tungkol naman sa mga diwata. Sila ang mga nilalang na may katawang tao at may malaking pakpak na parang balat. Sobrang ganda nilang mga nilalang at mga mababait lahat. Ang mga diwata ay mahihiwagang nilalang. Isolated sila sa iba, ang kanilang mundo ay hindi basta-basta napupuntahan. At ang kasunod ay ang mga athapos, sila ang mga nilalang na tao tingnan ngunit nagagawa nilang mamuhay ng mahabang panahon. Ang panghuli na aking iuulat ay ang mga taong lobo, sila ay mga tao ngunit nagiging malaking hayop sa tuwing gusto nila. Ang mga bampira, diwata, athapos at mga taong lobo ay puro mga imortal. Ang ibig sabihin ay hindi namamatay ang mga ito. Bukod roon ay may taglay silang mga kapangyarihan. Kakaibang kapangyarihan na hindi taglay ng mga normal na tao.” Sinunod na inulat ni Conal ay ang iba bang mga mythical creature tulad ng mga aswang, tikbalang, tiyanak at marami pang iba. “Iyon lamang po.” Sa wakas ay natapos na siya sa pag-uulat. Babalik na sana siya sa kanyang upuan nang biglang pumigil ang kanyang instructor. “Huwag ka munang umalis, Conal. May gagawin pa tayong open forum. Kung saan sasagutin mo ang mga tanong ng iyong mga kaklase kung magtatanong sila.” “Sige po, Ma’am.” Mabilis siyang tumango . “Okay class, kung sino ang may maibibigay na tanong kay Conal ay bibigyan ko ng puntos ang inyong grupo.” “Ma’am!” may isang babaeng biglang tumayo. “Yes, Judy… ibigay mo na ngayon din ang iyong tanong.” Tumango ang estudyante at direkta itong tumingin kay Conal, “sa mga napapanood kong palabas tulad halimbawa ng mga bampira. Kapag raw ang tao na nakagat nito ay magiging bampira rin. Totoo ba iyon?” Bago paman sumagot si Conal ay napatingin siya kay Marfire. Tumango lang ito kaya ngumiti siya ng matipid. “Sa aking nabasa na libro. Ang mga bampira ay may kakayahang gawing bampira ang mga tao kung ito ay kanilang nanaisin. Nagagawa nilang magbigay ng venom. Ngunit kapag kinagat ka ng bampira dahil gusto ka lang nitong inumin ang iyong dugo ay hindi ka magiging isa sa kanila. Bagkus ay mauubos lang ang iyong dugo at mamamatay ka. Kung gagawin ka naman nilang kagaya nila, may kakayahan silang magpalabas ng venom. Doon ay magiging bampira ka na.” Mahabang sagot ni Conal. Mabuti nalang talaga at nagawa niyang basahin ang nakasulat sa aklat kahit dalawang oras lang ito. “Conal may tanong ako,” may tumayo na namang isang babae. “Nasabi mo ang tungkol sa mga athapos. Bago pa ito sa aming pandinig. May alam ba kayong mas malalim na impormasyon tungkol sa kanila?” Tumango siya, “ang mga athapos tulad ng aking sinabi ay mga imortal, may kapangyarihan at namuhay rin ng matagal. Sa aking nabasa, ang mga athapos ay sinasabing mga masasamang nilalang na halang sa kapangyarihan. Ang mga athapos raw ay ikinulong dahil sa masasama nilang mga gawain. Ngunit may sabi-sabing marami pa ring naninirahang mga athapos dito sa ating mundo.” “Ano ang dahilan kung bakit sila naging athapos? Tao ba sila na may nakain? O tao ba sila na pinarusahan ng mga diwata o ano paman?” tanong ng kanilang instructor. Halatang hindi kontento ang mga ito sa kanyang sinabi. “Ang mga athapos ay nilalang na kaagapay ng mga bampira noon,” biglang tumayo si Marfire. “Lahat ng mga nilalang noon ay masayang naninirahan kasabayan ng mga tao. Ngunit tanging mga athapos lang ang naging mas malapit sa mga bampira. Hindi takot ang mga ito sapagkat may dugong nakakalason ang mga athapos. Dumating ang araw, ang mga lalaking athapos ay naging ganid sa kapangyarihan. Pinatay nila ang mga babaeng athapos upang hindi ito makapag-asawa ng mortal na tao. Sa oras na kanila iyong ginawa ay manghihina ang kanilang lahi. Sinasabi ng mga bampira na mawawala daw ang kapangyarihan ng mga athapos kapag umibig ang mga ito sa mga tao. Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga bampira, iyon ay isa lamang patibong. Lihim na may ginagawang plano ang mga athapos. Hindi nila pinapatay ang mga babae. Bagkus, dinala nila ito sa mundo ng mga tao upang magparami.” Napaawang ang labi ni Conal. Wala iyon sa kanyang binasa. Saan nakuha ni Marfire ang ganoong impormasyon? Nagpunta kaya ito sa mundo ng mga diwata upang magtanong? Tinitigan niya lang ito. “Tapos? Ano ang nangyari?” nakukulangan pa ang kanilang instructor. “Ang mga lalaking athapos ay naparusahan at nakulong. At ang mga babaeng athapos naman ay hindi na nabalitaan ang mga ito, Ma’am. Kaya naging kuwentong bayan na ang lahat.” “Nakakatuwa dahil nakakuha kayo ng ganoong impormasyon. May marami akong nalalaman sainyo.” Abot hanggang tenga ang ngiti ng kanilang instructor. Nang wala ng nagtanong kay Conal ay bumalik na siya sa kanyang upuan. Mabilis niyang tinignan si Marfire. “Saan mo nalaman ang tungkol sa mga athapos?” curious niyang tanong rito. “Kay ina, bumalik ako kagabi sa mundo namin upang magtanong sa kanya.” “Bakit hindi mo ako isinama?” “Wala ng oras. At isa pa may ginagawa ka baka hindi mo iyon matapos-tapos.” “Iyong hiningan kita ng mga larawan ay hindi ka pa no’n umalis?” “Nang maibigay ko saiyo ang mga larawan ay kaagad na akong dumiritso. Iyong mga larawan ay sa internet pa talaga iyon. Mabuti nalang at open ang site kaya nakakuha ako ng mga larawang hindi nila napapakita. Nakakapagtaka nga, e. May mga ganoon silang larawan ng mga nilalang na ating kalahi.” “Ang ibig mo bang sabihin ay totoo talaga ang mga iyon?” mabilis na naningkit ang mga mata ni Conal. “Totoo iyon. Iyon ang dahilan kaya mabilis akong nagbalik sa aming mundo. Ipinakita ko kay Ina ang mga larawan ng isang diwata. Kilala niya ang diwata na iyon ngunit namatay na ito. Sinabi sa akin ni ina na binihag ang diwatang nasa larawan.” “Sino naman ang may gawa no’n?” “Ang mga athapos, Conal. Malakas ang kutob ko na mga athapos rin ang nagbebenta ng mga illegal na larawan sa internet. Kapag marami pa ang nakabili niyon ay nanganganib na tayo.” “Paano iyon? Nai-ulat na natin sa kanila ang mga totoong impormasyon?” “Papaniwalaan nila ang kanilang iniisip na isang kuwentong bayan lang ang lahat ng iyon. Sa oras na kumalat ang mga larawan ay magkakaroon na ng ideya ang ilan sa mga tao.” “Kung ganoon ay kailangang mapigilan natin ang kanilang ipinagagawa?” “Iyon ang aking binabalak, Conal. Maglalabas tayo ng pero upang magbayad at i-trace ang mga athapos na iyon.” “Hindi ba masiyadong mapanganib iyon? Paano kung isa iyong bitag? Sa oras na atin silang sasalakayin o pigilan ay paano kung may plano pala ang mga ito sa atin?” “Kasali na iyon sa aking iniisip, Conal. Masiyado silang mapanganib at sobrang misteryoso dahil wala tayong naging balita sa kanila. Maging si Ina ay hindi iyon sinasabi sa akin.” “Kung ganoon ay tutulong ako saiyo Marfire. Ang kailangan muna nating gawin ay magsanay habang hinahanap ang mga athapos na nagkakalat sa internet.” “Maiba ako… paano natin hahanapin si Lumino? Sa sobrang daming mga tao rito ay mahihirapan tayo,” ani Marfire. “Iyon din ang aking iniisip, e. Pero gawin nalang natin ang ating makakaya.” Tumango si Marfire at nakinig na sila sa nag-uulat. Naging mabilis ang pag-uulat ng ibang estudyante kaya mabilis natapos ang lahat. Nagpapasalamat na rin siya dahil sa wakas ay pinalabas na sila. Kaagad na napalingon si Conal sa bawat pasilyo at mga bench sa labas. Hinahanap niya si Margaux. Medyo nag-aalala siya para sa dalaga. Paano nalang kung naligaw iyon. “Conal, Marfire… walang pasok sa susunod na klase kaya huwag nalang kayong magpunta sa room,” may lumapit sa kanilang babae. Mukhang kaklase nila ito. “Sige, maraming salamat.” Si Marfire ang nagsalita. “Mabuti para mahanap natin si Lumino… kailangan nating maghiwalay, Conal. Hindi natin siya mahahanap kung parati tayong magkasama. Sa cafeteria tayo magkikita pagkatapos ng isang oras nating paghahanap sa kanya.” Mabilis na sumang-ayon si Conal. Kaagad silang naghiwalay ng landas. Naging normal lang ang kanyang lakad, hangga’t maaari ay huwag siyang magpapahalata na mayroon siyang hinahanap. Kasabay ng paghahanap niya kay Lumino ay naging malikot din ang kanyang mga mata para hanapin si Margaux. Nakalagpas na siya sa ibang building kaya naisipan niyang pumunta sa iba pa. Hindi pa man siya nakapasok sa isang malaking building ay narinig na niya ang pamilyar na boses. “Hindi ba talaga kayo titigil? Hindi porket mahirap ako ay hindi ko kayo papatulan.” Kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata. Gusto ni Conal na maglaho ngunit hindi puwede. Makikita at makikita siya ng ilang estudyante. Lakad takbo ang kanyang ginawa upang puntahan si Margaux. Nakita niya ito sa isang silid na pinaliligiran ng ilang mga estudyante. Nakita niya ang isa lalaki na may hawak na itlog. Ibabasag nito ang itlog sa ulo ng dalaga. Mabilis siyang lumapit at galit na hinawakan ang braso nito. “Back off!” itinulak niya ang lalaking estudyante at napatilapon ito. Nagulat ang iba kaya kaagad na napaatras ang mga ito. “Follow me,” utos niya sa dalaga. Mabilis siyang tumalikod at sumunod ito sa kanya. Napahinto si Conal sa gitna ng pasilyo. Hinintay niya si Margaux na makalapit sa kanya. “Bakit mo iyon ginawa, ha?” “Kung hindi ko iyon ginawa ay sigurado babasagan ka ng itlog.” “Okay lang naman iyon sa akin, e.” “Shut up,” hinawakan niya sa kamay ang dalaga at kinaladkad ito. “Hoy ano ba, nasasaktan ako.” Hindi niya ito pinakinggan. Mas mabuti pang isasama niya ito sa kanyang paghahanap kay Lumino. Kung iiwan niya si Margaux ay paniguradong babalikan ito ng mga kaklase nito. “Ano ba, Conal. Masakit, nasasaktan ako, e.” Napatigil siya. Tinitigan niya ang magandang mukha ni Margaux. Hindi niya kaya na makitang nasasaktan ang dalaga. “Sorry,” pilit siyang ngumiti. “Wow, ha. May nagso-sorry na ngumingiti?” “Ano ba dapat?” kumunot ang noo niya. “Dapat sincere ka. Para kang baliw na humihingi ng sorry tapos nakangiti.” “Okay… sorry,” sumimangot ang kanyang mukha. “Hindi rin ganyan, para kang napipilitan lang.” “Bahala ka, dami mong arti,” inis niya itong hinawakan sa kamay. Ang akala niya ay makakaladkad na naman niya si Margaux ngunit naging mabilis na ang lakad nito. Nakikipagsabayan na ang dalaga! Halos malibot na nila ang kabilang parte ng campus ngunit walang kakaibang nararamdaman si Conal. Normal ang lahat. Maging sa kanyang pandama na gamit ang puso ay hindi niya iyon mahanap. O baka may kulang pa siya? Ang hirap din kasing gamitin ang puso gayong hindi pa siya sanay.” “Alam mo, para tayong timang. Halos isang oras na tayong palakad-lakad. Ano ba kasi ang hinahanap mo?” “Just keep your mouth shut… may hinahanap akong importanteng tao.” “Ha? Tinawagan mo nalang sana.” “He’s a vampire too.” “Ano? Bukod sa inyong dalawa ni Marfire ay mayroon pa?” “Hindi lang mga bampira ang nandidito. May mga taong lobo sa labas ng campus at mayroon din dito saloob.” “Ha?” nanlaki ang mga mata ni Margaux. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” “Hindi ka nagtanong.” “Wow ha,” sarkastiko nitong wika. Hindi na muna pinansin ni Conal si Margaux. Nakarating sila sa mapunong lugar ng campus. Sobrang layo na nila sa mga estudyante. May bigla siyang naisip. Kung hindi niya magawang makita si Lumino ay kanya itong papalapitin. “I want you to shout, iyong takot na tako.” “Ha?” nanlaki ang mga mata ni Margaux. “Ano ang gaga-.” Hindi niya pinatapos na magsalita. Hawak-hawak niya ang dalaga nang tumalon siya papunta sa ibabaw ng punong kahoy. “Sumigaw ka ng malakas iyong takot na takot.” “Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait?” “Just follow me.” “Ano ako baliw?” “Ayaw mo, ha.” Dinala niya sa pinakadulo si Margaux. Nang makahawak ito sa malaking sanga ay kanya itong binitiwan at naglaho! “Hoy bwesit ka, Conal! Bakit mo ako iniwan ditto sa taas! Hayop ka!” Nakarating siya sa lupa. Natatawa niyang tiningnan ang dalaga na nagpa-panic sa itaas! “Tulong! Hayop kang bampira ka! Kapag ako nakababa rito ay papatayin kita!” Mukhang epektibo naman ang kanyang ginawa dahil ang ingay na ngayon ni Margaux sa itaas. Hindi naman iyon maririnig ng mga mortal na tao dahil malayo sila. Ngunit ang katulad ni Lumino na isang bampira ay maririnig niya ito. At ito na mismo ang magkukusang lumapit sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD