Chapter 24: Katotohanan sa Pagkatao ni Conal at Margaux MEDYO nagulat si Margaux dahil sabay na lumapit sa kanya si Conal at Marfire. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga ito dahil laman pa rin ng kanyang isipan ang narinig kanina. Hindi niya naisip na isang kapahamakan pala ang pagdating ng kanyang kapatid rito sa kanila. Hindi lang iyon kasalanan ni Conal kundi kasalanan din iyon ni Margaux. “Kanina ka pa ba nakikinig?” nag-aalalang tanong ni Conal. “Hindi naman, pero sapat nang marinig ko ang inyong pinag-usapan tugkol sa akin at kay Teejay,” sagot niya sa binata. “Is there any by chance na puwede natin siyang ihatid pauwi at doon nalang mag-aaral sainyo?” “Hindi ko alam kung paano ko iyon ipapaliwanag sa aking kapatid, Conal. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung g

