Chapter 42: Prutas ng Monsera GAYA nang sinabi ni Drake ay nilisan nga nito ang Apollo at kasama nito ay si Lumino. Ipapalabas nilang si Agatha ang may kasalanan nang lahat. At sinubukan lang silang hanapin ni Drake at Lumino ngunit nabigo ang mga ito. Nanatili sila Margaux sa kaharian ng Apollo. Kasama niya ang bunsong kapatid pati na rin sina Agatha at Angus. Kahit papaano ay masaya siya ngayon dahil buhay ang kanyang kapatid. Ito ang pinakamahalaga sa buhay ni Margaux ngayon. "Ate," wika ni Teejay sa kanyang pangalan. "Kumusta na kaya sina Mama at Papa ngayon? Sigurado ako na nami-miss rin nila tayo." "Gustuhin man nating makita sila ay hindi puwede. Baka madamay pa sila sa gulo na ating pinasok." "Pero ate… damay rin naman sina Mama at Papa dahil alam nila noon pa na ikaw ang kuk

