Chapter 41: Tagapagmana SOBRANG naging tahimik lang ni Margaux habang nakikinig sa usapan. Hindi na bago sa kanya ang mga sinabi ni Dromida tungkol sa apat na grupo ngunit naghihintay sila sa maaring sagot ng sundo. "Hindi namin alam… noong nawala ang panganay na anak ni Apollo ay nawala na rin ang kanyang tagapagmana. Nagdadalang tao ang anak ni Apollo noong nilisan nila ang kahariang ito." "Ngunit sa anong dahilan?" hindi makapaniwalang tanong ni Drake. "Pinili ng mga itong lumayo." "Ikaw ang nagbabantay sa lagusan Dromida. Bakit mo sila hinayaang makaalis?" nagtaka na rin si Lumino. "Dahil iyon ang utos ng hari sa akin. Nang mawala sila ay siyang pagkawala ng aklat. Ang aklat ng propesiya." "Ang aklat," nanlaki ang mga mata ni Drake. "Ito'y nasa Aragorn." "Ang aklat na iniing

