Chapter 45: Ang Pagbabalik ni Drake HINDI na mabilang ni Margaux kung ilang araw at gabi na siyang nanatili sa Apollo. Kanya nang nakipalagayan ng loob ang mga taong lobo sa kastilyo at maging sa mga nayon ay nakikilala na rin siya. Lubos siyang nasisiyahan dahil ang babait ng mga taong lobo sa kanya. Minsan ay naiisip ni Margaux na kung sa Apollo na siya maninirahan? "Margaux," tawag ni Agatha. "Wala ka bang gagawin sa araw na ito?" tanong ng babae. Umiling si Margaux. "Wala naman akong ibang gagawin ngayon... magpapatulong ka ba?" "Hindi naman, ayaw ko lang na mabagot ka rito kaya naisipan kung dalhin kita sa paaralan. Baka gusto mong manood sa mga estudyante ko." Sumilay ang ngiti sa labi ni Margaux. "Magandang ideya iyan, Agatha. Sasama ako pero magbibihis lang ako saglit, ayos l

