Chapter 46: Kasiyahan PAGTAGAL ng patagal ang mga araw. Si Drake ay hindi na ito bumalik pa sa Aragorn. Hindi alam ni Margaux kung ano na ang nangyayari sa labas ng Apollo. Ngunit nakakasiguro siyang alam na ni Calixto na tumiwalag rito si Drake. Napatingin si Margaux sa pinto nang may kumakatok roon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at pinagbuksan kung sinuman ang nandoon sa labas. Pagkabukas niya ay isang tagapagsilbi ng kastilyo ang kanyang nabungaran. "Margaux... pinapatawag ka ng hari," ani nito. "Bakit raw po?" medyo kumunot ang kanyang noo. "Hindi ko alam ngunit nakakasiguro akong importante iyon." "Ako lang ba ang kanyang ipinapatawag?" kung si Margaux lang ay baka personal ang itataong ng hari sa kanya. "Hindi... lahat ng nilalang na nasa kastilyo ay kasali." "Si-sig

