Chapter 28: Kapangyarihan LAKAS loob na ipinikit ni Conal ang kanyang mga mata. Kung nagawa niyang palabasin ang pulang ilaw ay makakaya niya ring palabasin ang kanyang kapangyarihan kahit na hindi ito buo na lalabas! Sa pagkakataong iyon ay samo’t-sari na ang kanyang naiisip at nararamdaman. Ngunit palaging bumabalik sa isipan niya ang kamatayan ng mga magulang. Sayang at hindi na niya makakasama ang mga ito. Muli na naman niyang naramdaman ang init sa buong katawan. Kakaibang init iyon na hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam ni Conal ay para siyang inuugoy. Hindi iyon bastang init na kanyang naramdaman. Biglang humangin sa loob ng kanilang pinagsasanayan. Pakiramdam niya ay niyayakap siya ng hangin na iyon. Ang gaan sa pakiramdam at unti-unti siyang inaangat. Hindi niya maramdaman a

