JEN’S POV Hindi ko planong uminom. Pero pagkatapos ng kasal—ng gulo, ng luha, ng mga salitang hindi sinabi—parang kailangan ng katawan ko ng pahinga mula sa pag-iisip. Isang baso lang sana. Hanggang sa naging dalawa. Hanggang sa tumawa na kami ni Janice na parang walang nangyaring gulo kanina. At si John. Tahimik siyang uminom sa gilid. Hindi lasing agad, pero ramdam ko—may binibitbit siyang bigat. “Okay ka lang?” tanong ko nang mahina. Tumango siya, pero hindi tumingin. “Okay lang.” Alam kong hindi. JOHN’S POV Hindi ko maalala kung kailan huli akong uminom nang ganito. Hindi para mag-celebrate. Hindi para magpakita. Kundi para tumigil sandali ang isip. Sa bawat lagok, bumabalik ang mukha ni Jennie. Hindi galit. Hindi takot. Kundi pagod. At doon ko narealize— ako ang dahi

