JEN’S POV Hindi natuloy ang sigawan. Hindi rin tuluyang nawasak ang araw. Sa kabila ng lahat, pinili ni Janice na ituloy ang kasal. Naka-upo kami sa maliit na silid habang inaayos ulit ang bestida niya. May bakas pa ng luha ang pisngi niya, pero tuwid ang likod niya—matatag, tulad ng pagkakakilala ko. “Jen,” mahina niyang sabi, “kahit anong mangyari… gusto kong ikasal kay Jon.” Tumango ako. “Masaya ka sa kanya,” sagot ko. “At sapat na ‘yon.” JOHN’S POV Hindi ako umalis. Kahit gusto ng katawan kong tumakas, pinili kong manatili. Bilang kuya. Bilang tao. Nakita ko si Janice na naglakad papuntang altar—mas mahinahon, mas buo. At sa harap niya, nakatayo si Jon. Hindi perpekto ang araw, pero totoo. At sa gitna ng katahimikan, may isang bagay na dahan-dahang bumitaw sa dibdib ko.

