JOHN’S POV Hindi pa tumutunog ang kampana. Hindi pa nagsisimula ang kasal. Pero sa dibdib ko, parang may giyerang sumabog. Nakita ko si Janice—ang kapatid ko—naka-bestida, napapalibutan ng tao. Masaya. Kalma. Walang kaalam-alam. At sa tabi niya— Si Jon. Nanikip ang kamao ko. Siya. Ang lalaking akala kong asawa ni Jennie. Hindi ko na inisip kung tama o mali. Lumakad ako palapit, diretso, walang preno. “John—” tawag ni Janice nang makita ako. Pero huli na. JON’S POV Isang segundo lang ang pagitan. Isang segundo bago ko nakita ang galit sa mata niya. “Anong ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong. “At anong karapatan mong pakasalan ang kapatid ko?” Hindi pa ako nakakasagot— BUMAGSAK ANG SUNTOK. Tumilapon ako sa gilid, halos matumba sa mga upuan. Nagtilian ang mga tao. Nag

