JOHN’S POV Hindi ako mapakali. Mula noong gabing narinig ko ang salitang “Kuya,” hindi na ako tinatablan ng katahimikan. Paulit-ulit iyon sa isip ko—maliit na salita, pero mabigat ang epekto. Hindi ko dapat pakialaman. Pero hindi ko rin kayang balewalain. Kaya nagsimula akong magmasid. Pinagmasdan ko si Jennie sa trabaho. Kapag kasama niya si Jon, may kakaibang lambing—pero hindi tulad ng mag-asawa. Walang halik. Walang hawak-kamay na romantiko. Sa halip, parang… proteksyon. Isang araw, tinanong ko ang isa sa staff. “Matagal na bang magkasama si Jennie at Jon?” casual kong tanong. “Opo, sir,” sagot niya. “Parang sabay po silang dumating dito noon.” “Sabay?” kunwari wala lang. “Mag-asawa sila, ‘di ba?” Nagkibit-balikat ang staff. “Sabi-sabi lang po. Tahimik lang sila pareho.” S

