Chapter 17 PAGKATAPOS NG SAYAW

205 Words
Paglabas namin sa entablado, hindi pa rin nawawala ang sigla sa paligid. Hawak-hawak pa rin ang kamay ni John, at ramdam ko ang init ng kanyang palad — hindi lang dahil sa sayaw, kundi dahil parang nagkakaroon ng bagong katotohanan sa pagitan namin. “Jen,” mahina niyang bulong habang may mga naglalakad papalapit para batiin kami. “Tingin mo, pwede ba talagang mag-start ng bago kahit may mga nakaraan?” Tumingin ako sa kanya. Ang mata niya seryoso, may halong pag-aalala at pag-asa. “Pwede. Kung pareho nating gustuhin.” May mga matang nakatingin, may mga bumabati, pero para sa amin dalawa, parang nag-iisa lang ang mundo. Nangyari ang hindi inaasahan — dumaan si Janice sa tabi namin at humarap. Napakabilis ng t***k ng puso ko. “Congratulation, pareho kayong magaling,” sabi ni Janice, ngunit may ngiting kakaiba. “John… good job.” Tumingin si John sa kanya nang matagal bago sumagot. “Salamat, Jan.” May lamig sa tinig niya, hindi galit, pero seryoso. Tanong na hindi ko sinasagot nang direkta: sino actually ang nasa puso ni John? Kinabukasan, nag-text si Janice. “Usap tayo. May sasabihin ako.” Nagtaka ako pero pumayag. Nagkita kami sa maliit na cafe malapit sa stall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD