Chapter 36

1410 Words
VIENNA'S POV Nakarating na ako sa Music Club, at naabutan ko na nag-uusap sina kuya Dim pero wala si ate Sheene. "Hi Vienna," bati sa'kin ni Liam nang makita niya na 'ko. Napalingon ang lahat sa akin kasali na riyan si Sebastian? O, akala ko pa naman wala siya ngayon dito at kasama niya sina Britt? "Napaaga ka yata Vienna?" Tanong naman ni Sam. Naupo ako sa isang silya na med'yo malayo sa kanila. "Wala lang," maikling sagot ko. "Kabisado mo na ba ang dalawang kanta Vienna?" Tanong ni kuya Dim sabay lapit nito sa direksyon ko. Tumango ako bilang sagot at ngumiti siya agad. "Gutom na 'ko, kain na tayo Dim," reklamo ni Gian habang inaayos ang mga gamit niya. "Oo, ikaw ba Vienna kumain na?" Tanong ulit ni kuya Dim. "Wala pa po akong gana," sagot ko. "Mabuti pa sabay na kayo ni Sebastian, may baon naman siyang pagkain," saad ni kuya Dim. Gusto ko sanang mag-react pero baka tuksuhin nila ako. "Oo nga dre, sabay na kayo ni Vienna," sang-ayon ni Gian. Nagsingitian silang lahat kay Sebastian na parang may kung anong pinapahiwatig. Ngunit nagulat na lang ako nang biglang tumango si Sebastian. Bakit pumapayag agad siya sa tuwing may sina-suggest si kuya Dim sa kaniya? Gusto ko tuloy siya pitikin sa tenga. "O sige Vienna, alis na muna kami. Sebastian, ikaw na ang bahala rito kay Vienna at kapag may nangyaring masama sa kaniya, lagot tayo kay professor Lozano," seryosong wika ni kuya Dim na may halong pagbabanta. Binantaan kaya sila ni tito? Kainis! Ayoko nga kasi makatanggap ng special treatment mula sa kanila nang dahil sa kaniya. Naiwan kaming dalawa rito ni Sebastian pero abala siya sa pag-aayos ng mga ginamit nilang gitara kanina. Silence covers the room, ayoko namang magsalita dahil sa nangyari kanina. "Bakit 'di ka pa kumain ng lunch?" Suddenly he asked. Napatingin ako agad sa direksyon niya and still busy pa rin siya sa pag-aayos. "Wala akong gana," sagot ko. "Why?" muling tanong niya. "Dapat ba may dahilan?" Napatingin siya agad sa'kin dahil sa sinagot ko. Katatapos lang niyang ayusin ang mga gitara, lumapit din naman siya sa direksyon ko at naupo sa tabi ko. Pero alam niyo, hanggang ngayon curious pa rin ako sa personality niya. Wala sa itsura niya ang pagiging masayahin kasi ang damot niya sa ngiti. "Ano nga pala ang kakantahin niyo sa event?" tanong ko. "Scrubb songs," sagot niya. Nagulat talaga ako after niyang sabihin 'yon. Seryoso? I'm really a fan of Scrubb since 17 years old pa lang ako. I didn't expect na 'yon ang kakantahin nila, ngunit napangiti na lang ako. "Bakit ka nakangiti?" tanong niya. Bigla namang nawala ang ngiti ko, hindi ko man lang napansin na kanina pa pala siya nakatingin sa'kin. "Ahh wala.. I'm a fan of Scrubb by the way at med'yo matagal na rin," tugon ko at napaiwas siya agad ng tingin sa'kin. Kinuha niya ang bag niya at naupo ulit sa tabi ko. "Bakit ka naman naging fan nila?" tanong niya. Binuksan din naman niya ang bag niya sabay labas ng pagkaing dala niya. "I really loved their songs. Kasi kapag masaya ka at pinakinggan mo ang songs nila, mas lalo kang sasaya. At kapag in love ka, mas lalo kang maiin-love," nakangiting sagot ko habang nakatingin sa kaniya. "Paano naman kung malungkot ka? Mas lalo kang malulungkot?" Umiling naman ako bilang sagot. "Kapag malungkot ka, pinapagaan ng kanta ang puso mo. Na parang inaalis ng kanta ang lungkot at sakit na nararamdaman mo." Then bigla s'yang napaiwas nang tingin sa'kin. Umiwas na lang din ako, ayoko nang muling makita ang malungkot niyang mukha. Alam ko na ngayon na may pinagdadaanan siya at hanggang ngayon masakit pa rin ito sa kaniya. "Kumain na tayo," sabi niya. Wala na rin akong nagawa kundi ang kumain na lang, baka kasi pagalitan niya pa 'ko. "Salamat nga pala rito sa pagkain," sabi ko pero hindi ko siya nilingon. Shit! Nakalimutan kong bumili ng tubig, kaasar! Kinuha ko naman ang phone ko sa bag at nagbabalak na sanang i-text si Michelle ngunit inabutan na 'ko ng tubig ni Sebastian. "Take this," aniya sabay abot nito sa'kin. "Paano ka?" tanong ko. "Bibili na lang ako mamaya." "Huwag na, nakakahiya naman sa'yo." "Huwag mo na akong isipin, okay lang. Here, take this at inumin mo na." Nakakahiya man pero kinuha ko na lang ang tubig na inabot niya. Bakit niya ba kasi ginagawa 'to? Ayoko namang magtanong sa kaniya. Bigla ko namang naalala ang sinabi sa'kin ni Britt kanina at hanggang ngayon hindi ko pa rin ito mas'yadong maintindihan. Bakit sa'kin lang ganito makitungo si Sebastian? Bakit sa ibang babae hindi? "Bibili lang ako ng tubig," biglang sabi niya. Agad na rin siyang tumayo at hindi ko man lang napansin na tapos na pala siya kumain. Na konsensiya tuloy ako, siya pa 'tong nag-adjust na dapat ay ako. Tapos na rin naman ako kumain pero hindi pa rin nakakabalik si Sebastian. Saan na kaya 'yon? Bakit ang tagal niya bumalik? Napatingin ako sa mga daliri ko, kailan pa kaya kayo gagaling? Nakakahiya naman kay Sebastian, an'dami ko nang utang sa kaniya. "Kamusta ang mga daliri mo?" Napaangat ako nang tingin, si Sebastian. Paano niya nalaman? Sinabihan kaya siya ni Britt? "Okay lang, gagaling din sila," sagot ko. Lumapit din naman siya sa direksyon ko at agad siyang naupo sa harap ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko na ikinagulat ko talaga. Napatitig talaga ako sa mukha niya, ito pa lang ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero dahil sa ginawa niya, naghuhumintado ang puso ko. "Kailangan mo munang ipahinga ang kamay mo at 'wag mo rin kalimutang gamutin. Ako na muna ang tutugtog at kumanta ka na lang. Okay lang ba 'yon sa'yo?" Aniya saka siya tumingin sa'kin. Hindi na 'ko nakasagot, tumango na lamang ako sa kaniya. After that tumayo na rin siya, napaiwas na lang din ako nang tingin sa kaniya. Ano ba naman ang eksenang 'yon? Ginugulo mo talaga ang utak ko Sebastian. "Simula na tayo," sabi niya. "Sige.." tanging sagot ko. Bakit ganito ang pagtrato mo sa'kin Sebastian? Bakit ang unfair mo sa ibang babae? Bakit sa akin mo lang 'to pinaparamdam? Am I important? Ano ba 'ko sa'yo? Ang dami kong tanong ngunit sa tingin ko hindi mo ito masasagot lahat. Sana mali ang hinala nina Therese at Michelle sa'yo, sana mali ang sinabi nilang gusto mo 'ko. It's already 4 pm in the afternoon and katatapos lang namin mag-practice sa isang song which is 'yong last song na ipe-perform namin sa event. Panay kanta lang ako s'yempre kasi hindi ko naman magawang tumugtog. Sumasabay naman sa'kin si Sebastian kumanta, pero minsan hindi ako makapag-concentrate dahil sa ganda ng boses niya. Kasalukuyan siyang tumutugtog ngayon pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang tinutugtog niya. "Sebastian pwede magtanong?" I asked. Tumigil din naman siya at agad na tumingin sa'kin. Ewan ko ba bakit pa 'ko nagsalita, sanay naman ako na tahimik ang paligid. Pero kapag siya ang kasama ko, hindi ako sanay at mas gusto ko na magsalita siya. "Sige, ano 'yon?" "Bakit hindi ka sa College of Music nag-enroll? Magaling ka naman tumugtog at magaling ka rin kumanta." Curious lang kasi ako kaya 'yon ang naisipan kong itanong sa kaniya. "Ayoko dumating sa punto na pagsawaan ko ang isang bagay. Kapag pumasok ako sa gano'ng kurso baka pagsisihan ko lang din sa huli. Kaya ang pagtugtog at pagkanta ay naging libangan ko na lang. 'Tsaka okay na 'ko sa kurso na meron ako ngayon, napamahal na ako rito," sagot niya. Kaya naman pala hindi 'yon ang napili niya. Dumadating nga tayo sa punto na pagsawaan natin ang isang bagay kahit gaano pa tayo kagaling o kahusay pagdating dito. "Sa tingin ko, gusto mo talagang tumakbo bilang presidente ng bansa in the near future? Tama ba 'ko?" Hindi ko akalain na dahil sa sinabi ko, napatawa ko siya. Ito pa lang ang unang beses na narinig ko siyang tumawa at ang ganda lang pakinggan. Naging saksi uli ako sa mga ugali na hindi niya pinapakita sa mga taong hinahangaan siya at sa nakararami. Tumingin siya sa'kin kaya napatigil siya sa pagtawa ngunit nginitian ko siya na ikinagulat niya. Pero agad siyang umiwas ng tingin at biglang tumayo. Tumawa ako ng mahina, hindi ko alam kung nadidinig niya. At ang tanging masasabi ko lang, ang cute niya sa puntong 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD