Chapter 37

1163 Words
"Break na muna tayo, bili tayo ng pagkain," sabi niya at nauna na siyang lumabas ng club. Sumunod na lang din naman ako sa kaniya pero hanggang ngayon nakangiti pa rin ako. Naglalakad na kami ngayon sa hallway at hindi na naman maiwasan na pagtinginan kami ng lahat. Ma-issue talaga ang mga estudyante rito, dapat nga masanay na 'ko kaso hindi ko talaga sila maintindihan. "Sebastian, pwede ba kaming magpa-picture sa'yo?" Tanong ng isang babae na humarang sa daraanan namin. Sa tingin ko freshmen pa lang siya at kasama nito ang dalawang kaibigan niya. Napansin ko naman na biglang kumunot ang noo ni Sebastian at agad siyang napatingin sa'kin. Sana this time pagbigyan niya na, tutal freshmen naman itong kaharap niya. "Pagbigyan mo na," bulong ko sa kaniya. "Pwede mo ba kaming kunan?" Tanong ng isa sa'kin at pumayag naman ako. Kinuha ko ang phone niya pero biglang hinablot ni Sebastian at ibinalik sa kaniya. Umalis din naman ito agad, hays ano ba ang aasahan nila kay Sebastian? "Ang swerte mo ate, sa'yo lang siya nakikipagusap at sumasama," malungkot na saad ng isang babae na naka-pony tail ang buhok. "Pagpasensiyahan niyo na siya, ha? Masungit lang talaga 'yon pero sana hindi magbago ang tingin niyo sa kaniya. Sana patuloy niyo pa rin siyang suportahan sa kabila ng pandededma niya sa inyo," sagot ko. Tumango silang tatlo at agad na rin silang umalis. Nalulungkot ako para sa kanila, they really love and support him pero wala naman itong pakialam sa feelings nila. Malapit na 'ko sa cafeteria nang makita ko si Tine, may kausap siyang babae pero hindi ko naman ito kilala. Gusto ko sana siyang kausapin pero baka importante ang pinag-uusapan nilang dalawa. "Frienny!" Napalingon ako, si Michelle lang pala at tumakbo siya papunta sa'kin. "Kumusta ang practice, friend?" Tanong niya pagkarating niya sa harap ko. "Okay lang naman, saan nga pala ang punta mo?" Tanong ko rin naman sa kaniya. "Bibili lang ng drinks, nauuhaw na kasi ako ikaw?" "Bibili rin, kasama ko nga pala si Sebastian at baka nando'n na siya sa loob," sagot ko. At ito na naman ang mapang-asar niyang tingin, inirapan ko na lang siya agad. "Hali ka na nga sa loob, nauuhaw na talaga ako friend," sabi niya sabay kapit sa braso ko. Pumasok na lang din naman kami sa cafeteria, at buti na lang kokonti lang ang taong nandito. Nakita ko na rin si Sebastian sa isang sulok pero nakatingin siya sa labas. "Mauna ka nang bumili, lapitan ko muna si Sebastian," sabi ko at tumango naman siya bilang sagot. Pinuntahan ko agad si Sebastian pagkaalis ni Michelle at pagkarating ko sa direksyon niya agad naman niya 'kong nilingon. "Bili na tayo ng pagkain," sabi ko pero agad siyang tumayo. "Ako na, maupo ka na lang diyan," sagot niya bago umalis. Napatingin ako agad sa direksyon ni Michelle, at halatang nagulat siya sa sinabi ni Sebastian. Naupo na lang ako gaya ng sinabi niya. Lumapit agad sa direksyon ko si Michelle after makuha ang drinks niya. "Ano 'yon friend? Ililibre ka?" "Hindi ko alam.." "Iba na talaga 'yan frienny at sa tingin ko kailangan mo na siyang tanungin directly para magkaalaman na," sabi niya. May point naman si Michelle pero paano kung mali sila ng iniisip? "Alis na 'ko, tanungin mo siya, okay? Balitaan mo na lang kami mamaya," dugtong niya at agad na rin siyang umalis. Nakabili na rin ng pagkain si Sebastian, nilapag niya na rin ito sa mesa. Dalawang drinks at dalawang slice ng cake ang binili niya. Naupo na rin naman siya at agad uminom ng drinks, at nakatingin lang ako sa kaniya. "May problema ba Vienna?" Tanong niya kaya napaiwas ako agad ng tingin sa kaniya. "Ahh wala, ano kasi.. allergic ako sa peanuts," nahihiyang sambit ko. Hindi siya sumagot kundi nilagay niya sa harap ko ang isang dark chocolate cake na para dapat sa kaniya. "Kumain ka na," sabi niya. Kumain na lang din naman ako pero hindi ako makakain ng maayos kasi pinagtitinginan na kami ng lahat dito. Ano ba ang problema nila? Issue na ba agad 'to? Bakit kasi ang sikat nitong lalaking kaharap ko? "Bakit sila magkasama?" "Close ba silang dalawa?" "Di ba, woman hater 'yang si Sebastian?" 'Yan ang ilan sa mga naririnig ko rito sa loob ng cafeteria. For sure naman narinig din ni Sebastian pero parang wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. "Huwag mo na silang pansinin, kumain ka lang," sabi niya. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para tanungin ko siya. Bahala na! Pero sana masagot niya ang mga tanong ko sa kaniya. "Bakit hindi mo sila kayang tratuhin kagaya ng pagtrato mo sa'kin ngayon? I mean you're nice to me, you're kind and sweet. Pero bakit hindi mo 'to kayang iparamdam sa kanila? They are nice to you, sinusuportahan ka nila kahit na dinededma mo sila," sabi ko. Napaiwas siya ng tingin sa'kin at agad binaba ang tinidor na hawak niya. Napabuntong hininga siya ng malalim at sa tingin ko masasagot niya na ang mga katanungan ko. Ngunit lumipas na ang dalawang minuto hindi niya pa rin sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang tahimik, na parang hindi niya narinig ang mga sinabi ko. Akala ko pa naman maririnig ko na ang sagot niya, hindi naman pala. "They called you a woman hater, pero bakit mo 'ko nilalapitan at kinakausap? Ang sweet mo sa'kin at ang bait mo. Binibigyan mo 'ko ng pagkain kahit hindi ko naman ito hinihingi sa'yo. It's not a big deal anyway but on the other girls out there, it is," dugtong ko. This time tumingin na siya sa'kin at nakipagtitigan sa mga mata ko. Kinakabahan ako sa kung ano man ang isasagot niya pero bahala na. Gusto ko lang talagang marinig ang sagot niya at after nito hindi na 'ko magtatanong pa. "I like you, Vienna." Parang biglang tumigil ang oras dahil sa sinagot niya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at nanlamig na rin ang dalawang kamay ko. Hindi siya umiwas ng tingin bagkus nakipagtitigan siya sa'kin. Hindi ako makapaniwala sa sagot niya, paano nangyari 'yon? Alam ko na hindi basehan ang oras o araw kung kailan mo nakilala ang isang tao para magustuhan ito. I agree with that but on his part, I disagree. Bigla namang nag-ring ang phone ko sa mesa, save by the bell. I really want to get out of here. "Excuse me," sabi ko at nagmamadaling tumayo. Lumabas na rin ako ng cafeteria at saka lang ako nakahinga ng maluwag. "Hello, Michelle." (Hello friend, how is it? Natanong mo ba siya? Ano ang sinagot niya sa'yo?) "Tama kayong dalawa, gusto niya 'ko," sagot ko na ikinagulat ni Michelle sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim, ano ang gagawin ko after ng confession niya? Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa tinanong 'yon sa kaniya. Buti na lang walang kahit ni isang nakarinig kanina kundi ako lang. If nangyari 'yon, patay ako sa mga fans niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD