Chapter 38

2011 Words
SEBASTIAN'S POV (Pre bakit ka naman napaamin agad? Akala ko ba iiwasan mo siya kapag nasa labas na kayo ng Music Club. Nagbago ba bigla ang isip mo nang makita mo na si Vienna?) Si Britt ngayon ang kausap ko. Kinuwento ko na sa kaniya ang nangyari kanina sa cafeteria. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko, ginulat ko si Vienna. Hindi ko alam kung kakausapin pa ba niya 'ko after ng naging confession ko. "Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin 'yon, kusang lumabas 'yon sa bibig ko. Ano ang gusto mong isagot ko? Na ex-boyfriend niya 'ko? Na ako ang lalaking iniwan niya before? Na siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay ko at nagpabago ng pananaw ko sa babae lalo na sa pag-ibig?" sagot ko. Naramdaman ko na naman ang p*******t ng dibdib ko, ito na naman ang pamilyar na sakit mula sa nakaraan. (Alam ko naman 'yon pero sana yung sinagot mo ay hindi magiging dahilan para iwasan ka niya. Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa'yo? Mas naging komplikado ang sitwasyon niyo ngayon. Mabuti pa, umamin na tayo kay Vienna habang may natitirang oras at araw pa. Huwag na nating hintayin na siya ang unang makaalam at huwag na nating pahirapan si Vienna) Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, nahihirapan na rin ako. Gustong-gusto ko ng sumuko, nawawalan na ako ng pag-asa na babalik pa ang lahat ng ala-ala niya. Pero may isang salita ako na pinanghahawakan hanggang ngayon, mahal ko si Vienna, mahal na mahal. VIENNA'S POV It's already 6 pm at katatapos lang ng practice namin ni Sebastian. Sinundo rin naman ako ng dalawang kaibigan ko. Naging maayos naman ang practice namin kanina ni Sebastian, hindi kami naiilang sa isa't-isa. Maayos siyang tumugtog, maayos din akong kumanta at maayos din ang flow ng practice na parang walang nangyaring confession kanina sa cafeteria. Nakalabas na kami ng Music Club, kasama niya si kuya Dim ngayon at nasa likod lang namin silang dalawa. Si Michelle at Therese naman, nakakapit lang sa braso ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nila ako tinukso. Panay ngiti silang dalawa habang ako naiinis na, sila kinikilig at ako naman ay naaasar. Akala ko pa naman hate nila si Sebastian dahil sa ugali nito. Pero no'ng kinuwento ko na sa kanila ang nangyari kanina, biglang nagbago ang tingin nila dun sa lalaki. "Frienny, how to be you po? May dalawa kang gwapong prinsipe tapos parehong may gusto sa'yo." Pinagsasabi ni Michelle, si Tine magkakagusto sa'kin? Imposible. "Oo nga Vienna, sino sa kanila ang bet mo?" Dumagdag pa itong si Therese, lalo nilang ginugulo ang utak ko. "Tigilan niyo na ang kakatukso sa'kin, masakit na ang ulo ko huwag na kayong dumagdag," naiinis na sagot ko, tumigil din naman silang dalawa. "Biro lang naman eh, kalma friend lalaki lang 'yan. Tutal magkaiba naman ang gusto sa mahal so baka infatuation lang 'yang nararamdaman ni Sebastian," wika ni Michelle. "Meron pa kaya 'yan sa panahon ngayon Michelle? College na tayo at hindi na high school. Walang pinipiling oras o araw para magkagusto sa isang tao. Magtatatlong linggo ka na dito sa university diba? Kaya posible na magkagusto sa'yo si Sebastian," tugon ni Therese. May point naman silang dalawa pero hindi ko alam kung kanino ba dapat ako maniwala. Akala ko pa naman kapag naitanong ko na ang mga bagay na 'yon kay Sebastian, aayos na ang pakiramdam ko pero hindi naman pala. Nakauwi rin naman ako sa orphanage at kaka-park ko lang ng kotse. Parang sobrang napagod ang katawan ko sa araw na 'to, wala naman akong ibang ginawa. "Hello kuya RJ, napatawag ka?" I asked as I answer the call. Nag-stay na muna ako sa labas pero may napansin akong pamilyar na kotse. (Gusto lang kitang kumustahin, isang linggo ka nang hindi nakapagparamdam sa'kin. Kumusta ka? nakapagcompose ka na ba ng kanta? Magto-two weeks na Vienna) Natampal ko naman bigla ang noo ko. Hays, bakit ko nakalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon? Ang dami kasing nangyari noong nakaraang linggo, sana hindi siya magalit sa'kin. "About that kuya, hindi ko pa nagawa. An'dami kasi nangyari last week kaya nakalimutan ko. I can't make it now kuya, I'm busy," sagot ko. (It's fine Vienna, I know you're busy pero umaasa ako na tutuparin mo ang pinangako mo sa'kin. Call me if it's ready okay?) "Yes kuya, thank you." (You're welcome, take care okay?) "I will, you too kuya," then he hang up the call. Nahihiya na 'ko kay kuya RJ, lagi niya 'ko iniintindi and he doesn't even complain. Thankful ako kasi ang bait niya sa'kin kaya gusto kong bumawi sa kaniya. Pumasok na rin naman ako sa loob ng orphanage, babati na sana ako pero hindi na natuloy. Ano ang ginagawa niya rito? "Salamat naman anak nakauwi ka na," wika ni sister Fely nang makalapit na siya sa direksyon ko. Pero kay Tine pa rin ako nakatingin, oo si Tine Alvarez. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, hindi niya 'ko tinext o tinawagan na pupunta siya. "Magbibihis lang po ako, magandang gabi po sa lahat," sabi ko at nilagpasan na sila. Nakakagulat ang presensya niya, hindi ko akalain na sa ganitong oras bibisita pa siya. Nakarating din naman ako sa kwarto, pagkapasok ko diretso higa ako sa kama. Pagod na pagod talaga ang katawan ko, gusto ko nang magpahenga pero hindi ko naman magawa kasi nandito si Tine. "Vienna, si sister Fiona 'to papasok ako." Bumangon naman ako agad at pinagbuksan ng pinto si sister. Nakapasok na nga si sister Fiona sa kwarto ko at naupo na rin siya sa tabi ko. "Ayos ka lang ba? Wala ka yata sa mood ngayon. Hindi mo man lang pinansin si Tine, nag-away ba kayo?" tanong naman agad ni sister. "Ayos lang po ako sister, 'tsaka hindi naman po kami nag-away. Pagod lang po talaga ako ngayon dahil sa practice. Pero matanong ko lang po, kanina pa ba siya dumating?" sagot ko at tumango naman si sister Fiona. "Mga 5:30 ata ng hapon no'ng dumating siya. May dala siyang pagkain at laruan para sa mga bata. Nakipagkuwentuhan na rin kami sa kaniya at ipinagpaalam ka niya saamin na lalabas daw kayo bukas," nakangiting sambit ni sister. Paano ko sasabihin kay Tine na hindi ako matutuloy bukas? Nakakahiya, ipinagpaalam niya na 'ko kina sisters. "Pero di ba bukas dito kayo magpa-practice ng kaklase mo?" dugtong na tanong ni sister. "Yun na nga po sister, 'di ako matutuloy bukas dahil dun. Hindi ko kasi siya nakausap sa university kanina dahil sa may practice din ako. Nahihiya ako sister lalo na't pinagpaalam niya na ako sa inyo," sagot ko. "Vienna, maiintindihan ka naman siguro ni Tine, kausapin mo na lang siya. Sa tingin ko, umaasa rin siya na matutuloy kayo bukas. Pero bakit niyaya ka niyang lumabas? nanliligaw ba siya sa'yo?" aniya na nagpatayo nang balahibo ko sa braso. Kapag niyaya ka ng lalaki sa isang date ibig sabihin ba nun gusto ka niya? "Magbihis ka na para makapag-usap na kayo ni Tine. Kaya mo 'yan Vienna okay?" tumango naman ako kay sister. Lumabas na rin si sister Fiona sa kwarto ko, nagbihis na lang din ako ng damit. After that lumabas na 'ko nang kwarto at nagtungo sa salas pero wala si Tine. Lumabas na ako ng orphanage, at naramdaman ko agad ang malamig na hangin. Kaya tumayo ang mga balahibo ko sa braso. Bakit kasi hindi ako nagsuot ng jacket? Nakita ko si Tine na nakaupo sa ilalim ng puno. Pinuntahan ko rin naman siya agad, baka kasi kanina pa siya naghihintay sa'kin dito. "Tine.." lumingon naman siya agad. Tumayo na rin siya at lumapit sa direksyon ko. "Bakit ka pa lumabas? Eh ang lamig dito, papasok naman ako," sabi niya. "Wala ka kasi do'n sa loob kaya lumabas na ako," sagot ko. Pero bigla niyang hinubad ang suot niyang jacket at pinasuot ito sa'kin. Napatitig talaga ako sa mukha niya, bakit ba sobrang bait at sweet din sa'kin ng lalaking 'to? "Thank you Tine," tugon ko at nginitian siya. "You're welcome and I'm sorry kung ginulat kita kanina. Nakalimutan ko na itext ka na pupunta ako rito. Nag-aalala lang ako sa'yo dahil sa nangyari kanina sa cafeteria." "Sinabi ko naman sa'yo na okay lang ako di ba? Pagod lang talaga ako Tine. Pero thank you sa effort, pumunta ka pa talaga dito para kamustahin lang ako. Thank you Tine, sobra kong naappreciate ang kabaitan mo," nakangiting sambit ko. "You're welcome Vienna, basta ikaw. By the way, naipagpaalam na kita kina sister para bukas. Pumayag naman silang lahat basta ingatan daw kita," nakangiting sambit niya at nakikita ko ngayon ang excitement sa mga mata niya. Yung feeling na sobra siyang natuwa dahil pinayagan siya. At ayoko mawala lahat ng 'yon dahil sa sasabihin ko. "Tine I'm sorry, hindi ako matutuloy bukas. May guitar practice kami ni Sebastian at 2 days 'yon. For sure alam mo na tutugtog kami sa event next week. Balak ko naman talaga sanang sabihin 'to sa'yo kanina kaso nakita kitang may kausap kaya hindi ko na tinuloy. Sorry Tine." Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, napalitan ito ng lungkot at halatang nadisappoint siya sa mga nasabi ko. "Okay lang Vienna, focus ka na lang muna sa practice niyo," sagot niya. Napilitan siyang ngitian ako, but deep inside nalungkot siya sa sinagot ko. "Sa totoo lang, ikaw pa lang ang unang babae na niyaya ko sa isang date. Kung hindi ka naniniwala, ask Vince about it cause he knows everything," dugtong niya. So ang ibig niyang sabihin, hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend? Sa itsura niyang 'yan. "Mahiyain akong tao kapag babae na ang pinag-uusapan. I don't even know how to approach them or how can I ask them to go with me on a date. Sobrang torpe ko Vienna pero naglakas-loob akong yayain ka. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko ring gawin ang ginagawa ng isang tunay na lalaki." I never imagine that in this angelic face, charming and sweet personality, na totorpe sa isang babae. Hindi ako makapaniwala na gan'yan siya, akala ko nakailang girlfriend na si Tine pero hindi pa pala. "I'm really sorry Tine.." tanging sagot ko. Napayuko na 'ko, hindi ko na kayang tingnan si Tine. But after a minute, naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Tine. "Okay lang, 'wag ka nang humingi ng sorry. Naintindihan kita okay? Huwag ka nang malungkot, ayos lang din ako." Then he smile after niyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin. "Babawi ako sa'yo, pangako 'yan," sabi ko. "You don't have to, pero kung 'yan ang gusto mo sige payag ako," I smile for what he said. Tine is really kind and sweet, boyfriend material and very down to earth. Kahit sinong babae ay pwedeng mahulog sa kaniya pero hindi ko alam kung isa ba 'ko sa kanila. *** (Bakit hindi mo naman tinanong kung bakit ka niya niyaya sa isang date? Hello frienny, sa lahat ng babae ikaw pa lang ang niyaya niya. Ang haba na talaga ng buhok mo friend, putulin na natin) Napailing na lang ako sa babaeng kausap ko ngayon. She's right, nakalimutan ko itanong 'yon. Paano kung friendly date lang 'yon? "Michelle tama na sa kaka-assume, hindi ako gusto ni Tine okay?" (Friend, hindi ako nag-a-assume, o sige ito na lang pustahan tayo) sasakyan ko ang trip nitong kaibigan ko. "Okay sige, ano ang makukuha ko diyan?" tanong ko. (Ililibre kita ng recess, lunch at break kapag gusto ka ni Tine. Pero kapag hindi ka niya gusto, shopping tayo at libre mo) "Mas lugi pala ako, ang unfair mo masyado." (It's a deal, good night frienny I love you. See you on Monday, enjoy your practice tomorrow. Pero team Tine pa rin ako, muahh babyee) Kaasar! Binabaan ako agad, ang sama! Pero paano nga kung gusto ako ni Tine? Then nalaman ko rin kanina na gusto ako ni Sebastian. Hays, ano ba naman 'yan?! Naiistress na 'ko. Ano ba ang meron sa'kin kung bakit nila ako nagustuhan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD