SEBASTIAN'S POV
Nakatingin lang ako ngayon sa nag-iisang babae na nasa loob ng room. Walang iba kundi si Vienna, ang nag-iisang babae na minahal ko noon.
----FLASHBACK----
After ng last period ngayong hapon lumabas na rin ako ng room. Mag-uusap pa kasi kami ng ka bandmates ko at kanina pa sila naghihintay sa'kin do'n sa Music Club. Pero napatigil ako sa paglalakad nang harangan ako ni Vince, kapatid ni Vienna.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya na ipinagtaka ko.
"Tungkol saan?" Tanong ko rin sa kaniya.
"Tungkol kay Vienna," sagot niya.
"Anong tungkol sa kaniya? Sabihin mo na kasi may pupuntahan pa 'ko," walang ganang sagot ko. Pero kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya sa'kin tungkol sa kapatid niya.
"Alam ko na may alam ka na sa mga nangyari sa kaniya 3 years ago at alam na rin ito ng mga kaibigan mo," simula niya.
"At ano ang ikinakatakot mo?" Diretsong tanong ko.
"Na malaman niya ang lahat tungkol sa'yo. Sebastian, nakikiusap ako sa'yo, layuan mo si Vienna. Bumalik ka sa dating buhay mo bago pa siya bumalik at bago ka pa niya nakilala. Sa oras na malaman niya ang lahat, masasaktan lang ang kapatid ko," aniya at naikuyom ko na ang kamay ko dahil sa pakiusap niya.
"Kilala mo si Vienna, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang lahat. Sebastian, alam ko na naintindihan mo 'ko, kapakanan lang ni Vienna ang iniisip ko," dugtong niya.
"Naintindihan kita pero hindi mo man lang ba naisip na kailangan din malaman ni Vienna ang tungkol sa'min, sa'kin? Bakit niyo nilayo sa'min si Vienna? Bakit niyo siya tinago?" Sagot ko at napaiwas siya ng tingin sa'kin.
"Wala akong alam tungkol diyan Sebastian," tugon niya at napatawa ako ng bahagya dahil sa sinagot niya. Siya ang kapatid pero wala siyang alam.
"Maniwala ka sa'kin, wala akong alam don. Si mom at dad lang ang nakakaalam sa bagay na 'yon. Sebastian, bilang kuya at kapatid ni Vienna, ayoko siyang makita na nasasaktan at nahihirapan. Sa oras na malaman niya ang tungkol sa'yo, masasaktan at mahihirapan siya na balikan at isipin ang nakaraan niyo. Hayaan mo na siya, masaya na siya sa buhay na meron siya ngayon."
----END OF FLASHBACK----
'Yan lang ba ang nag-iisang paraan para hindi masaktan at mahirapan si Vienna, ang layuan siya? Inaamin ko, mahal ko pa rin si Vienna at hindi nagbago ang pagtingin ko sa kaniya. Oo, bago pa siya bumalik unti-unti ko na siyang kinakalimutan. Pero no'ng bumalik siya, mas lalo ko pa yata siyang minahal.
"Pre, may problema ba?" Napaiwas ako agad ng tingin kay Vienna nang biglang dumating si Britt. Kinuwento ko na sa kanila ang pinag-usapan namin ni Vince kahapon. Kahit sila tutol sa pakiusap niya, lalo na ako.
"Para kay Vienna ba 'yan? Kanina mo pa siya tinitingnan. Pero ano ba talaga ang desisyon mo? Itutuloy mo pa rin ba ang nasimulan mo o titigil ka na? Kahit tama ang mga sinabi ni Vince, kailangan pa rin tayong makilala ni Vienna." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
"Akin na 'yan, ako na ang magbibigay sa kaniya. Balitaan na lang kita mamaya, kita na lang tayo after class," dugtong niya at kinuha ang paper bag na hawak ko sabay tapik niya sa balikat ko.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin. Pero sa pagkakataong 'to, kung ano ang makakabuti kay Vienna do'n ako kahit na masaktan pa 'ko.
VIENNA'S POV
Ano naman kaya ang dahilan niya kung bakit binigyan niya 'ko nito? Tinititigan ko pa rin hanggang ngayon ang paper bag na inabot sa'kin ni Britt na galing daw kay Sebastian. Pero para saan naman 'to? Peace offering? Eh, hindi naman kami nag-away.
"Ano naman kaya ang hidden agenda ni Sebastian kung bakit ka niya binigyan niyan? Pangalawang beses ka na niyang binigyan ng pagkain. Gusto ka na kaya niya?" Therese said. Bakit kaya niya 'ko binigyan ng ganito? And it's just the same, green curry pa rin kagaya no'ng unang pagkaing binigay niya sa'kin.
Nag-start na ang first period kung saan magkakaroon ng quiz. Buti na lang nakasagot ako at natandaan ko lahat ng ni-review ko kanina at kagabi. Namamanhid na rin ang mga daliri ko, nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko sinunod ang utos nina sister.
"Vienna, kailangan mo nang pumunta ng clinic para ipagamot 'yan. Baka hindi ka makakatugtog niyan, sige ka," saad ni Therese nang mapansin niya na napapatingin ako sa mga daliri ko.
"Mamaya Therese, after class," sagot ko.
Nagtuloy-tuloy din naman ang class ko, ayun nagsimula ng sumakit ang mga daliri ko. Kaya hindi ako nakapag-take down notes sa discussion ni prof. Hays, ngayon pa talaga 'to nangyari.
Natapos na rin ang 3rd period at nagdesisyon na ako na pumunta na ng clinic. Si Therese nauna na sa cafeteria, hinihintay na kasi kami ni Michelle do'n.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa storage room kasi parang may nangyayaring kaguluhan.
"Hindi ba, sabi ko sa'yo burahin mo na ang account mo pero hindi mo ginawa!" Galit na sigaw ng isang lalaki. Kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto ng storage room.
"Dahil sa'yo naghiwalay kami ng girlfriend ko!"
Pagdungaw ko sa pinto bigla niyang sinuntok ang lalaking nasa harapan niya. Hala! Ano ang nangyayari dito? At sino naman itong lalaking binubugbog nila?
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko nang makapasok na 'ko sa loob ng storage room. Tinatagan ko talaga ang loob ko, gusto ko lang kasing tulungan ang lalaking binugbog nila.
"Isa laban sa apat? Anong laban niya sa inyo? Kung ayaw niyo na ma-kick out sa university na 'to, tigilan niyo na siya!" Malakas na sigaw ko.
Akala ko pa naman sasagot pa sila pero nilagpasan nila ako at tuluyan na silang lumabas ng storage room. Agad akong napatingin sa lalaking nakaupo sa sahig at gano'n na lang ang gulat ko.
"Sebastian!"
Naisigaw ko at lumapit ako agad sa direksyon niya. Hinawakan ko ang mukha niya, mayroon na siyang pasa at dumudugo na rin ang labi niya.
"Hali ka, tulungan kitang makatayo," sabi ko at inalalayan siya. Lumabas na kami sa storage room at pinaupo siya sa isang bench. Alam ko pinagtitinginan na kami ngayon at napansin ko rin na nagulat sila nang makita nila si Sebastian na may pasa sa mukha.
"Huwag kang aalis diyan, hihingi lang ako ng gamot sa clinic, okay? Babalik din ako agad, sandali lang." At tumakbo na 'ko paalis. Humingi na rin ako ng gamot pagkarating ko sa clinic para sa pasa niya at gamot para sa daliri ko. After niyon, lumabas na ako ng clinic at binalikan si Sebastian. At buti na lang hindi siya umalis pagkabalik ko.
Naupo na rin ako sa tabi niya at binuksan na ang betadine na hiningi ko sa clinic. Nilagyan ko na ang hawak kong cotton bads at lumapit ng kaunti sa kaniya. Kinakabahan ako lalo pa na nakatitig siya sa mga mata ko.
"Med'yo mahapdi 'to kaya tiisin mo," sabi ko at tumango naman siya bilang sagot.
Sinimulan ko na nga na gamutin ang pasa niya sa mukha. Buti na lang hindi nanginginig ang kamay ko habang nilalagyan ng gamot ang pasa niya. Dahil nakakahiya at baka ano pa ang isipin niya.
"Ngayon lang ba 'to nangyari sa'yo o matagal na?" Tanong ko at agad siyang umiwas ng tingin sa akin at sa tingin ko hindi niya na naman ako sasagutin.
"Hahayaan mo na lang ba na bugbugin ka nila? Hindi ka lalaban? Pero sa tingin ko wala ka namang kasalanan, mga immature lang talaga ang mga lalaking 'yon. Paano kung hindi ako dumating at napadaan sa storage room? Baka sa ngayon bugbog sarado ka na," dugtong ko pero tahimik pa rin siya. Nilagyan ko na ng band aid ang malaking pasa niya at ginamot ang sugat niya sa labi.
"Pahinga ka muna, for sure masakit pa ang katawan mo," ani ko 'tsaka lang siya tumingin sa'kin ulit.
"Mukha at katawan ko lang ang nabugbog, hindi ang boses ko. Kaya huwag ka nang mag-alala, kaya ko na ang sarili ko," sagot niya sabay tayo nito.
Why all of the sudden naging ganito siya? Bumalik siya sa pagiging cold at masungit.
"Salamat sa tulong mo, pero sa susunod huwag kang sumali sa gulo na pinasok ko. Baka saktan ka nila at hindi kita maprotektahan. Alis na 'ko," dugtong niya at agad na rin siyang umalis.
Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumalabas sa bibig niya at sa tingin ko, iniiwasan niya 'ko.